Ipinaskil ni: diwa81 | Agosto 11, 2009

Isang Milyong Piging


Kauna-unawa ang galit ng sambayanang Pilipino kaugnay ng paggastos ng halos P1M para sa isang hapunan sa isang mamahaling kainan sa New York.

Natural, narinig na naman natin ang dati nang gasgas na mga palusot ng mga trapo: na hindi naman ang Malacanang ang nagbayad; na daling naman daw sa sariling bulsa at hindi sa kaban ng bayan ang ipinambayad.

Lumalabas muli dito ang kawalang hiyaan ng mga hinayupak na ito. Ipinapakita lang nila na wala silang pakialam sa damdamin at kalagayan ng masang anakpawis at buong sambayanang Pilipino sa patuloy na pagbalewala sa puna ng mga tao at patuloy na pagdadahilan.

Isang milyon! Natatandaan ko nung nasa kolehiyo pa ako, napagkakasya ko pa ang P12 para sa tanghalian ko. Limampisong kanin at kalahating gulay lang, solb na. Nilalakad ko pa hanggang Krus na Ligas para tipid sa pamasahe. Kung ikukumpara pa nga ang P12 na iyon sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino, baka pagkain na iyon ng isang buong pamilya. Paano pa kaya iyong isang milyon!

Kaya kahit anong palusot ni Gloria o sinumang umako dito ay hindi maiintindihan at tatanggapin ng tao. Paano nila maiintindihan kung kalam ng sikmura nila ang una nilang naririnig?

Lalo ngayo’t dumaranas ng matinding krisis ang buong daigdig na higit pang nagpalala sa dati nang matinding krisis ng ekonomya sa Pilipinas. Ang paggastos ng P1M sa isang kainan lang ay malaking sampal sa lahat ng naghihirap.

Sigurado, iyang mga tagapangatwiran diyan ng rehimeng Arroyo ay magdadahilan na naman. sinasabing galing naman sa sariling bulsa at walang pakialam ang iba doon. sinasabing wala namang iligal sa ginawa.

Eh ano ngayon! Nanggaling nga sa sariling bulsa pero ang yaman naman nila ay galing sa dugo at pawis ng iba! Wala ngang iligal, pero ang ligal na sistemang ito ang pumapatay sa masang anakpawis! Sige nga, paano niyo bibigyan ng katwiran iyan?

Hindi si Gloria ang nagbayad. Kailan ba siya nagbayad? Eh, iyon nga mga krimen niya sa sambayanang Pilipino, hindi niya binabayaran. Ang kailangan dito, kahit isang milyon lang rin na Pilipino ang sumingil sa utang ng rehimeng Arroyo sa taumbayan.


Responses

  1. matakot sila sa kasabihan -“walang kinikilala ang gutom na sikmura…”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: