Ipinaskil ni: diwa81 | Hulyo 6, 2009

Gloria sa Kongreso


06 July 09

Matagal na ring pinag-uusapan sa media kung pwede bang tumakbo si Gloria sa Kongreso. At syempre, napakababaw na naman ng pagtalakay sa usapin.

Marami ang natali sa ligalidad ng usapin, kesyo, walang ligal na hadlang para kay Gloria. Pero ang hindi nila naisasaalang-alang, mayroon tayong Hello Garci, Fertilizer Fund, NBN-ZTE, WB-Funded Projects, Smuggling, at iba pang iskandalo, at nariyan rin ang mga pampulitikang pamamaslang, pagdukot, pagdakip, pagharas, at iba pa. kaya kung tutuusin, hindi na dapat pinagtatalunan kung pwede bang tumakbo sa Kongreso si Gloria o hindi, kahit pa nga barangay kapitan lang. ang dapat nating pinagtatalunan, kung saang hukuman ba siya dapat unang litisin para sa mga krimen niya. kung dito ba sa loob ng bansa o pwedeng pag-isahin na sa internasyunal na korte litisin ang mga kaso niya.

Natural lang naman na walang magiging hadlang kay Gloria na tumakbo pilang kinatawan ng isang distrito sa Pampanga. E, kahit nga nakakulong na sa Bilibid, meron pa ring nakatakbo at nanalong kongresista. Pero ang usapin dito ay hindi kung pinapayagan pa ba siya ng batas o hindi, sa halip, papayagan pa ba siya ng tao. kaya ang dapat isinasaalang-alang dito ay hindi ang batas ng republika (na alam naman nating mga katulad lang rin ni Gloria ang gumawa at ngayon ay balak rin nilang baguhin) kundi ang batas ng mamamayang Pilipino.

Hindi ako isang abugado, katulad ng maraming nagsalita tungkol dito. pero hindi rin katulad nila, hindi ako natatali sa makitid na hangganan ng reaksyunaryong batas. napakatalino sana nila sa batas sa Pilipinas, pero bakit hindi nila tingnan ito sa ganitong perspektiba. sa mababaw na pagtalakay sa usapin, para tuloy nalilinis ang pangalan ni Gloria at nabubura ang lahat ng krimen niya, dahil wala naman talagang mali sa pagtakbo niya sa Kongreso kung batas ang tatanungin. pero kung ang tatanungin mo ay ang mga biktima ng pang-aapi at pagsasamantala ng rehimen, ano kaya ang magiging sagot?

*******************

Nakaklungkot na namang balita ang naganap na pagsabog sa Immaculat Conception Cathedral sa Cotabato. Huwag naman sanang gamitin na naman ng gubyerno ang pambobomba para lumikha ng sinaryo ng kaguluhan at malihis ang pansin ng tao o magkaroon ng dahilan para sa batas militar. pero anu’t anuman, isang karumal-dumal na krimen ang ginawa ng mga salarin sa likod ng pambobombang ito at dapat maparusahan.

********************

sa politika pa rin, isang napakalaking pagbabago sa kalagayan kaugnay ng eleksyon sa 2010. isang bagong sinaryo o plano ang nalantad. isang malaking surpresa ito na wala sigurong nakaisip na posible. dagdag sa naunang mga sinaryong pinaghahandaan ni Gloria matapos ang termino niya, kung sakaling mabigo pa rin ang lahat ng ito, tutungo siya sa panghuling opsyon niya. kaugnay ito ng lumabas na balita na nagparetoke ng dibdib si Gloria. Oo, ang pinakamasaklap na maaaring mangyari kung mabigo si Gloria na makapanatili sa pwesto sa sunod na taon, PAPASOK SIYA SA SHOWBIZ AT MAGBO-BOLD STAR! Kapag nangyari ito, humanda na tayong lahat sa pinakamasahol!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: