Ipinaskil ni: diwa81 | Hulyo 28, 2009

Ang Kaso ni Melissa Roxas


Ang Kaso ni Melissa Roxas
28 July 09

Noong nakaraang Mayo, dinukot ng pinaghihinalaang mga militar ang isang Pil-Am na myembro ng Bayan sa Gitnang Luzon at dinala sa isang kampo militar umano. Matapos ang ilang araw ng imbestigasyon at tortyur, pinakawalan rin ang aktibista. Ilang araw matapos nito, lumabas sa US ang aktibista para magsampa ng kaso.

Natural, ang naging sagot na naman ng military sa kasong ito ay simpleng pagtanggi. Una, pagtanggi na may ganoong nangyaring insidente. Nang hindi na nila maitanggi na dinukot nga si Melissa Roxas, itinatanggi nila na gawa iyon ng militar. Ito ay sa kabila ng napakaditalyadong paglalahad ni Melissa sa nangyari sa kanya at sa eksaktong-eksaktong paglalarawan ni Melissa sa isang kampo ng militar sa gitnang Luzon, batay na rin sa pahayag ng CHR.

Pero ngayon, bumaba pa ulit ng isang andana ang AFP at mga tagapagtanggol nito, sa katauhan ni Palparan. Hindi na makakalimutan ang pangalang Palparan sa kasaysayan ng Pilipinas bilang pinakamasugid na otoridad ng military na nagsulong ng paglabag sa karapatang-tao ng di mabilang na indibidwal. Matapos ang ilang taong pagreretiro, nanlilimahid pa rin sa kamay ang dugo ng mga inosenteng sibilyang pinatay at pinahirapan niya.

Lumabas siya kahapon kasama ang isang bidyo umano na nagpapakita kay Melissa na kumakain kasama ng mga sinasabing NPA. At syempre, mabilis na kinumpirma ito ng AFP na tunay umano.

Hindi ako abogado, pero ilang kakatwang bagay ang napansin ko sa kaso ni Melissa kaugnay ng lumabas na bidyong ito.

Kaugnay nito ang ilang tanong:

Una, masasabi bang si Melissa nga ang nasa bidyo?

Pangalawa, kahit mapatunayang si Melissa nga ang nasa bidyo at NPA nga ang mga kasamaniya,  may ligal na batayan ba na sabihing NPA na rin si Melissa?

Pangatlo, kung mapatunayan man sa bidyo na NPA si Melissa, may pinatutunayan bang may ginawang krimen si Melissa batay sa bidyo? At kung merong mapatunayang krimen si Melissa, bakit hindi na lang nila hinuli at kinsauhan, lalo na at may ebidensya pala ang AFP?

Panghuli, at pinakamahalaga, masasagot o binibigyang-katwiran ba nito ba nito kung bakit nila dinukot si Melissa? Bakit pa nila tinatangging dinukot si Melissa?

Lumalabas na naman dito ang katangahan ng AFP at kawalang hiyaan nila. Wala silang pakundangan sa paglabag sa karapatan ng mga tao. Sabihin nang NPA si Melissa noon, ibig sabihin ba, tama lang ang ginawa nila sa kanya? Kahit pa pinakapusakal na kriminal, ginagarantiyahan ng batas ang mga karapatan. Ang lakas ng loob nilang gawin iyon sa kanya, ngayon maglalabas sila ng bidyo umano ni Melissa kasama ng NPA. Bakit hindi nila gawin ang paborito nilang palusot kapag pinupuna sila sa mga pinapaslang at dinudukot nilang aktibista, e di, magsampa sila ng kaso sa tamang hukuman!

Ang dagdag na kakatwa sa kaso ni Melissa, kaugnay ng US, ano kaya ang magiging reaksyon dito ng gubyerno nila? Alam naman na ng lahat kung gaano kalaki ang galit ng mga naghahari sa US sa “komunismo” at mga organisasyong pinagbibintangan nilang prente ng mga komunista. Pero panay din ang pagpapanggap nila na labis-labis ang pagprotekta nila sa mga mamamayan nila, katulad ng insidente ng nabihag ng mga pirata sa Somalia.

Ngayon, paano sila tutugon ngayong, isang mamamayan nila ang naging biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa, pero pinagbibintangan namang komunista? Ngayon, masusubok ang sinasabi nilang “demokrasyang” hatid nila.


Responses

  1. Ang latest na pinapalutang na anggulo ng AFP, mga NPA sin daw ang nagpadukot kay Roxas dahil gusto na raw nitong umalis sa kilusan. Kagabi, may anggulo pang nagdadawit kay Kong. Satur Ocampo na utak din daw ng pagpapadukot !
    Dapat na sigurong magpalit ng trabaho ang mga spin doctors ng AFP at Malakanyang, kahit sa mga teleserye, lalangawin ang inilalako nilang storyline.

    • salamat sa info. bagong luma na naman iyan a. lahit nga ata sa mga sinehan sa tabi-tabi, hindi bebenta ang mga kwento nila. pero ang hinala ko dito, mukhang gusto lang nilang bigyan ng ang US para magkadahilan para hindi suportahan si Melissa dahil kasapi siya ng “teroristang organisasyon.”

  2. Lalo pa’t nagkadaupang-palad na rin sa wakas sina GMA at Obama, pinuri ni Obama ang pagpanig ng Pinas sa kanilang mga kampanya sa HR sa Myanmar, anti-nuke sa Nokor at siemps iyung sa anti-terrorism campaign nila. Wala man lang nabanggit sa global crisis.

    Dapat magpakatatag si Melissa, kung hindi man siya suportahan ng US, susuportahan pa rin siya ng mga Pinoy, not necessarily ng gobyerno ni GMA.

    Napadaan lang, great post!

    • Nagbanggit kayo ng anti-nuke sa NOKOR, ako ay hindi maka-Gloria . Pero di ba ninyo nakita ang tunay na kalagayan ng bansang NOKOR? Ang NOKOR ay hindi isang komunista na bansa o sosyalistang bansa o demokrasyang bansa, kung hindi ang NOKOR ay nasa ilalim ng isang rehimeng diktadurya na ang pangunahing layunin ay ang paggawa ng armas instead na ayusin nila ang ekonomiya nila. Bakit diktadurya? tingnan mo ang kasalukuyang lider nila na may problema na sa kalusugan at may runors na ang ipinalit sa kasalukuyang lider ay ang kanyang anak… Ano ba ang matatawag nyo dyan’? Demokrasya? In a simplest word “Dictatorship” Mas grabe pa ang lider ng NOKOR kay Saddam Hussien or kay Marcos-terorista ang lider ng NOKOR . Demokrasya pa rin ang da best na sistema!

      • mawalang galang lang sa yo lumad, pero saan mo ba natutunan ang mga ganito.

        una, natural lang na maging one-sided ako, doon ako sa tingin ko ay tama. walang mas lalala pa sa isang taong walang sariling paninindigan at nagpapanggap pang walang pinapanigan. ang tawag sa mga taong ganoon, walang gulugod, nakikisabay lang kung anong panig ang mas marami.

        pangalawa, tungkol sa kapabilidad o kakayahan na magpakana ng CPP/NPA, natural, meron silang kakayahang gawin iyon, tulad lang rin ng AFP. pero ang usapin dito hindi kakayahan, kundi probabilidad. kung sa reaksyunaryong batas, ang hinahanap dito probable cause. ang linaw-linaw naman ng tertimonya ni Melissa. hindi ko pa nabasa ng buo ito pero, ang alam ko may binanggit siyang kampong pinagdalhan sa kanya. ngayon, isipin mo na lang, kung NPA ang kumuha sa kanya, hiindi ba common sense na lang na gubat siya dadalhin ng mga iyon dahil doon ang kampo nila at hindi sa kampo ng mga militar. o baka may kakayahan na rin ang mga NPA na gumawa ng kampo sa mga matataong bayan at palabasin itong kampo ng militar? lumang tugtugin na iyan ng militar. kapag wala na silang ibang palusot, saasbihin nila na mga NPA din naman ang may gawa. tapos ituturo nila ang pangyayari na noon pang late 1980s naganap at palalabasing nagaganap ulit ito.

        iyong tungkol sa mga binabanggit mong Plaza Miranda Bombing, pagpatay kina Kintanar at Popoy, magbasa ka pa ng ibang libro sa kasaysayan. kung pang elementary lang ang babasahin mo, puro basura lang ang mapupulot mo. tandaan mo ang kasaysayan, laging dalawa iyan. depende kung sino ang nagsusulat. kalimitan, isinusulat ang kasaysayan hindi para mapag-aralan ng mga susunod na henerasyon sa hinaharap kundi para magamit na propaganda sa kasalukuyan.

        Pangatlo, ang sinasabi mong “demokrasya” at “diktadurya” ay iisang bagay lang naman, dalawang mukha ng iisang barya. kung mangungusap ka ng ganitong mga bagay, maging malinaw ka, kasi ang bagay na ito ay makauri. demokrasya para kanino at diktadura nino? kapag may demokrasya para sa mga mapagsamantala, diktadura ang katumbas niyon para sa masang anakpawis, at gayundin ang kabaliktaran. kaya alin doon ang tinutukoy mo? Pero kaugnay ng Nokor, hindi ako makikipagtalo sa yo. masalimuot na usapin ang Nokor. kahit ako maraming mapupuna doon. pero hindi naman iyon ang pangunahing punto ko sa isinulat ko tungkol sa Nokor. Ang pangunahing usapin doon ay ang pagbasag sa monopolyo ng US sa kagamitang pandigma na lumilikha sa sitwasyon kaya ito nakakapagdikta ayon sa kagustuhan at benepisyo nito, na laging sa kapakanan ng masang anakpawis sa buong daigdig.

      • mawalang galang din po sa iyo diwa18. hindi ako nakikisabay kung anong panig ang mas marami kung hindi sa katotohanan lamang at hindi naman po ako walang gulogod. ang gusto ko lang ay ang marinig ang magkabilang panig kung alin ang tama, si melissa roxas ba o ang AFP. uu may probabilidad ang mga testimoniya ni melissa roxas, pero probabilidad lang yan di pa yan napapatunayan ni melissa roxas at may probabilidad din ang pahayag ng AFP laban sa testimoniya ni melissa roxas. di naman siguro pwede na gagawa ka lang ng testimoniya at paniwalaan kaagad kailangan pagtibayin ni melissa roxas ang kanyang testimoniya kasi mailalagay lang yan sa haka haka.ang magkabilang panig sa sinasabi ko na may kakayahan na gumagawa ng isang senaryo ang CPP/NPA at AFP. sa pagka-ngayon di pa maari tayo gumawa ng isang konklusyon, pairalin natin ang proseso, andyan naman ang CHR handang tumulong kay melissa roxas.

        pangalawa, kahit elementary lang po ako pero may kunting alam po ako ng ating kasaysayan ng ating bansa kahit basura lang ang nabasa ko na di katulad niyo na siguro sa malalaking universidad kayo nag-aral. sa ngayon di na ako naninawala sa sinasabi mo na dalawa ang kasaysayan kasi ngayon ang daming magagaling na historian at saka kung may pagkakamali man ay madaling maituwid dahil sa mga kagamitang teknolohiya kagaya ng internet na pwede mo nang ilathala ang iyong mga sinusulat at maaring madagdagan or mabawasan ang iyong sinusulat base sa ibang contribution ng mga ibang historian. example plaza miranda bombing, si senator jovito salonga ay isang historian din, nag-research siya tungkol sa plaza miranda bombing at dumating siya sa punto na paniwala niya na ang may pakana ay si JOMA at hindi si Marcos dahil may hinahawakan siyang matibay na ebidensiya at gusto niya na si JOMA ay haharap sa korte pero di maari kasi si JOMA ay covered ng bilateral aggreement sa peace talk na immune siya sa ano mang kaso(Kawawa ang gobyerno, kahit manghold up si JOMA ay di makukulong). totoo sinusulat ang kasaysayan para sa propaganda ng kasalukuyan, ang kabuuang kasaysayan ng ating bansa, kasaysayan ng makaliwa, makasentro, maka-kanan lahat para maging basehan sa pagboo ng bansang matiwasay at maunlad. ang problema lang kasi ay ang transparent ay ang gobyerno lang at dito sa kaliwa ay di sila transparent, di natin alam kung ano ang tunay na kasaysayan ng makaliwa baka kagaya sila ni Pol Pot o di kaya kay Joseph Stalin.

        Pangalawa, ano ba kaya ang demokrasya? Ang bansang demokratiko ba ay wala bang malayang pamamahayag kagaya ngayon sa ginagawa natin sa blog na ito? Ang bansang Pilipinas ba ay wala ba malayang pagtipon tipon? Ang bansang demokratiko kagaya ng Plipinas ay wala bang malayang pagpapahayag kung ano man ang iyong political beliefs kagaya nina satur ocampo at iba dyan na sila ay komunista pero nakasali pa rin sila sa pagpalakad ng ating gobyerno?
        Da best pa rin ang demokrasya!

  3. Bakit ba kayo ay one sided lang, di ba ninyo alam na ang NPA ay may kapabilidad na gumawa ng isang senaryo na palabasin nila na ang AFP or PNP ang nagdukot kay Melissa Roxas pero CPP-NPA pala ang may tunay na kinalaman sa pagdukot. CPP-NPA-NDF has mastered the art of deception kasama yan sa peoples protracted war, remember Plaza Miranda Bombing na akala ng karamihan ay si Marcos ang nag-utos sa paghagis ng granada, yun’ pala ay si JOMA Sison. Yung pagpatay kay Popoy Lagman, Romulo Kintanar at iba pa, nasaan na ang kanilang karapatang pangtao? Di lang alam ni Melissa na NPA pala ang dumokot sa kanya para lalong magagalit siya sa militar at mga pulis.

  4. anupanga ba!! tapos parang mga inosenteng anghel (ng impyerno) na di nila magagawa un kuning kuning….. lumang estilo na yan at di na mabebenta sa mamamayang lantad na sa kawalang hiyaan ng mga tuuuuuuuuttttttttttt….

    • ikaw naman. sinensura mo pa ang sarili mo. okay lang iyan. kahit ako minsan napapamura sa blog ko.

  5. totoong NPA si Melissa Roxas and totoong mga NPA din ang dumukot sa kanya. huwag na kayong magbulag-bulagan! imulat ang inyong isipan sa matagal ng bulok na paniniwala ninyo. bakit kung ang AFP makapatay, human rights kaagad? ang NPA din kung makapatay dapat human rights din!

  6. i agree with lumad…. wag kayong one-sided. palibhasa parang kabayo sa kalesa na nakatabing ang mga gilid ng mata… dont be too shallow and narrow-minded.

  7. I am not going to say that Melissa Roxas is telling the truth or not before the commission on human rights. What I am trying to emphasize that it is not only the AFP/PNP is capable of doing such abduction and torturing the abductee but CPP/NPA/NDF has also a capability of doing that. I am going to site an example in the case of Robert Frances Garcia a former member of New People’s Army who was once a victim of Operation Missing Link in 1980’s in the hands of his comrades. This Operation Missing Link is an order comes from Central Committee of the party itself the CPP to clean the ranks of NPA from the infiltrator and I don’t know if CPP/NPA/NDF follows the Geneva Convention or The International Humanitarian Law or simply they are just savaged or the reincarnation of Pol Pot of Cambodia or Mao Tse Tung where most of the intellectuals were being killed or Joseph Stalin. Please Follow this link http://www.pcij.org/imag/SpecialReport/comrade.html to read an excerpts from the Book “In To Suffer thy Comrades” written by Robert Frances Garcia a former NPA rebel who suffered a torture from his comrades and how brutal it was.
    Demokrasya pa rin ang da best! Maraming Salamat President Cory!

  8. @ lumad: ganyan ang mas magandang mga argumento para mas maganda ang talakayan. iyon kasing argumento na “one-sided,” pambata lang iyon.
    ngayon, para sagutin ang mga punto mo:

    una, hindi ikaw ang sinasabihan kong walang gulugod. ipinapaliwanag ko lang kung bakit dapat “one-sided” tayo. wala akong idinidikta kanino man na paniwalaan, ang mahalaga lang malinaw ang paninindigan ng bawat isa. at hindi ko naman sinasabi dito na walang karapatang magpahayag ang AFP. ang sinasabi ko, walang katuturan ang pahayag ng AFP. inuulit lamang nila ang palusot nila sa daan-daang kaso na ng pamamaslang sa mga aktibista.

    pangalawa, kaugnay ng kasaysayan, ikaw na rin ang nagsabi na kaya narating ni Salonga ang kongklusyon niya ay dahil ito ang paniniwala niya.

    pangatlo, kaugnay ng sinasabing purging sa loob ng CPP/NPA, wala namang pagtatalo dito. alam ko rin naman ito. at kahit naman ang CPP, hindi itinatago ang bagay na ito. taun-taon naman ata, may lumalabas na artikulo sa dyaryo tungkol dito. bilang dagdag na mga info sa iyo, sa Mindanao, may 1,000 ata ang naging biktima doon, pero mga 100 lang ang napatunayan ng CPP na mga ahente talaga. nabasa ko na rin ang “to suffer thy comrade.” liban sa tama ang mga pahayag niya tungkol sa sinapit ng mga naging biktima ng pagdukot ng CPP/NPA sa sarili nilang mga kasamahan (natural lang dahil dinanas niya ito mismo), mali naman ang nagiging kongklusyon niya dahil ginagamit niya ang pangyayaring iyon para bigyang katwiran ang mga pananaw niya at palabasing tama ito, kahit wala namang kinalaman sa purging. hindi lang ang librong ito ang alam ko. may nakilala ako mismo na naging biktima rin. kaya alam ko rin ang bagay na ito.

    ang punto dito, walang pagtatalo sa pangyayaring binabanggit, walang pagtatalo kung lumabag ba ang CPP sa mga sinasaad sa Geneva Convention. Ang tanong kailan ba nangyari ito???

    iyan ang laging hindi isinasama ng AFP at mga tagapagsalita nila (muli, hindi ko sinasabing isa ka dito, nirerespeto ko ang pananaw mo) at lagi nilang gustong palabasin na umiiral pa rin ito sa loob ng CPP para bigyang katwiran ang mga nangyayaring pamamaslang sa mga aktibista. ito ay sa kabila ng lahat ng ebidensya at testimonya ng mga biktima mismo at mga testigo na nagtuturo sa AFP, sa kabila ng lahat ng naging kongklusyon ng iba pang ahensya at lupon, tulad ng EU Community at UN pa mismo, na nagsasabing may pananagutan ang AFP at gubyerno ng Pilipinas sa mga pamamaslang na ito, hindi man mapatunayang “may tuwirang pananagutan,” dahil sa nililikha nitong “culture of impunity.”

    panghuli, tungkol sa internet bilang halimbawa ng demokrasya sa pamamahayag, matanong ko lang, ilan bang manggagawa o magsasaka ang kilala mo na nagbo-blog??

    sa mga taong pumupuna sa akin na “one-sided,” basahin niyo nang mabuti ang tungkol sa blog, at ang mismong titulo ng blog ko!!!

  9. nice one, diwa! hehe

    Ako hindi ko sasabihing one-sided, kasi ang pagiging one-sided ay pagiging bulag at bingi sa ibang katwiran. Sasabihin ko pa siguro na bias o may pagkiling at malinaw naman kung kaninong panig nakakiling. Wala namang totoong neutrality, kailangang magkaroon lagi ng stand.

    Tama, igalang ang opinyon ng bawat isa, iyun ang sinasabing demokrasya. Pero sa ganang hindi naririnig ang opinyon ng iilang walang access sa internet, hindi masamang maging bias ang iilang may access para sa kanila na hindi nabibigyan ng pagkakataong maghayag ng saloobin.

    Kahit anong anggulo tingnan, mali ang torture. At sino ba ang patuloy na gumagawa nito sa ngayon? Alam kong alam natin ang sagot. Iyun naman ang main point na gustong talakayin ng post. Hindi naman ito usapin na parang walang karapatang mamuna ang mayroong naging pagkakamali sa nakaraan. Kung titingnan, wala sinumang perpekto at lahat ng bagay ay nagbabago at umuunlad batay sa lakad ng kasaysayan.

    napadaan lang…

    • may tama ka diyan, lyds!!!

  10. lahat ng naka upo sa gobyerno lalu n ang may mga kapangyarihan n magpatupad ng batas ang pinaka abusadong tao….lalu n ang city prosecutor ng ANTIPOLO ….muslim daw kuno …at balitang mahusay..tama mahusay bumaluktot ng batas para magdiin ng tao kapalit ng hatian ng pera ng mga bata nyang pulis antipolo lalu n kapag droga ang usapan ….alm n alam ng city prosecutor n ito pano ang dapat ilagay s testimonya ng pulis para madiin ang isang inakusahan p lamang ng s ganun kapag nagipit ang pobre magllay ng pera ….at para d mahalat ang baho ng fiscal n ito ay tuwing sabado sya nakaduty…sino at ppno nga mahahalata n malakas ang delihensya nya e motor lang ang sasakyan ng gunggong n buwayang ito…d pa perfect n pag didisguys….yan ang manahin mo arroyo para d halata


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: