Ipinaskil ni: diwa81 | Mayo 26, 2009

NoKor Nuclear Testing


Kahapon, ginulat na naman ng North Korea ang buong mundo sa pag-aanunsyo na matagumpay ang testing nila ng bombang nuclear. sinasabing mas malakas ito sa naunang ginawa ng Nokor noong Oktubre 2006. nitong nakaraang buwan lang, matagumpay rin na nakapagpalipad ng satelayt ang Nokor na sinasabi nitong para sa komunikasyon. wala pang tiyak na ulat kaugnay ng kasabay na pag-testing din ng mga short-range missile.

ayon sa pahayag ng Nokor, sila ay “matagumpay na nakapaglunsad… bilang bahagi ng mga hakabangin para palakasin ang nukleyar na panaggol-sa-sarili mula sa lahat ng direksyon.”

hindi iniulat ng nokor kung saan mismo ang lugar, pero tinatantsa na naganap ito sa hilagang bahagi ng bansa.

natural, umalma na naman ang US, Japan at iba pang bansa. ano pa nga bang bago sa US na nagtuturing sa Nokor bilang bahagi ng “Axis of Evil” at patuloy na nanggigipit dito para pasunurin sa sariling kagustuhan. At sigurado, ganito rin ang ginagawa ng mga alipores at mga tagapagtanggol ng US. siguradong nanggagalaiti na naman sila at abot “langit” ang pagsumpa sa Nokor bilang impyerno.

sa kasalukuyan, mayroong siyam na estado ang sinasabing may nakaimbak na armas nukleyar: ang US, Rusya, UK, France, Tsina (na bahagi ng Non Proliferation Treaty), India, Pakistan, Nokor, at Israel.

natatawa lang ako sa reaksyon lagi ng US sa nokor. nawala na si Bush, pero para pa ring praning ang US kaugnay ng nokor.

ito ay dahil hindi ang US ang nasa katayuan para pagsabihan ang nokor. una, sila lang ang tanging estado na aktwal na gumamit ng bombang nukleyar laban sa kalaban nilang estado. ito rin ang pangalawa sa may aktibong imbak na armas nukleyar, dagdag pa ito sa nakakalat na mga tropa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig maging sa mga aktibong larangan ng digma. malinaw din ang pansariling interes ng US para sa rehiyon at matingkad ang pagkakaroon ng double standard nito. labis-labis ang protesta nito laban sa pagpapaunlad ng Uranium ng mga bansang nokor at iran dahil sa paratang na balak nitong gumawa ng armas nukleyar at maghahasik ng lagim sa buong daigdig, pangunahin syempre sa US; habang maluwag naman ito sa mga bansang kaalyado nito, halimbawa ang israel, pakistan at india.

isa pa, sa kasalukuyang kalagayan ng daigdig, mas makakabuti pa nga ang magkaroon ng armas nukleyar ang nokor, kaysa namamayani ang monopolyo ng US sa armas nukleyar at nakakapanindak ng mas maliliit na bansa.

hindi totoo ang pahayag ng US kaugnay ng nokor. hindi naman gumagawa ng armas ang mga bansa dahil gusto nilang maghasik ng lagim sa mundo. sa pelikula lang sa holywood nangyayari iyon. hindi ito pangangatwiran sa ginawa ng nokor, pero ang punto ko dito, lubhang napakasalimuot ng usaping internasyunal para lang ihanay ang mga pwersa sa kung sino ang mabuti at sino ang masama.

sa usaping militar, mas makakabuti pa ang ganitong kalagayan. para lumalabnaw ang dating matingkad na pamamayani ng US sa armas nukleyar. at dahil dito, sa aktwal, mas lumiliit pa nga ang posibilidad na magkaroon ng digmaang nukleyar. malinaw na makikita ito sa kasaysayan nitong nakaraang siglo lamang.

kahit noong kasagsagan ng cold war ng US at Rusya noon, kung saan nagpaligsahan ang dalawang bansa sa pagkamal ng armas militar. nagkaroon pa ng insidente na tinatawag na missile crisis noon nang magtutukan ng mga missile ang US at Cuba na sinuplayan ng Rusya ng mga missile. at sa buong panahong ito, aktibong nagtakutan ang magkabilang panig na sisiklab ang digmaang nukleyar sa pagitan nila. nakakalungkot, ang katotohanang ito pa ang ginamit ng Rusya noon para pigilan ang ibang bayan na nakikibaka noon para sa pambansang pagpapalaya, nagbabanta na isang pindot lang ng Rusya o ng US, maaaring maglaho ang isang buong bansa.

pero sa kabila ng napakainit na pagpopostura, hindi naman sumiklab digmaang nukleyar.

samantalang noong pagtatapos ng WWII, ang US pa lamang ang nakapagpaunlad ng bombang atomiko. at noon din ginamit ng US ang kauna-unahang ganoong klase sa aktwal na labanan, ngunit sa kabila ito ng katotohanang sumuko na ang Japan. sa proseso, naigiit ng US ang superyoridad nito at nakapagdikta sa daigdig matapos ang WWII, ngunit kumitil naman ng libu-libong buhay.

para lang itong eksena ng hostage crisis. maiisip niyo ba kung ano ang mangyayari kung ang hostage-taker lang ang may baril at mga batuta lang ang hawak ng pulis? pero kung parehong may baril ang magkabilang panig, napipilitang pumasok sa negosasyon ang salarin.

ngayon isipin niyo kung ang US ang hostage-taker….


Responses

  1. Wala ka pong binanggit na U.N. ?

    Malayo sa kabihasnan ang North Korea, siguro naiintindihan ko kung bakit sila nag-te-test ng ganun. May punto nga naman sila, for self protection yung pag-gagawa nila nung Armas Nukleyar pero kung iisipin mabuti parang may tendency rin e, nakakatakot.

    • oo nga pala. nakalimutan ko ang UN. ito nga pala ang takbuhan ng US at iba pang makapangyarihang bansa kapag mayroon silang gustong ipagawa, partikular sa Security Council. gusto nila lagi, sumunod ito sa gusto nila at umaksyon kaagad. pero noong tumutol naman ang Security Council sa inilunsad na gera ng US sa Iraq, hindi rin naman ito sumunod dito.
      Mabuti at naiintindihan mo ang Nokor. marami kasi ang mababaw ang pag-unawa kaugnay ng mga bansang ito na sinisiraan ng US sa internasyunal na media. pero okay lang nama kahit hindi natin intindihin ang Nokor, kahit pa nga tumutol tayo sa pag-aarmas nukleyar nila, basta kinikilala pa rin natin ang soberanya ng bansa nila at karapatang magpasya sa sarili. kaya kailangan pa rin igalang ang desisyon nila at makipag-usap nang maayos kung gustong ipaabot sa kanila ang ating pagtutol. hindi katulad ng pambabraso ng US, na gusto nito siya ang nagpapasya para sa mga bansang ito.
      salamat sa pagbabasa at pagkomento.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: