Ipinaskil ni: diwa81 | Enero 3, 2010

Fertilizer o PATABA


fer•til•iz•er [fúrt’l zər]
noun

substance aiding plant growth: an organic or synthetic substance usually added to or spread onto soil to increase its ability to support plant growth

Sa bansang Pilipinas, kalunus-lunos ang kalagayan ng atrasadong agrikultural na ekonomya. Mahigit 70% ng populasyon ang nasa kanayunan at malaking mayorya nito ang mahihirap na magsasaka. Nananatiling walang makabuluhang reporma sa lupa. Dumaranas ng matinding karalitaan ang mga magsasaka sa kamay ng mga panginoong maylupa ang mga magsasakang wala o kulang ang lupa.

Isa sa malaking kapabayaan ng gubyerno ay ang pagpapabaya sa sektor ng agrikultura, sa pangkalahatan, at sa mga magsasaka, sa partikular. Pinaghaharian ng mga panginoong maylupa at malalaking pamilya ng asendero, walang pakialam ang gubyerno, o pinapanatili pa nga, ang kaayusang malapyudal sa kanayunan. Nagpapatupad lamang ng mga pekeng reporma sa lupa hindi bilang pagkilala sa lehitimong panawagan ng mga magsasaka kundi para pahupain lang ang pag-aalsa nila sa ilalim ng mga mapanlinlang na mga programa. Sa mahigit dalawang dekada ng CARP, walang makabuluhang reporma ang nakamit ng mga magsasaka. Isa sa pinakamatingkad na halimbawa na dito ang Hacienda Luisita ng mga Cojuangco, na kamag-anak ni Cory Aquino kung kaninong rehimen ang nagpasimula sa CARP. Imbes na mapasakamay ng mga magsasaka ang asyenda, naging instrumento pa ang CARP para lalong tumindi ang pagsasamantala sa kanila. Ang dating mga kasamá ay biglang naging stock holder, ngunit lalong tumindi ang kanilang paghihirap. At ang kapalaran nila ay malinaw na masasalamin sa nangyaring masaker sa asyenda noong 2004.

Sa buong bansa, halos ganito rin ang kapalaran ng mga magsasaka. Sa ilalim ng kasalukuyang rehimeng Arroyo, mas umigting pa ang kontradiksyon sa pagitan ng mga magsasaka at panginoong maylupa sa pagpasok ng mas masahol na CARPER. Mula sa dalawang dekadang panlilinlang sa mga magsasaka, tuluyan nang binasura ng mga naghaharing uri ang reporma sa lupa. Inalis na ang sapilitang pagpasok ng mga malalawak na lupain sa CARP para “maipamahagi” sa mga magsasaka; umaasa na lamang ang gubyerno sa maawaing panginoong maylupa na kusang pumasok sa programa.

Ang nakakalungkot na kalagayang ito ay pinalala pa ng katotohanan na sa kabila kapabayaan, pinagkakakitaan pa ng mga ganid na opisyal ng gubyerno ang mga programa sa agrikultura sa kapinsalaan ng mga magsasaka.

Nasaan na nga ba si JocJoc Bolante?

Hindi pa man naisasara ang isyu ng mahigit P2.8 B Fertilizer Fund Scam, narito na naman ang isang bagong pangungurakot ng gubyerno sa hindi pamamahagi ng mga fertilizer o pataba na donasyon ng Japan para sa mga magsasakang nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Hindi masasabi dito na hindi na natuto ang mga Pilipino sa nakaraang pagnanakaw ni Arroyo sa pondo para sa magsasaka para gamitin sa pangangampanya niya noong 2004. Sa halip, nag-uumapaw pa rin sa galit ang mga magsasak laban kay Arroyo ngunit marahas lamang nasupil ng rehimen kaya hindi sumabog. Sa kabaliktaran, makikita dito na ang natuto ay ang pangkating Arroyo. Natuto sila mula sa nakaraang kalokohan nila kaya mas ganid na sila at mas tuso na sila ngayon sa pagnanakaw ng kung anumang mapagkakakita sa pwesto. Muli, ang pataba na dapat sanang pantulong kahit kaunti sa mga hikahos na magsasaka ay naglahong parang bula at iba ang pinataba.

Katulad ng maraming iba pang krimen ng rehimen sa mamamayang Pilipino, maaasahan lamang ang hustisya kapag wala na sa pwesto si Arroyo. Pero ang bagay na ito ay kailangan pang paglabanan sa darating na eleksyon. Hindi man naging sapat ang paglaban ng mamamayan para mapatalsik si Arroyo, hindi rin nagtagumpay ang bulok na rehimen sa mga pakana nitong pagbabago ng konstitusyon para mapahaba pa ang termino. Sa makatwid, padating pa ang huling pagtutuos. At nasa mamamayan ang sagot kung paano tutuldukan ang paghahari-harian ng rehimeng Arroyo.

JocJoc, Garci, Jose Pidal, Lintang Bedol, at Abalos. Hahayaan pa ba nating humaba ang listahan?


Responses

  1. galing prang tag team ! aheheh… !!? . . pinoy pride !!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: