Ipinaskil ni: diwa81 | Mayo 25, 2009

On the Sex Scandals


sabi nila, isang magandang paraan para dumami ang hits ng blog ay ang magsulat tungkol sa pinakakrontrobersyal na isyu ng panahon, iyong laging pinag-uusapan ng mga tao. pero ang entri na ito ay hindi para sumabay sa agos, kundi sa kabaliktaran, para manawagan na wakasan na ang agos na iyon. tama na tungkol sa mga sex scandal ni Hayden Kho.

syempre, malaking usapin ang paglabas ng sex scandal para kay katrina halili. pero hindi ito ganoon kalaki sa lipunan para kainin ang lahat ng atensyon ng halos lahat ng media dito sa bansa. kahit ata sa ibang bansa, ito na rin ang pinag-uusapan. ang nakakalungkot, gaya ng sinabi na rin ng marami, napakaraming di hamak na mas importanteng usapin na dapat pinag-uukulan ng pansin ng lahat. kung tutuusin nga, batay sa napanood ko, mas marami pa ngang kaso ng lumabas na mga sex videos sa internet na dapat mas pinag-uukulan ng pansin ng mga otoridad na nag-iimbestiga, at mga nakikisawsaw, sa kaso ni katrina, iyong mga kaso na hindi lang basta sex video, kundi isa nang aktwal na panggagahasa ng ilang kalalakihan sa isang kawawang babae. iyon ang tunay na nakakabahala, rape na nga, ipinalaganap pa sa internet. iyong kina katrina, private sex-capades nila iyon ni Hayden. ang tanging mali lang naman doon ay bakit may “hayden camera” pa, at pinakamalala, inilabas din sa internet nang labag sa kagustuhan ni katrina.

sa madaling sabi, isa na lang itong police matter. usapin na ito nila katrina, hayden, mga otoridad, at iba pang otoridad. hindi na dapat nakikisawsaw dito ang senado. kung gusto man nilang tumulong nang personal, hindi na dapat hinahatak pa ang buong senado, na gugugol na naman ng kaban ng bayan.

napakarami pang usapin ang nakabinbin para sa kongreso. nariyan ang hindi mamatay-matay na isyu ng CHA-CHA, na dapat nang resolbahin ng kongreso sa loob nito mismo, at hindi na dapat ipinapasa sa SC ang usapin. isang pwedeng gawin nila dito ay ang tuldukan na sa wakas ang isyu, at dalhin ang mga pangunahing maypakana dito sa Ethics Committee, dahil sa mga aktitud na hindi karapat-dapat sa isang lingkod bayan. napakarami pang iskandalong kinasangkutan ng administrasyon na hindi naisasara, o napapanagot ang mga salarin. may problema pa ang Comelec sa automation ng eleksyon.

at ang pinakamahahalagang usapin ng bayan, ang kaugnay ng nanlulumong ekonomiya ng Pilipinas. hanggang ngayon, walang matinong tugon ang gubyerno para kagyat na maibsan kahit pansamantala ang epekto ng krisis sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, dagdag pa ang milyun-milyong dati nang walang trabaho. hanggang ngayon, hindi pa rin dinidinig ang hinaing ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa. nagpapakatali pa rin ang kongreso sa CARP na hindi naman gumana sa loob ng mahigit dalawang dekada, samantalang pwede namang magpasa ng bagong batas para sa isang tunay na reporma, gaya ng GARB na nakahain na ngayon sa mababang kapulungan. hindi na nga pinapakinggan ang boses nila, pinalayas pa ang mga magsasaka sa harap ng kongreso na gusto lang namang tiyakin na maisasaalang-alang ang kanilang kapakanan.


Responses

  1. May weapon of mass destruction yung North Korea; sex scandal ng sex scandal pa rin yung pinag-uusapan sa TV. Sana bukas pagbukas ko ng TV wala na akong marinig at makitang “Hayden”, “Katrina”, “Sex Video” o kung ano pa man yang may kinalaman sa kanila – kasi sobra na e, sa totoo lang naaapektuhan na yung mga batang manonood. Nagtatanong yung pamangkin ko “‘nu yung sex video” tapos nakita yung censored na video sa TV, “‘nu yun ginagawa nila?”. Ilang beses na niyang tinanong kung ano yung sex video at nahihirapan kami magpaliwanag kakatanong niya.

  2. gusto ko lang palang idagdag ang isang punto. okay lang sa akin kung palakihin nila ang usapin, pero para sa kabuuang kalagayan na ng kababaihan sa bansa, laban sa diskriminasyon at karahasang dinadanas nila. at hindi na lang kaso ni hayden. kung gusto nila, dapat pasakliw ang pag-iimbestiga sa lahat ng kaso ng karahasan laban sa kababaihan. pero kung ang mga bidyo lang ni hayden ang iimbestigahan halimbawa ng Senado, e, ano pa ba ang kailangan imbestigahan doon. ang linaw naman na ng paglabag.
    hindi nila alam, sabi sila nang sabi na huwag nang ipakalat ang mga bidyo, pero sila naman ang nag-uudyok sa mga tao na panoorin ito dahil laging pinag-uusapan sa media.
    dapat ding sisihin dito ang iresponsableng pagbabalita ng ilang media. ginagawa lang nilang showbiz balita kaya tuloy hindi sineseryoso ng mga tao.

  3. http://givehaydenachance.wordpress.com/

    Please visit the link. I totally agree with you! Lets give Hayden Kho a chance… Parang ang lilinis naman natin nyan e…e sawsawan lang nangyayari!/

    • mukhang hindi tayo nagkakaintindihan. hindi ko intensyon ang bigyan ng chance si hayden. ano naman ang pakialam ko sa kumag na iyon? ang layunin ko dito ang ilagay sa tamang perspektiba ang usapin ng kaso nila.

  4. si vicki belo ba ito, kamukha e


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: