Ipinaskil ni: diwa81 | Hulyo 2, 2010

Inagurasyon


Noong isang araw, napanood ko ang ilang bahagi ng inagurasyon ng bagong pangulo. Pero nag-alangan ako kung iyon nga ang inagurasyon ni Noynoy o ispesyal na edisyon ng S.O.P. dahil sa dami ng mga nagtangahal na artista. Inaantay ko na nga lang lumabas ang Sexbomb Dancers para kumpleto ang entertainment show.
Sayang lang ang ginamit na temang Pilipiniana. Pinahirapan lang nila ang mga bisita sa pagsusuot ng mga saya at barong sa ilalim ng matinding init. Pero hindi naman makabayan ang mga inawit na kanta. Marami ang pumuna sa pagkanta ni Christian Bautista ng Ingles na kanta ni Josh Groban, samantalang ang mas kapuna-puna ang mga kanta ni Ogie Alcasid, sa kabila ng matagal na pagbuild-up dito sa midya. “Si Noynoy ang tanging pag-asa”?
Pero ang pinakakapuna-puna ay ang mga kanta ni Noel Cabangon. Buong tingkad na nalantad ang kababawang kinasadlakan nito mula sa noo’y tagalikha ng magagandang himig na sumasalamin sa mga usapin ng lipunan. Ngayon, ang ideya na lamang niya ng mabuting Pilipino ay sumusunod sa batas trapiko, hindi nagtatapon ng kalat sa daan, hindi nagbubuga ng usok ang sasakyan, at iba pa. Paano kaya ang mga magsasaka sa bukid, ibig sabihin wala silang pagkakataon na maging mabuting Pilipino dahil wala namang batas trapiko doon? Hindi pa nagtapos dito. Ang panghuling kanta pa niya ay Kanlungan. Bagay na bagay sana ito para kina Kris at James Yap, pero para sa inagurasyon na sinasabi pa nilang makasaysayan?
Pero ano nga ba ang maaasahan sa mga artistang ito kung ang ganito rin kababaw ang ideya ng pagkamakabayan ng presidenteng ipinagkakapuri nila hanggang langit? Ayon nga sa sumada ng ambasador ng US na si Thomas, paglaban sa korapsyon, paglebel sa larangan ng kumpetisyon sa ekonomya, at walang counterflow at “wang-wang.” Talaga namang pabor na pabor ang mga ito sa US. Unang-unang, sino ba naman ang masasaktan sa pagbabawal ng counterflow at wang-wang. Ang korapsyon, ligtas din na usapin para sa US dahil ligal naman ang pandarambong nila dito sa Pilipinas. At ang paglebel ng larangan ng kumpetisyon, ito mismo ang esensya ng globalisasyon ng “malayang pamilihan” sa ilalim ng neo-liberalisasyon ng US.
Maganda ang mga pangako ng paghabol sa mga katiwalian ng nakaraang administrasyon. Pero paano ang mga usapin ng repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon, kongkretong programa sa edukasyon at paglaban sa kahirapan, pagbasura sa VFA, Oil Deregulation at iba pa, mataas na presyo ng bilihin at buwis, pagrepaso sa mga utang ng Pilipinas, kawalan ng hustisya, ugnayang panlabas sa ibang bansa, at marami pang iba?
Hindi madalian ang solusyon sa mga problema ng Pilipinas. Oo. Dapat bigyan ng panahon ang bagong pangulo para masolusyonan ang mga ito. Oo. Pero paanong hindi mapupuna ang bagong pangulo kung ang ginagawa pa lang niya ngayon sa pag-upo niya ay ang imbentaryuhin pa lang ang mga problema ng bansa? Ilang taon na ba siya sa gubyerno at hindi pa niya nakita ang mga ito sa kanyang panunungkulan bilang kongresista at senador? Hindi ba dapat bago pa siya nagpasiyang tumakbo sa pagkapangulo ay may ideya na siya sa mga problema ng bansa at kung paano lulutasin ang mga ito? Ito ang problema sa napakababaw na linya nila sa kampanya na “kung walang kurap, walang mahirap.”
Oo, dapat bigyan ng panahon ang bagong administrasyon para masimulan ang mga ipinangako nitong reporma. Pero dapat din nilang tandaan na bawat araw na maghihintay ang masang Pilipino, marami ang namamatay sa gutom. Pumunta lang sila sa Hacienda Luisita, makikita na nila ito.


Responses

  1. ewan anu ba yan mag post nmn kyo ng mga kanta ni noynoy
    i2ng mga 2 magboblog na nga lng hindi pa qmplet0


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: