Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 23, 2009

Norberto’s Big Mouth


Isang “Cory-style” na Komisyon sa Konstitusyon! Ito ang panukala ni Norberto Gonzales para amyendahan ang konstitusyon.
Tila sagot niya ito sa mga nagsasabing kulang na ang panahon para sa CHA-CHA ni Gloria. “Hindi ito magastos, di komplikado, at napakabilis,” aniya, tiutukoy na isang taon lang ang ginugol para sa Konstitusyong 1987.
Natawa dito si Cerge Remonde nang hingan siya ng opinyon kaugnay nito. Kung sa salita ng mga kabataan ngayon: LOL!
At sino bang hindi matatawa? Kahit ako, natawa rin. Mukhang hindi naiintindihan ng kalihim ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung si Remonde eh, naintindihan ang implikasyon ng panukala ni Gonzales. Kasi kung naintindihan niya ito, hindi siya matatawa, kundi matatakot o magagalit. Dahil kung susundin ang panukala, matatanggal sa pwesto si Gloria, kaya pati si Remonde mawawalan din ng trabaho.
Pero baka naintindihan naman niya ito at hindi lang ipinakita ang kabaliwan ng panukala ni Gonzales. Hibang na ang administrasyong Arroyo para mag-CHA-CHA. Pero pangunahing layunin ni CHA-CHA ni Gloria ang mapahaba pa ang termino niya at hindi ang wakasan ito.
Sa kasaysayan ng gubyerno ng Pilipinas, nagkaroon na ito ng tatlong konstitusyon: 1935, 1972, at 1987.
Noong 1935, nabuo ang konstitusyin para ilatag ang pundasyon ng gubyernong Komonwelt. Nagkaroon noon ng malaki-laking pagbabago dahil pumasok sa unang pagkakataon ang Pilipinas sa paggugubyerno sa sarili matapos masakop ng US, bagamat nakapailalim pa rin sa kapangyarihan ng US. Gayunman, iba pa rin ito sa naunang Asembleyang itinayo ng US.
Noong 1972, pinalitan ni Marcos ang konstitusyon para ilatag ang pundasyon ng kanyang diktadura. Pinalitan niya ang gubyerno mula sa “demokratiko” tungong “awtokratiko,” ang paghawak ng iisang tao sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.
Noong 1987, binago ulit ang konstitusyon tungo sa kasalukuyang mayroon tayo ngayon. Matapos ibagsak ang diktadura ni Marcos, itinatag ang “rebolusyonaryong gubyerno” ni Cory Aquino. Para magkabisa, pinalitan ang konstitusyon ni Marcos para umayon sa bagong “demokratikong” gubyerno.
Naganap ang pagbabago sa konstitusyon noon sa pamamagitan ng Komisyon sa Konstitusyon na hinirang ni Aquino para magbalangkas ng bagong konstitusyon para pagtibayin sa isang plebisito.
Ito ngayon ang gustong gayahin ni Gonzales.
Isang magandang pansinin sa naging mga pagbabago sa konstitusyon, lagi itong bunga ng “radikal” na pagbabago, radikal s apakahulugan nito sa larangan ng parlamento, at hindi para sa lipunan. Ibig sabihin, lagi itong dulot ng malaki-laking pagbabago sa gubyerno: pagtatatag ng Komonwelt, pagtatatag ng diktadura, at pagbuwag sa diktadurang iyon, na labas sa nakagawiang pamamaraan tulad ng eleksyon.
Tandaan, susi sa pagbabago sa konstitusyon noong 1987 ang pagbagsak sa gubyerno ni Marcos sa pamamagitan ng ekstra-ligal na pamamaraan at hindi sa isang eleksyon.
Kayas sa panukala ni Gonzales, kailangan munang ibagsak ang diktadura ni Gloria at makapagtayo ng isang gubyernong transisyon para magsagawa ng mga reporma para baliktarin ang lahat ng itinatag ni Gloria bilang pansuhay sa kanyang gubyerno.
Kulang na lang sigurong sabihin ni Remonde kay Gonzales na: “Tanga ka ba? Gusto nga nating mapahaba ang termino, hindi ang masisante!” Kung para sa layunin ni Arroyo, ang dapat ipiapanukala ni Gonzales ay ang katulad ng CHA-CHA ni Marcos.
Kung ako kay Gloria, dapat pagsabihan nila nang mabut si Norberto, dahil iyon nga mismo ang matagal nang gusto ng mga Pilipino; hindi pa sa punto ng pagbabago sa konstitusyon, kundi iyon pang pagbabagsak sa diktadura ni Arroyo. Samakatwid, sobrang tagal nang panawagan ito ng sambayanan na hindi na lang ito ngayon ang hinihingi nila, kundi pambansang demokrasya na!


Responses

  1. ahahahaha! i like this one! kuhang-kuha mo tol ang gusto kong mabasa… ! LOL tlaga! ayos ‘to..speechless ako dito kasi nagsasabi ka ng totoo..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: