Ipinaskil ni: diwa81 | Disyembre 30, 2009

OPH na naman!


Amagtatapos na lang ang taon, humirit pa ang mga ganid na mga dambuhalang kumpanya ng langis. Hindi pa pinalipas ang taon bago nagpatupad ng panibagong oil price hike (OPH).

Kaugnay nito, magandang tukuyin ang ginawang hakbang ni Hugo Chavez, presidente ng Venezuela, laban sa Toyota at iba pang dayuhang korporasyon ng sasakyan sa bansa nila. Banta niya sa mga ito, kung hindi sila gagawa ng mga all-terrain vehicle, mag-impake na sila.

Ganito ang kailangang patakaran dito sa Pilipinas. Kailangan ng matapang na patakaran ng gubyerno para lagyan ng kontrol ang mga dambuhalang kumpanya para hindi makapagsamantala.

Pero ang nangyayari sa Pilipinas, kabaliktaran. Kapag nagpahayag ng OPH ang Big 3, kunwari iimbestigahan ng Department of Energy (DoE), pero sa huli, ipagtatanggol lang ang Big 3, kung hind man sa simula pa lang, sila na ang nag-aabugado para sa mga ito. Nitong kasagsagan ng masaker sa Maguindanao, kahit bumaba ang halaga ng dolyar at bumababa rin ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, tahimik lang sila. Pero kapag pagtaas ang gagawin, kagagalaw pa lang ng presyo sa pandaigdigang pamilihan, humihiyaw na sila na parang mamamatay na ang negosyo nila kung hindi kaagad maipatupad ang OPH.

Kapag may tumutuligsa, kapag may nagrarali, kapag may nag-iingay, sinusupil nila, sinasabihan pa na TINATAKOT nila ang mga investor. Biruin mo ba naman, ang mga pangkaraniwang mamamayan, nagsasalita laban sa mga dambuhalang korporasyon? Sino ba naman ang hindi “matatakot?”

Naaalala ko, lagi na lang sinasabihan ang mga raliyista, “puro kayo ingay. Wala kayong ginawa kundi ang manggulo imbes na maging bahagi ng solusyon. Tinatakot niyo ang mga investor.” Puro ingay ang naririnig, kasi ayaw makinig.

Ngayon, anong nangyari? Sinasabihan nila nang ganyan ang mga aktibista, pero ano na ang nagyari sa Oil Deregulation Law. Katwiran ng gubyerno, ito ang titiyak sa pantay na kumpetisyon ng mga kumpanya ng langis, na titiyak naman sa pagbaba ng presyo nito.

Ang sagot ng mga tutol, paano magkakaroon ng kumpetisyon kung namamayani na ang mga dambuhalang kumpaya ng langis. Hindi magkakaroon ng malayang kumpetisyon sa panahon ngayon na meron nang monopolyo. Kaya ang kumpetisyong binabanggit ay sabwatan sa aktwal. Kapag ipinatupad ang deregulasyon ng industriya ng langis, lalo lang mawawalan ng kontrol ang gubyerno, kaya lalo lang makakapgsamantala ang mga dambuhalang kumpanya ng Shell, Caltex, at Chevron (dating Petron).

Puro ingay?

Ngayon, sino ang tama?

Ang kailangan dito ay ang katulad na hakbangin ni Chavez sa Venezuela. Kontrolin ng gubyerno ang presyo ng langis para matiyak na hindi lalampas sa totoong kailangang pagbabago ng presyo. Kung ayaw nilang sumunod, mag-impake na sila, at hahanap na lang tayo ng ibang kumpanya o ang estado na mismo ang magpapatakbo.

Puro ingay?

Hindi totoo na matatakot ang mga mamumuhunan kung magkaroon ng mas istriktong patakaran ang gubyerno. Ang natatakot o ayaw ay ang mga ganid na dambuhalang korporasyon. Para sa kanila, anumang pagkabawas sa pwede nilang mahuthot, kahit ultimong sentimo, lugi na kaagad. Kaya ang gusto nila, deregulasyon at liberalisasyon para “malaya” silang makapandambong. Ang gubyerno naman, basta tama ang “lagay,” ayos na ang buhay nila. At lahat ng pasanin, sa pangkaraniwang mamamayan ang bagsak.

Kung magpatupad tayo ng patakaran laban sa liberalisasyon, siguradong aalis ang mga ganid na dambuhalang kumpanya, pero tiyak na may papalit pa rin sa kanila. Mas mainam nga ang sitwasyon ngayon dahil sa matinding krisis ng kapitalismo. Kahit gaano kaliit na pamilihan, napakahalaga para sa mga kapitalista. At siguradong mahigpit nilang paglalabanan ang mga ito. Kaya kung mabuksan ang Pilipinas sa pag-alis ng mga ganid na korporasyong ito, mabilis na may papalit sa mga ito. At malamang na makakuha pa tayo ng mas magandang kundisyon sa pamumuhunan nila dito.

Habang sa kabuuan, kailangang ipatupad ang pambansang industriyalisasyon para makabangon ang ekonomya ng Pilipinas at magkaroon tayo ng pangmatagalan at matatag na proteksyon laban sa pandarambong ng mga dayuhan.

Puro ingay lang ba ka nyo?


Responses

  1. Buti napansin mo! Salot talaga ang mga iyan!

    http://www.kilusangmayouno.org/balita/2009/12/big-three-ang-%E2%80%98grinch%E2%80%99-ng-pasko-%E2%80%93-kmu-p450-dagdag-presyo-sa-langis-sa-panahaon-ng-pas

    Mas makibaka tayo sa susunod na taon at sa mga susunod pa para matapos na ang kalakarang ito ng pagsasamantala sa atin! Happy new year!

    • salamat at napadaan ka. happy new year rin, kahit dami pa ring problema ng mga Pilipino


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: