Ipinaskil ni: diwa81 | Mayo 22, 2009

Photo-ooops!


Si Gloria, nakapila sa isang fastfood? E, ano naman ang bago? Kayang-kaya ko rin naman gawin iyon. Well, okay, hindi “kayang-kaya.” Medyo kulang sa badyet e. Pero ang punto ko, ano naman ang kabuluhan ng ginawa ni Gloria sa pagpila sa isang fastfood chain na parang isang ordinaryong costumer, at nakihalubilo pa sa mga call center agents na kumakain din. Ah, oo nga pala. Kapag mataas ka nang tao… mali pala, kapag makapangyarihan ka nang tao, kapag paminsan-minsan kang bumababa sa antas ng ordinaryong tao, dapat nagbubunyi ang mga tao at lubos na nagpapasalamat sa pagbibigay sa atin ng pagkakataong makasalamuha sila.

Bukod sa mukha ni Gloria, nakakasuka talaga ang bagong pakulo na naman ni Gloria. (Ay, mali na naman. Hindi na pala bago ito, dahil ilang linggo lang ang nakalipas, ganito rin ang ginawa ni Obama ng US. Siya kaya ang pinaggayahan ni Gloria? Hindi naman siguro. Hindi naman papet si Gloria ng US, e. )

Mabuti sana kung araw-araw nagagawa niya ito. Isa na namang tusong pakulo ng pangulo. Ang dapat lang palakpakan dito ay ang mga propaganda adviser ni Gloria dahil sa husay mag-isip ng mga pakulo para ibenta ang halos isang dekada nang nabubulok na isda sa isang palengkeng napapalibutan ng bundok ng basura.

Pero hindi pa ito ang mismong punto, kahit pa talaga ngang sa fastfood lang kumakain ang pangulo at hindi sa maluluhong restoran o otel. Para sa akin, walang problema kung doon pa siya sa mamahaling kainan pumunta, basta maayos naman niyang nagagawa ang kanyang tungkulin. (Naku, mali ulit. Nagagawa nga pala niya nang napakahusay ang kanyang tungkulin, ang magpayaman sa kanyang pamilya!)

************

samantala, ang hirap talaga sa mga sex scandal na ito, kalahati ng dahilan kung bakit lumalaganap ay dahil ipinagbabawal sa publiko. mas dumadami tuloy ang gustong makapanood. kahit sa media, sa mga balita, ganitung-ganito ang klase ng mga balita na gusto nilang ipalabas, sensasyunal kasi.

nakakalungkot rin ang mga reaksyong naririnig ko, maski sa pamilya namin. minsan, ang babae pa rin ang sinisisi, kesyo papatol-patol pa sa may girlfriend na.

kaya kayong kababaihan diyan, huwag kayong basta-basta papatol kung kani-kanino lang. at kung papatol man kayo, siguraduhin niyo lang na walang “hayden camera” kapag nagtatalik kayo.


Responses

  1. kasalanan din naman ni katrina halili..alam na niyang si hayden kho ay may girlfriend na ay nagpaligaw pa siya..ok lang pala sa kanya ang palihim na relasyon at grabeh naman na sa 3 months na relasyon ay umaatikabong bakbakan na sa sex ang nangyari sa kanila..august to october 2007 na pag-iibigan..easy to get din pala si katrina..

    • walang problema kung ganyan ang pagtingin mo kay katrina. pero kaugnay ng sex video nila, usaping ligal na iyon at hindi moral. kahit pa walang GF na iba si Hayden, mali pa rin ang ginawa niya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: