Ipinaskil ni: diwa81 | Nobyembre 26, 2009

Maguindanao Update


1. Umaabot na sa 56 ang bangkay na nahukay. Lumilinaw na sa akin ngayon ang totoong plano sa masaker. Lahat ng biktima ay inilibing, kasama ng lahat ng gamit na sasakyan. Noong una, hindi ko maintindihan kung ano ang makukuha ng mga Ampatuan sa pagpatay ng ganoon karaming tao laban sa kanyang karibal sa pulitika. Ang naging sagot, ang tinawag ni Vice Mayor Mangudadatu na piping testigo sa masaker, ang naiwang backhoe at ang malalim na hukay sa pinangyarihan. balak pagtakpan ng mga salarin ang krimen sa pagbabaon sa lahat ng palatandaan ng pangyayari. kung natuloy ang balak nila, kahit anong paghahanap ang gawin ng panig ng biktima, simpleng itatanggi lang nila ang pangyayari dahil wala nang makikitang bangkay. Hindi na natuloy ang kanilang plano dahil inabot na sila ng mga pwersa ng militar.

2. Binaril sa suso, nilaslas ang ari, binaril sa bunganga, pintuol ang mga paa. Ganito inilarawan ni Mangudadatu ang paraan ng pagpatay sa kanyang asawa, kapatid at pamangkin, at sa iba pang kamag-anak niya.

3. Dahil balak ngang pagtakpan ang karumal-dumal na krimen, kaya pati ang lahat ng mamamahayag na kasama ay dinamay. Maging ang isang sasakyan na minalas lang na mapadikit sa kumboy ng mga Mangudadatu ay hindi nakaligtas. Ang limang sakay nito, na empleyado ng munisipyo ng Tacurong, ay pawang pinatay din.

4. Kagabi, ituturing na daw na suspek ang anak ng Ampatuan. Tinutugis na daw sila ng pulisya, pero hinihintay ang boluntaryong pagsuko! Pinaliligiran na ang kapitolyo at bahay ng mga Ampatuan, pero hindi para hulihin kundi para bigyan silang proteksyon!

Ito ang hindi ko maintindihan sa mga pulis. Ang bilis nila ngayong kumilos at magbigay ng proteksyon sa mga Ampatuan dahil baka balikan sila. Pero noong ang Mangudadatu ang humihingi mismo ng proteksyon sa grupo nila, wala daw pakialam doon ang pulisya! Nang lapitan nila ang AFP, hindi daw nila hurisdiksyon iyon, wala daw silang pwersang maibibigay!

 

Buong munod na ang nakaantabay sa kaganapang ito, siguro naman medyo mahihiya na ang gubyerno dito. Sana naman!


Responses

  1. hindi ko maisip kung paano matatapos ang ganitong sirkulo ng karahasan… parang walang tigil na gantihan ang maangyayarišŸ˜¦

  2. grabe, hindi pa din ako makapaniwala sa napaka hindi makataong pagtrato nila sa mga biktima,šŸ˜„

  3. eto po ang aking contribution sa maguindanao massacre. sana mabigyan ng katarungan ang mga biktima… pero hindi na rin ako umaaasa dahil sobrang MAGALING at MAKATARUNGAN ang ating gobyerno. ^_^

    http://rllqph.wordpress.com/2009/11/27/inosente-si-ampatuan/

    • tama ka sa punto mo!

  4. Hindi kailanman matitigil ang kaguluhan sa Mindanao habang ang sistema ay kontrol ng malalaking war lord, sa tulong ng mga nakaupo sa gob at militar. Kailangan kumilos ang mga kapatid na moro tumulong sila na baguhin ang kalakaran sa mindanao lalo na sa bahagi ng Maguindanao

    • may tama ka diyan kapatid!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: