Ipinaskil ni: diwa81 | Hunyo 21, 2010

Binilang Ka Ngunit Sobra


Bakit nga ba kailangang hiwalay ang ER ng presidente at bise presidente?
Sa tingin ko, dahil kailangang maging tuwid ang daan tungo sa pagkapangulo.
Inaasahan nang walang magiging masyadong pagtutol sa pagbibilang ng mga boto para sa pagkapangulo, habang magiging mahigpit naman ang laban para sa pangalawang pangulo. Hindi rin daw maintindihan ng maraming mambabatas kung bakit pinaghiwalay pa ang ER ng presidente at bise presidente gayong iisa lang naman ang pinanggalingan nito. Hindi tulad noong mano-mano pa ang botohan, magkasama sa iisang dokumento ang mga boto para sa dalawa. Pero pahayag ng mga mambabatas, nakabuti pa umano ito dahil inaasahang maraming magiging usapin sa mga boto sa bise presidente na maaaring makapagpatagal din sa pagbibilang ng boto sa presidente. Sa gayon, maaaring matapos ng Kongreso ang pagbilang ng boto sa presidente at maiproklama ang panalo kahit hindi pa tapos bilangin ang sa bise presidente.
Ang malaking problema lang dito, kung magrereklamo ang sinuman sa dalawa nina Binay at Roxas, na mahigpit na naglalaban para sa pangalawang pangulo, iyon ay dahil maaaring mga discrepancy o di pagtutugma ng bilang ng mga boto. At magkakaroon lamang ng di pagtutugma kung mayroong nagmaniobra sa bilang ng boto. Imposible namang isisi ito sa teknikal na problema ng makina dahil malayo namang magkamali ng bilang ang isang kompyuter. Maaari lamang itong mangyari kung sasadyaing maliin ang programang nakapasok sa makina. At ibig sabihin nga, may nandaya. Kung sino, iyon kailangan pang imbestigahan, at iba pa. Madaling sabi, tatagal ang bilangan.
At ito ang ayaw mangyari ng mga mambabatas na kaalyado ng malamang na susunod na administrasyon ni Aquino, at syempre ng mga dayuhan at malalaking negosyante. Ika nga sa ads ni Noynoy, kailangang maging tuwid ang daan para walang gusot ang papasok na susunod na administrasyon. Magiging mabango ang pangalan nito sa mamamayan. At sa kabila naman, medyo makakalimot sa problema ang mga tao, kundi man, mabighani pa kay Aquino at bulag na umasa dito para sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.
Kaya hindi bale nang magkagulo pa sa bise presidente, basta huwag nang madamay si Noynoy.
Pero ang hindi iniisip ng mga mambabatas, kung magkakaroon ng manipulasyon o anomalya sa boto sa bise presidente, ibig sabihin, may anomalya rin ang boto sa presidente at maaaring maging sa iba pang pusisyon. Ito ay dahil iisa naman ang pinanggalingan ng mga boto. Pinaghiwalay lang nila ng imprenta. Ibig sabihin, iisang makina ang bumilang sa bawat ER para sa lahat ng pusisyon. Kung nakompromiso ang bilang sa isang pusisyon, dapat ding ituring muna na maaaring nakompromiso rin ang iba pang pusisyon. Sa kasong ito, at dahil ito lang rin naman ang isa pang bahaging binibilang ng Kongreso, ang pagkapangulo.
Kung tutuusin, ang pinakamainam nang mangyari ay ang matanggal sa pwesto si Arroyo, sinuman ang maging kapalit maliban siguro kay Gibo. Pero hindi rin dapat basta-basta na lang tanggapin ang bagong administrasyon na may bahid ng pandaraya. Kahit pa sabihing panalo pa rin si Noynoy kahit hindi dayain ang boto, iyon na nga mismo ang punto, bakit kailangan pang dayain. Ang isang nakikita ko dito, kung totoo nga ang mga alegasyon ng pandaraya, kailangan nilang likhain ang isang kundisyon kung saan walang magiging kwestyon sa pagkapanalo ni Noynoy at malaki ang lamang niya sa mga kalaban niya para ipakita sa taumbayan na malaki rin ang paghanga sa kanya tulad ng mga magulang niya. Kung hindi, halimbawa tulad ng pagkapanalo ni Arroyo noong 2004, maaaring indahin ni Noynoy ang mga banat ng magiging oposisyon sa kanya hanggang sa magtapos ang termino niya.


Responses

  1. Pinoys love to dance. The sad part is b-boying became less popular? unlike it’s counterparts in modern dancing. . . But with more practice, organization and proper instruction and choreography, Pinoy b-boys can compete with the rest of the world and even beat them.. . And hope to see The Philippines represent in Battle of The Year!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: