Ipinaskil ni: diwa81 | Setyembre 7, 2009

Unang Hirit ni Mikey Arroyo


As far as I’m concerned, this video is self-explanatory.

Wala nang ibang mas magandang bagay na maglalantad sa kawalang-hiyaan ng mga Arroyo, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, damay pa ang bayaw ng pangulo.

Nakakabigla ang bagay na ito, kung isasaalang-alang na naging bihasa na ang Malacañang sa pagharap sa midya. Talagang isang malaking tactical blunder ito sa panig ng mga Arroyo, kung bakit pinayagan nila ang live interwiew kay Mikey.

Mukhang maganda naman ang game plan nila: sasagutin nila ang mga batikos sa biglang paglobo ng kayamanan ni Mikey at itinatago umanong bahay sa US sa pamamagitan ng pagsasabing, una, hindi naman sa kanya lang ang bahay kundi shareholder lang siya ng isang kumpanya na may-ari ng bahay; pangalawa, na hindi naman totoo na hindi idineklara iyon sa SALN niya, at nagkamali lang naman ng deklarasyon noong 2002; pangatlo, lahat naman iyon ay ligal; at panghuli, kung may tanong pa ay mga abugado na niya ang kausapin. Magaling pa ang timing nila dahil pang-umagang palatuntunan ang pinili nila, para hindi primetime.

Kung nakasulat na pahayag lang sana iyon, pwede na sana. Umani man ng mga batikos ay madali lang nilang ipagkibit-balikat, tulad ng madalas nilang gawin. Lalo na kung sa istasyon ng gubyerno isasaere. Ang problema, live interview na, sa pribadong istasyon pa, dagdag pa ang palaban at di pasisindak na tagapanayam na si Winnie Monsod; ang resulta, disaster para kay Mikey!

Ilang minuto pa lang sa panayam hanggang sa dulo, hindi na ako natatawa sa mga palusot ni Mikey (bagamat talaga namang katawa-tawa ang mga bobong pagdadahilan niya); mas natatawa na ako sa mukha niya. Halata na ang pagkairita niya kay Monsod. Pilit na pilit na lang ang ngiti niya, pero hindi niya maiwasan na irapan si Monsod, napapakagat pa minsan sa labi. Kulang na lang, sapukin niya si Monsod.

Sigurado ako, paglabas niya sa istasyon, abot-langit ang pagmumura nito sa kahihiyang inabot niya. Pero ang mas sigurado, mas malulutong na mura ang aabutin niya sa mga magulang niya. Pinatunayan lang niya ang kasabihang, sa bibig nahuhuli ang isda. Pero ikanga, mas malapot ang dugo sa tubig. Kaya ang mga ulong gugulong dito, malamang sa mga abugado at publisista ni Mikey.

Ewan ko ba, habang papalapit ang 2010, matatawa ka na maiinis sa mga taong ito. Nakakatawa ang kabobohan nila, pero nakakainis dahil napakaraming Pilipino ang namamatay sa gutom dahil sa kasakiman nila!

(Salamat sa video mula sa Pinaswatcher sa youtube)


Responses

  1. Yan, gisado. And ang weird, sabi niya, ung pinambili niya sa bahay or sa share ay galing sa contributions ng friends. Ugh, GREAT. But that’s the next best argument he can say anyway (aside from telling the ugly truth).

  2. I don’t know If I said it already but …Excellent site, keep up the good work. I read a lot of blogs on a daily basis and for the most part, people lack substance but, I just wanted to make a quick comment to say I’m glad I found your blog. Thanks,🙂

    A definite great read..Jim Bean

    • salamat. pagpasensyahan niyo lang at hindi na ako gaano makasulat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: