Ipinaskil ni: diwa81 | Agosto 9, 2009

Presidential Prerogative!


Nakakalungkot talagang pagmasdan, pati pagpili ng national artist, nabahiran na ng pulitika. kahapon narinig ko ang panayam ng Dos4Dos kina Alvarez, na isa sa idinagdag ni Gloria sa mga bagong National Artist, at Lumbera, na isa sa mga tumututol sa dagdag-bawas sa pagpili.

Ang dapat sigurong maging award ni Alvarez, most talkative. talaga namang nadomina niya ang buong talakayan. Ang problema lang, puro teknikalidad lang naman ang palusot niya, at malala pa, pagbubuhat ng sariling bangko ang nangyari.

Kung ang isang tao, may delikadesa, siguradong mahihiya nang tanggapin ang ganitong award kung kaakibat naman nito ang sandamukal na puna.

Pero sa pagpupumilit pa rin ng dalawang taong kwinekwestyon ang pagkakasama sa mga bagong National Artist, pinapatunayan lamang nito na talagang aktibo nilang nilalayon ang naturang gantimpala. Hindi ko lang alam kung talagang likas mga “artist” na ito ang maging mahangin.

Hindi na sila nahiya, ang taong hihirang sa kanila bilang isang aritst, ay hindi naman isang artist, at pinakamalala pa, ito ang presidenteng kinamumuhian ng marami sa loob at labas ng bansa. kung ganyang klase lang naman ng tao, para magiging sumpa pa ang gantimpalang ibibigay sa kanila. pero kung patuloy na magiging makapal ang mukha ng mga ito, baka ang sumpa ay maipasa sa mga lehitimong National Artist.

Kung sabagay, lahat naman ng bagay, may bahid ng pulitika. Ultimong pagpili nga ng pambansang bayani, hindi matapos-tapos dahil sa pulitika, ng panahon ng katipunan at kasalukuyang panahon. Ang namamayaning sining at kultura ay hindi maiiwasang sumalamin sa kultura ng naghaharing uri. Gayundin, ang kultura ng kasalukuyang rehimen ay hindi maiiwasang tumatak sa patakaran ng gubyerno sa kultura. Ang kawawa lang nito, ang mga Pilipino na naman, lalo na ang mga bata, dahil sa napakababang antas ng kulturang isinasaksak sa kanilang isipan.

Samantala, kaugnay din ng pagpili, ang isa pang mas mahalagang usapin. Napilitan na rin si Gloria na pumili ng bagong justice ng SC mula sa listahang ibinigay sa kanya.

Hindi ko ba maintindihan kung bakit gumagawa pa ng lupon para pumili ng mga taong irerekomenda sa SC, at sa iba pang lupon, kung gayong lagi rin naman palang babalewalain ng pangulo ang trabaho ng mga lupong ito, kung lagi lang nilang ibabalik ang listahan ng mga pangalan kung wala dito ang pangalan na gusto nila. Hindi ba parang pag-aaksaya lang ito ng panahon? Hindi ba parang lokohan lang ang nangyayari.

Dapat seryosong tingnan ito ng mga mambabatas dahil sa papel na lang umiiral ang sinasabing “checks and balance” sa tatlong sangay ng gubyerno na dapat sana’y magkakahiwalay at magkakapantay ang kapangyarihan. Sa mga kritiko diyan, iyan ang sinasabi niyong DEMOKRASYA!


Responses

  1. Hehe! All caps pa ang demokrasya a! With a vengeance talaga sa mga naniniwalang demokrasya ang umiiral sa bansa sa kasalukuyan.

    May mas mainit na isyu, ang mamahaling hapunan nina GMA sa US. Grabe ang kaimbyernahan ng mga tao, hehe. Aligaga tuloy sila kakapalusot, harhar!

    • oo nga. ito, may sinulat na ako tungkol dito.

      salamat sa pagdaan. nandiyan si lara ngayon. di ka raw sumasagot sa text.

      • Ganun ba? Nagpalit kasi ako ng number e. Alam ni Gwen iyung gamit kong number ngayon pero alam din nina Jovs.

        Sana makontak niya ako bago ako pumunta na naman sa probinsya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: