Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 23, 2009

Paty-List System


Isang magkahalong maganda at malungkot na balita kaugnay ng mga party-list. Iniutos na ng SC ang pagpapasumpa sa dagdag na 32 na kintawan ng party-list.
Bagamat halos huli na ang desisyon, isang taon na lang at eleksyon na ulit, magandang balita pa rin ito lalo na’t madadagdagan ang mga progresibo sa Kamara. Ang nakakalungkot lang, sa kabilang panig, kahit hindi naman talaga mga kintawan ng marginalized sector, nabigyan din ng pwesto sa Kongreso. Isa na dito si Palparan ng Bantay, at kapatid si Ma. Lourdes Arroyo ng Kasangga, kapatid ni Mike Arroyo.
Huli man daw at magaling, maihahabol din. Ang kagandahan ng desisyon, magagamit na ito bilang gabay ng Comelec sa pagbibilang ng boto ng mga party-list sa susunod na eleksyon. Noong nakaraan, nagdulot ng malaking kaguluhan ang ginamit na pormula ng Comelec, ang Panganiban Formula.
Dagdag pang pag-unlad ang pahayag ni Chief Justice Renato Puno na dapat maging tunay na para sa mga marginalized ang sistemang party-list. Pagpuna ito sa pagbubukas ng sistema noong 2007 maging para sa mga mayor na partido politikal. Dapat isulong ang prinsipyong ito para hindi na makagulo at makaagaw pa ng pwesto ang malalaking partido, lalo na ang mga party-list na itinayo mismo ng gubyernong Arroyo. Tulad ng grupo ni Palparan na Bantay, na angkop na angkop ang pangalan para sa isang ASO, ang ang grupong Kasangga (Marginalized ba ang kapatid ng Unang Ginoo?).
Ito ang dapat isampal sa mukha ni Nograles na gustong harangin ang desisyon ng SC. Ayon sa kanya, sosobra na ang bilang ng mga Kongresista. Ang hindi ko maintindihan kay Nograles, ayaw niyang idagdag ang 32 kinatawan ng party-list, dahil sosobra na ang bilang, pero gusto naman niyang dagdagan ng 100 ang bilang ng mga Kongresista! Kung ayaw niyang madagdag ang mga kinatawan ng party-list, harangin niya ang pag-upo ng mga taong hindi naman talaga marginalized.
Samantala, kaugnay pa rin ng mga progresibong party-list, kung tagasuporta kayo ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, atbp., suportahan niyo rin ang bagong tatag na koalisyon ng mga grupong ito, ang Makabayan, na lalahok hindi na lang sa party-list kundi maging sa mainstream na halalan.
Satur, Paeng, Teddy, Lisa, atbp., para sa Senado!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: