Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 23, 2009

Subic Rape Case II


Naglabas na ng desisyon ang Court of Appeals hinggil sa kasong panggagahasa kay Nicole. Sa desisyon ng korte, pinawalang-sala nila si Daniel Smith. Ayon sa balita, “romantic spontaneous” ang nangyari sa pagitan nila Nicole at Smith. Dagdag pa ng korte, hindi daw nakaapekto ang pagbawi ni Nicole sa nauna niyang pahayag at itinanggi niya mismo na walang rape umano ang namagitan sa kanila.

Nakakalungkot na balita para sa kababaihang Pilipino at buong bayan. Dagdag na naman itong bahid ng dungis sa sistema ng hustisya dito. Ang mahirap dito, kung tama ang pagkakaintindi ko, hindi na maaaring itaas ang kaso sa Korte Suprema, maliban kung may bagong ebidensyang lalabas. ang hindi ko lang sigurado kung pwede bang kwestyunin ang desisyon sa Korte Suprema.

Pero sa desisyon ng Court of Appeals, iniuutos nilang agad na palayain si Smith. para sa akin, hindi napapanahon ang paglabas ng desisyon. kalalabas pa lang ng utos ng Korte Suprema na imbestigahan ang naging papel ng mga abugado ni Smith sa ginawang pagbaliktad ni Nicole. Sa ngayon, mawawalan na ito ng silbi kung mapapalaya na si Smith.

Wala pang gaanong ditalye sa balita kaya maghihintay pa ako.


Responses

  1. para sakin..hindi lang sa hindi sya napapanahon… hindi talaga dapat siya pinalaya…rape naman kasi talaga ang nangyari..at sa court of appeals? isang damukal na bayaran naman ang mga nagtatrabaho doon kaya hindi ako nagtataka kung bakit ganun kadali sa kanilang maglabas ng desisyon..nakakalungkot lang…mas pinagtatanggol natin ang mga dayuhang yumuyurak sa ating mga pilipino dahil sa PERA.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: