Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 28, 2009

BABALA: BAGONG KLASE NG SWINE FLU SA PILIPINAS


Babala kaugnay ng kumakalat na swine flu. Sa kasalukuyan, umaabot na mahigit isang libo ang pinaghihinalaang apektado ng bagong sakit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Unang natagpuan ang sakit sa Mexico, na pinaghihinalaang nanggaling sa mga industriyal na babuyan. Sa naturang bansa, umaabot na sa 152 ang namatay, bagamat hindi pa kumpirmado ang iba kung totoong swine flu nga ang sanhi ng kamatayan. Ayon sa WHO, mahirap nang mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit. Itinaas na nila sa pang-apat na alerto nila. Hindi na rin nila iminumungkahi ang pagsasara ng mga bansa sa mga dayuhan dahil wala ring silbi ito.

Ang sakit ay katulad ng iba pang flu, ngunit ayon sa mga eksperto, ngayon lang nila nakita ang ganitong klase ng virus na nakahawa sa mga tao. Malamang umano na dulot ito ng pagbabago ng strain ng virus. Ang mga sintomas nito ay lagnat, ubo, masakit na lalamunan at kalamnan, panlalamig at fatigue.

Inaasahan na ilang buwan pa bago makapaglabas ng gamot para sa sakit, at mas matagal pa bago makagawa nang maramihan. Ang paraan ng paglipat ng sakit sa mga tao ay mula sa hangin, kamay, pagkain, tulad ng karaniwang flu. Lumalabas naman na hindi nakukuha ang sakit dahil sa pagkain ng karne mismo. Pero bilang pag-iingat, maraming bansa na ang tumigil ng pag-angkat ng karneng baboy mula sa Mexico at US.

Ang panibagong update sa balita, may natagpuan nang ibang tipo ng swine flu dito sa Pilipinas. Lumalabas na mayroon din itong ibang sintomas. Bagamat wala pang namamatay dito, lubhang mas mapanganib ang sakit kumpara sa natagpuan sa Mexico, dahil hindi ang mga taong apektado ng sakit ang namamatay kundi ang mga tao sa paligid nila.

Para sa dagdag na tulong, naglabas ang mga eksperto dito sa Pilipinas ng larawan ng mga taong naapektuhan dito sa Pilipinas. Kung sino man ang makakita sa mga tao ng ganitong sintomas ay ipagbigay-alam kaagad sa mga otoridad:

fg3

mikey

jocjoc

Pero, seriously, mayroon nang isang kumpirmadong kaso sa isang batang babae na galing sa US at Canada, ayon sa DOH. Kinuha na ang detalye ng flight para masubaybayan ang mga taong kasabay ng bata sa biyahe. Gayunman, hindi sinabi ng DOH kung saang ospital dinala ang bata.


Responses

  1. you got me! hhahahahahahah…kala ko pa naman meron nga talaga. opps! meron nga talaga…salamat sa info…mag-iingat na ako.

    • ayaw na itong tawaging swine flu ng WHO. ang bago na nitong tawag ay SWINE GLU virus

  2. AWts.. akala ko di na aabot sa pilipinas yang Swine Flu…. ANo nang gagawin ko?
    Pano na kinabukasan ko? Pano na to?? Marami pa kong pangarap!!!

    Sabi lang sa dyaryo: Maghugas ng kamay (What the F%$&)

  3. mag iingat na ako palagi !!!!!!!!!!!!

  4. i love journey so much and faithfully together with after all these years make me cry all the time…Jovit, your era is far too different from journey’s time. Despite this generation disparity,? you have given justice to jouney’s songs. I havent watch tv for a long time but when my sister mentioned you, I was intrigued and then i watch your videos…WOW, man you are terrific!!!! Keep your spirit high boy…you have one of the most envied talents…God speed!!!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

  5. naku nakakatakot naman yan at saka ganyan ba talaga yung itsura ng ilong


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: