Ipinaskil ni: diwa81 | Hulyo 1, 2009


hay, halos dalawang linggo ring natulog ang blog ko. mabuti’t medyo nakasingit ako ngayon.

mukhang nagsisimula na ang pinangangambahan ng lahat, ang NO-EL. sa pagkabalaho ng awarding ng kontrata sa awtomasyon ng eleksyon, nagiging hinog na ang kundisyon para sa mga balak ng kasalukuyang administrasyon.

pero ang magandang bagay, nagiging aktibo na ang halos lahat ng sektor sa mga usaping pambansa, lalo na tungkol sa CHA-CHA. kapag nagbabasa-basa kasi ako sa internet, nakakalungkot at kung anu-ano lang ang mababasa mo. pero ngayon, kahit sa internet, marami rin ang umiikot na talakayan. kahit ang mga dating akala mo walang pakialam sa paligid nila, naglalabas na rin ng kanilang opinyon kaugnay nito. ang kailangan na lang idagdag ay ang panawagan ng mga estudyante ng la Salle na ituloy sa kalsada ang panawagan laban sa CHA-CHA. hindi sapat na sa internet lang natin ipahayag ang ating pagtutol, dahil ang tunay na sukatan ng damdamin ng taumbayan ay sa lansangan.

malaking tulong ang internet para maipakalat ang impormasyon. pero ang aksyon na talagang bibigo sa CHA-CHA ni Gloria, at sa balak niyang manatili sa pusisyon, ay ang pagbuhos ng mamamayan sa lansangan. hindi na iyon kailangan ng eleksyon, hindi na kailangang magsampa ng kaso sa korte. iyon ang tunay na magsasabi at magtatakda kung saan direksyon ba dapat ang tahakin.

maganda at lumalakas na rin ang boses ng mga kabataan sa paglaban sa CHA-CHA. isa ito sa epektibong magpapakalat ng paglaban para tuluyan nang lumakas ang boses laban kay Gloria, at magwawakas sa kanyang rehimen.

ang isang dapat lang nating ipasalamat sa mga kongresistang ito, ginising nila ang taumbayan na kampante na noong naghihintay sa pagtapos na lamang sa termino ni Gloria. sa pagsusulong nila sa CHA-CHA, malinaw nilang ipinaabot sa taumbayan na ang termino ni Gloria at mga kasapakat niya ay hindi magtatapos, kundi dapat tapusin ng mamamayan sa lalong madaling panahon.


Responses

  1. Hoy! Nabuhay ka! Musta na?

    • mabuti naman. heto, paminsan-minsan na lang nakakasingit sa blog. medyo busy kasi sa trabaho.

  2. Buti nga nakakapag-blog ka pa, hehe

    Musta na lang sa mga tao diyan, miss na miss ko na kaung lahat!

    Ingat kau lagi…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: