Mainit-init pang balita. Katatapos lang ang pahayag ni Chiz sa midya. Hindi na siya tatakbo sa pagkapangulo. Aniya “It’s the presidency, but not at all cost.”
Para sa akin, ito ang pinakamagandang hakbang na ginawa ni Chiz ngayon. Malaki ang magiging epekto nito sa hanayan ng pwersa sa pulitika, at malaking bahagi nito ang magandang pag-unlad.
Hindi ko pa lubos na naaaral ang dahilan sa likod ng pagtalikod ni Chiz sa 2010 eleksyon. Pero narito ang ilang pagtingin ko.
Nakabuti para sa oposisyon ang mismong presensya ni Chiz. Una, dahil sa balak pa niyang tumakbo noon, napilitang umatras si Loren Legarda, at tumatakbo na lang ngayon bilang pangalawang pangulo ni Villar.
At ngayong umaatras na rin siya, nabawasan pa ulit ang bilang ng gustong tumakbo sa pagkapangulo sa hanay ng oposisyon. Dahil dito, mas lumakas ang nagkakaisang prente laban sa kalaban ng lahat sa eleksyon, si Gibo Teodoro, na kumakatawan sa pagpapatuloy ng bulok na rehimeng Arroyo.
Hindi lamang ito, mas makakapag-ambag na ngayon si Chiz sa labang ito. Hindi na siya mahahadlangan ng hidwaan niya sa iba pang tumatakbo sa oposisyon. At maiaambag niya nang mas malaya ang talino at pagsisikap niya para sa naturang layunin.
Malinaw pa rin naman ang tindig ni Chiz. Wala siyang balak makipagsanib sa administrasyon. Hindi niya rin balak tumakbo sa pagkabise-presidente.
Aminado ako, noong una, duda ako kay Chiz. Isa siya sa mga hinangaan ko noon sa Kamara sa pakikibaka para mapatalsik si Gloria. Pero medyo nawala iyon nang umangat na siya sa Senado, at noon nga na balak niyang tumakbo. Pero ngayon, mukhang nabalik na ang tiwala ko sa kanya. At malamang sa hindi, magiging malaki ang bahagi niya sa paglaban sa kasalukuyang kinamumuhiang rehimen para hindi na ito makapagpatuloy sa 2010, at sa halip, mapanagot ito sa batas.
Ngayon, mas malaya ko nang masasabi, Say Chiz!!!
nagparaya si chiz para kay noynoy.
bakit hindi na lang si noynoy ang nagparaya para kay chiz?
-nagtatanong lang…
By: neil dalanon on Nobyembre 24, 2009
at 2:48 hapon
yay! mahal ko na ulit si chiz. hehe
By: narsmanang on Nobyembre 24, 2009
at 6:08 hapon
meron pala akong parehong pagtingin kay chiz.
hindi ko alam kung dahil kay noynoy ang pag-atras ni chiz. sinabi naman niya na nagkausap sila, pero hindi daw tungkol sa pagkandidato ni chiz.
may posibilidad. ang alam ko kasi, dating gabinete ni cory ang tatay ni chiz.
pero kung mangyayari iyon, kung papanig si chiz kay noynoy, makakabawas na naman iyon sa paghanga ko sa kanya. wala kasi akong bilib kay noynoy. wala siyang sariling tindig sa mga isyu, hinahayaan lang niya ang mga nagsusulong sa kandidatura niya na magsalita para sa kanya. kaya parang lumalabas na sumakay lang siya sa kasikatan ng nanay niya nang mamatay ito, at sa tatay niya.
pero maaga pa naman para maghusga. tingnan pa natin ang susunod na kabanata.
By: diwa81 on Nobyembre 24, 2009
at 9:08 hapon
may punto ka.
gusto ko yung linya mong “sumakay lang siya sa kasikatan ng nanay niya nang mamatay ito, at sa tatay niya.”
pero wala tayong magagawa. nilamon na yata ni kris aquino ang aming tv sa bahay, ang mga billboard sa edsa, ang mga frontpage ng diyaryo.
saan na papunta ang mahal nating Pilipinas?
By: neil dalanon on Nobyembre 25, 2009
at 8:07 umaga
mabuti pa nga si Kris, hindi naging plastik noong namatay si Cory. Ang tapang pang sumagot sa Malacanang.
By: diwa81 on Nobyembre 25, 2009
at 8:19 umaga