Ipinaskil ni: diwa81 | Nobyembre 25, 2009

On Maguindanao Massacre


Noong una, hindi talaga ako makapagreak sa nangyari sa Maguindanao. Pero ngayon, medyo humuhupa na ang usok, mas lumilinaw na ang usapin. Nakikita na ng bayan na ang pumatay sa grupo ng Mangudadatu ay ang rehimeng Arroyo!

Ang unang dahilan kung bakit hindi kaagad ako makaisip ng masulat ay dahil sa mismong lala ng pangyayayari. Hindi pa magkasundo ang bilang na inilalabas ng iba’t ibang grupo, ng lokal na pulis, ng panig ng biktima at iba pa, ng mga namatay. Hindi lang basta-basta simpleng engkwentro ang nangyari, kundi isang mahusay na pinagplanuhang aksyon, gaya ng pinatutunayan ng back hoe sa lugar ng pinangyarihan. Maiintindihan mo ang kahandaan ng isang pulitiko na pumatay para talunin ang kalaban. Pero ang nakahandang pumatay nang ganoon karami na kakailanganin pa ng back hoe?! Sa ngayon, umaabot na sa 46 ang bilang ng bangkay na nakukuha.

Ang nagpalala pa sa pangyayari, hindi lang mga kalaban sa pulitika ang pinatay. Hindi maitatanggi ang init ng pulitika sa Maguindanao. Kilala na ang angkan ng Ampatuan dahil sa lakas ng kontrol nito sa probinsya. At ang kontrol nito ay nakasalalay sa malaking armadong pwersa na kinakalinga nito. Kaya hindi maiaalis na isa ito sa dahilan kung bakit nagsama ng maraming mamamahayag ang panig ng Mangudadatu. Syempre, para sa mga midya, malaking istorya ang mismong may kumalaban sa angkan ng Ampatuan sa pagkagubernador ng lalawigan.

Pero lumabas na walang saysay kahit ang presensya ng midya para maprotektahan ang grupo mula sa karahasan ng grupong humarang sa kanila habang patungo sa opisina ng COMELEC sa lalawigan. At naganap na nga ang hindi inaasahan.

Sa maraming internasyunal na grupo, halos pumapangalawa ang Pilipinas sa pinakamapanganib na lugar sa BUONG MUNDO. Pero mukhang mali na ito, dahil dapat UNA na ang Pilipinas. Ang laging nangunguna sa listahan ay ang Iraq. Pero maiintindihan mo pa ang Iraq dahil may gera doon. Dito, maliban kung ituturing na nating gera ang eleksyon. Pero kahit sa Iraq, paisa-isa ang namamatay na mamamahayag. Sa Maguindanao, kung tama ang bilang, LABINDALAWA!

Wala pang opisyal na itinuturong salarin, pero mangmang na lang siguro ang hindi makakaalam kung sino ang tuwirang nasa likod nito. Ang ligal na sistema lang naman ng estado ang ganoon kamangmang na kahit nandudumilat na sa harap ang lahat ng katotohanan ay mas matimbang pa rin ang teknikalidad.

Pero ang mapapasubaliang katotohanan ay ang koneksyon ntio sa Malacañang.

Sa mga pangyayaring hindi ito sangkot, napakabilis maglabas ng pahayag ng rehimeng Arroyo. Kapag malaking krimen, may ulo kaagad na pinapagulong. Iyon ay, kung hindi sila dawit.

Sa Masaker sa Maguindanao, hindi ganito ang nangyari. Nananaghoy na ang buong mundo, pero parang napipi ang gubyerno. Oo, naglabas ito ng utos na ilagay sa state of emergency ang probinsya. Pero walang saysay. Napakabagal na hinarap ang usapin. Baka nag-iisip pa ng lusot? Hindi natin alam.

Pero hindi na maitatanggi ang responsibilidad dito ng rehimen. Nag-alaga sila ng isang halimaw. Ginagamit nila ang halimaw na ito sa kapakinabangan nila tuwing eleksyon at sa iba pang gamit. Bilang kapalit, ibinibigay nila dito ang batas sa kanilang lalawigan sa kapahamakan ng mga kalaban nito sa pulitika at ng mamamayan. Ngayon, napakalaki na ng halimaw na iyon, at hindi na mapigil kahit ng amo niya. Hindi rin ligtas dito ang AFP at PNP. Lumalabas ang malaking kapabayaan at kainutilan ng dalawa dito. Kapag sa mga aktibista, ang tatapang ng mga ito. Pero laban sa malalaking angkan sa pulitika, nababahag ang buntot nila, kundi man sila mismo ang private army ng mga ito.

Kapag ang isang aso ay nakakagat, pinupks ang aso at ang amo ang pinagbabayad. Ano pa kaya kung ang amo mismo ang nagsanay sa aso na maging mabangis, sadyang nagpakawala dito, at nakapatay ng halos 50 tao?

******************

Basahin din ang The Maguindanao Massacre ni Adaengkantada.


Responses

  1. magandang punto iyan..

    pihong magiging makabuluhan sa inyo ang papel na ‘to:

    Roots of Mindanao Conflict: An Analysis, nasa http://www.ejournals.ph/index.php/TJH/article/view/113

    • salamat sa link. subukan kong basahin. medyo tamad kasi akong magbasa.

  2. i… agree. pft

  3. ddddddddddddddddddddddddddddddddddddd


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: