Ipinaskil ni: diwa81 | Nobyembre 6, 2009

Say Chiz!


30 Oktubre 2009

Marami ang nagulat sa ipinahayag noong isang araw ni Chiz Escudero. Ang dapat sanang paglalabas kung sino ang magiging katambal niya sa 2010 ay naging pagpapahayag ng pagkalas sa kanyang partido. Pero sa paglilinaw ng senador, kumakalas lamang siya sa kanyang partido pero tuloy pa rin ang pagtakbo niya sa pagkapangulo. Halata naman na hindi basta-basta aatras si Chiz. Isang araw bago ang pagpapahayag niya, mas dumalas pa ang mga ads niya sa radyo na dalawang beses kada komersyal.

Nahati ang mga tao sa kanilang opinyon sa ginawang ito ni Chiz. Sa isang banda, kabilang malamang ang mga kapartido niya, nakasama raw ito kay Chiz dahil hindi na siya ang magiging manok ng NPC ni Danding Cojuangco. May nagpahayag pa na political suicide daw ang ginawa niya. Sa kabilang panig naman, sinasabi ng mga tagasuporta niya na maganda ang ginawa niya dahil pinatutunayan lang daw nito na walang nakakapagdikta sa kanya. Nakatulong din ito umano sa ibinibida niyang bagong pagbabago dahil sa paglayo sa mga tradisyunal na pulitiko.

Para sa akin, ang tingin ko ito ang pinakamatalinong desisyon sa panig ni Chiz. Hindi dahil sang-ayon ako sa huli.

Matalino ang ginawa ni Chiz una, dahil hindi niya kailangan ang hayag na pag-eendorso ni Danding. Sa kabaliktaran, kailangan pa nga niyang lumayo dito para hindi maikabit ang pangalan niya sa bulok na pulitika ni Danding. Hindi niya kailangan ang pag-eendorso ni Danding dahil wala namang botong mahahatak ito, kundi makakabawas pa nga.

Pangalawa, ang kailangan lang naman ni Chiz ay ang tulong pinansyal at makinarya ni Danding. At pwede niyang makuha ito, sa katunayan mas magandang makuha niya ito nang patago at di tuwiran. Napakadali namang sabihing kumalas na siya sa NPC. Pero sa kabila nito, pwede pa rin namang tustusan ni Danding ang kampanya ni Chiz.

Sa ganitong paraan, mas malayang magagamit ni Chiz ang napakalaking makinarya ni Danding. Malamang ito ang sinasabi ni Chiz na gusto niyang tumakbo nang may malinaw na pag-iisip at walang nagdidikta sa kanya. At sa kabila nito, makakalayo siya sa bulok na pulitika ng NPC.

Sa panig naman ni Danding, magandang pagkakataon din ito. Kung matutuloy pa rin si Chiz, magpapatakbo ng bagong kandidato ang NPC, nandiyan pa si Noynoy at tatakbo naman si Gibo Teodoro sa administrasyon, lalabas na may apat na manok si Danding. At sa labanan ngayon kung saan negatibo na ang persepsyon ng napakaraming tao dahil sa wala silang nakikitang bagong mukha sa mga tatakbo, wala talagang iisang kandidato na malaki ang lamang sa mga katunggali. Sa ganitong sitwasyon mas makakabuti ang mas maraming manok para mas malaki ang tyansa. Sa kaso ni Danding, kakayanin naman ng yaman niya ang ganito.

Syempre, pagtaya pa lang ang lahat ng ito. Maaari pa ngang sabihing haka-haka. Hanggang ngayon kasi, tamang-duda pa rin ako kay Chiz sa pagtakbo niya sa pagkapangulo. Maingay itong kritiko ni Gloria pero ngayong senador na siya, wala akong nakitang ginawa nito na kapuri-puri. Mas malaki pa ang pakinabang sa kanya ng taumbayan noong kongresista pa siya kung saan aktibo siya sa paglaban sa mga pakana ng mga alipures ni Gloria at sa pagsusulong ng impeachment nito. Ngayon, magaling pa rin siyang magsalita, pero puro salita na lang.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: