Ipinaskil ni: diwa81 | Mayo 29, 2009

Angels and Demons


Time-out muna ulit sa pambabatikos. natutuwa lang talaga ako, kasi nakapanood ulit kaming mag-asawa ng sine noong Lunes. syempre, libre ito. kasi nanalo kami ng libreng tiket. medyo umaasenso na kami. biruin mo, sa loob ng isang taon, dalawang beses kaming nakapanood ng sine. noong una, sa French Film Festival; at libre rin.

dahil libre lang, wala naman kaming partikular na gustong panoorin. noong nasa sinehan na kami, doon na lang kami nagpasya. dahil Angels and Demons ang sakto sa oras namin, iyon na ang pinanood namin. tutal, nagustuhan ko naman ang librong ito ni Dan Brown. sa katunayan ito lang ang nagustuhan ko sa mga libro niya dahil sa kwento at mahusay na mga twist hanggang sa dulo.

napakaganda talaga ng sinehan. ibang-iba sa manood lang sa TV o kompyuter. kalahati nga ng dahilan naming mag-asawa sa panonood ay ang mismong karanasan lang na manood sa sine. kalahati lang talaga ang palabas mismo.

Hindi na ako nagulat na maraming binago sa pelikula mula sa libro. simula pa lang, marami na akong napansin. pag-uwi namin, binasa ulit ni misis ang libro, at mas marami pa kaming nakitang binago.

halimbawa, sa pelikula, hindi ang tatay ni Vittoria ang namatay. hindi rin doon unang ipinatawag si Langdon kaya hindi niya natutunan ang isang katotohanan tungkol sa pagpaparakayda. kaya pala wala na iyon, nawala na ang eksenang nakasama si Langdon sa paglipad ng helikopter sa dulo kung saan tatalon siya kahit walang parasyut. nagkita na lang sina Langdon at Vittoria sa Vatican na at hindi na ipinakita ang magiging kontrobersya sa suot ni Vittoriang maikling shorts. hindi na namatay ang pang-apat na Cardinal at ito ang napiling Papa. hindi na nagtuos sa dulo sa dalawang pagkakataon si Langdon at ang Assassin, namatay na lang ang huli dahil pinasabog ang sasakyan niya. nawala ang karakter na si Kohler na pinuno ng CERN, kung saan makukuha ni Langdon ang bidyo na maglalantad sa Carmelegno. nahalal na Papa noong una ang Carmelegno sa loob mismo ng Conclave, at hindi habang nasa labas ang mga Cardinal at tinitingala si Carmelegno habang nasisilawan ng bombang hawak niya kaya akala nila ay nagmimilagro ito. at marami pang iba.

pero ang labis kong ikinadismaya, binago nila ang mismong nagustuhan ko sa kwento, iyong pagpihit ng plot sa dulo. binanggit lang sa pelikula na inampon ang Carmelegno ng isang pari at pinalaki siyang parang tunay na anak. kalaunan ito ang naging Papa na namatay. pero malalaman sa dulo na pinatay ito, at ang pumatay ay si Carmelegno mismo. at kaya niya pinatay ito dahil maluwag ito sa makabagong syensya at nalaman niyang nagkaroon ito ng anak sa pamamagitan ng makabagong syensyang ito. sa huli, magugulat ang lahat na mananatiling kathang-isip lang ang Illuminati at pakana lang ng Carmelegno, pero ang pinakamalaking nagulat ay ang Carmelegno dahil malalaman niya na siya pala ay tunay na anak ng Papa.

Nakapanghinayang talaga. minsan na nga lang makapanood ng sine, hindi pa ganoon kaganda ang mapapanood. bakit naman kasi ang mahal na ng sine. kaya, balik muna ako sa TV at kompyuter. saka na lang ulit pag may libre.


Responses

  1. tingin ko napag iwanan na ko ng uso kasi di ko pa napapanood yang

    angels and demons ehh

    • naku hindi naman. hindi ko alam kung sikat ang pelikula, kahit iyong nobela. ito lang kasi ang nagustuhan ko sa mga sinulat ni brown. iyong pelikula, di bale nang mahuli ka sa uso, hindi naman maganda e.

  2. mas gusto ko rin yung libro kesa sa movie.

    nonetheless, nag enjoy ako.hehe

  3. gusto kong panoorin yang movie na yan… pero wait ko na lang pag pumunta ako ng quiapo. hehehe!

    • mas maganda pa nga doon. hindi mo man magustuhan ang pelikula, hindi ka gaano manghihinayang sa pera.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: