Ipinaskil ni: diwa81 | Mayo 14, 2009

Dagling Opinyon


Mayroong 100% pagtaas sa sweldo ng pangulo, mga kongresista, at kalihim,pero P6,000 lang para sa mga ordinaryong kawani ng gubyerno! Kawawa naman ang mga opisyal na ito, sobra-sobrang liit ng kanilang sweldo na kailangang doblehin ito!
Ang tagal-tagal nang hinihingi ng mga ordinaryong kawani ang P6,000 taas sa sweldo, halos isang dekada na. ngayong ibinigay ito, ginawa pang apat na taon bago mabuo ang pagtaas sa sweldo. At ang pinakamalupit, mukhang ginamit lang ang lehitimong panawagang ito ng mga kawani para ilusot ang naging napakalaking pagtaas sa mga sweldo ng matataas na opisyal ng gubyerno.
Hindi usapin dito kung masasawata ba nito o hindi ang pagnanakaw ng mga opisyal na ito sa kaban ng yaman. Hiwalay na bagay pa ito. Ang usapin dito, hindi na nangangailangan pa ng pagtaas sa sweldo ang mga taong ito. Napakataas na nga ng sweldo nila, dagdag pa ang travel allowance, food allowance, at kung anu-ano pang allowance. Kaya sa aktwal, wala na silang gagastusin sa pang-araw-araw, at buung-buong maibubulsa ang sweldo. Huwag nang banggitin pa ang mga under-the-table, ano pa ba ang kulang sa kanila? May nagsasabi na barya lang ito para sa mga taong ito. Iyon na nga mismo ang punto, barya lang naman sa kanila ito, bakit kailangan pang ibigay sa kanila?
Samantalang narito ang mga kawani, na buong-buhay na nilang nananawagan para sa kakarampot ngunit kailangang-kailangang P6,000 dagdag na sweldo, ginawa pang tingi ang pagkakaloob! Ginawa na nila ito noon, sa pagkakaloob ng 10% pagtaas sa sweldo ng lahat, mula sa opisyal hanggang sa kawani. Ibig sabihin, ang isang kalihim na sumesweldo ng P30,000 ay makakakuha ng P3,000, habang ang isang kawani P6,000 lang ang sweldo, P600 lang ang makukuha, malayung-malayo sa kanilang hinihingi.
Sa gitna ng matinding krisis, bagamat ang alam ko, matagal nang balak ang pagtaas na ito, dodoblehin pa nila ang sweldo ng mga ganid na opisyal na namamatay na sa sobrang katabaan at kung anu-ano pang sakit dulot ng yaman nila. Samantalang ang mga manggagawa na NAGPAPAKAMATAY na sa hirap, sasabihan nilang walang pera para taasan ang sahod nila.
Hindi na nahiya ang mga opisyal na ito! Kilu-kilong mantika na ang naglalawa sa mga katawan nila sa katabaan, gusto pa nilang doblehin ito. Mag-ingat lamang sila, baka magisa sila sa sarili nilang mantika. Para na rin nilang itinulak mismo ang mga tao na magrebolusyon!

*******************

ano naman itong lumalabas na anomlaya sa paggastos ng pondo para sa Balikatan noong 2007? kahit mga opisyal na mismo ng AFP, partikular ang mga junior officers, hindi na rin makatiis sa sobrang katiwalian sa loob ng Sandatahang Lakas.

ang masama nito, ang nagbubunyag, si Lieutenant Senior Grade Nancy Gadian, ang siya pa ngayon ang inirereklamo dahil daw sa hindi pag-uulat sa namuamunong opisyal niya sa WESTMINCOM sa P2.3 M na nakalaan para sa Balikatan. ito ay para pagtakpan ang ibinunyag niyang anomalya na umaabot sa P46 M. ang ipinagtataka ko, ang reklamo ng commander niya sa WESTMINCOM na si Lt. Gen. Cedo ay hindi inulat sa kanya ni Gadian ang P2.3 M na nakalaan para sa unit niya na CMO. samantalang sa paliwanag kanina ng isang opisyal mismo ng AFP, noong panahong iyon, nasa ilalim si Gadian ng interim na yunit na binubuo para sa Balikatan, kaya maituturing na iyon ang kagyat na nakakataas na yunit ni Gadian kaugnay ng Balikatan. kaya wala talagang pakialam si Cedo sa P2.3 M na iyon.

Naku, pasalamat sila, abala pa ang mga Senador sa sarili nilang bangayan. pero sigurado, isa na naman itong argumento laban sa pagpapatuloy ng VFA.

**********
natatawa lang ako sa inilabas na pahayag ng DFA na nanghihingi ng tulong sa Migrante para sa kapakanan ng mga OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo. talaga namang isa ang Migrante sa mga organisasyon na tunay na tumutulong sa mga OFW. pero ang nakakatawa lang, bakit hihingi ng tulong ang gubyerno, na dapat ay siyang unang tumutulong sa mga kababayan natin, sila ang may mas malawak na makinarya sa pamamagitan ng mga embahada, sila ang may koneksyon sa pamamagitan ng diplomatikong relasyon sa mga gubyerno.

kung talaga lang namang sinsero ang gubyerno sa pagbantay sa kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay madali naman nila itong magagawa. ang problema kasi, hindi naman sila sinsero, kaya hindi sila aktibong nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, kaya naghahantay na lang sila kung napupuna na sa media, saka lang tumutugon sa mga kaso ng mga kawawang OFW.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: