Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 22, 2009

The Great Escape!


1. Bandang 5:30 n.u., 18 Abril 2009, nakuha ng pulisya ng Siasi at Civilian Emergency Force ang isang dayuhan. Ayon sa kwento ni Lt. Col. Arevalo, tagapagsalita ng task force ICRC, naglalakad ang mga Abu Sayyaf nang mapag-alaman nilang may mga sundalo malapit sa kinalalagyan nila. Iniwasan nila ito, ngunit sa pag-iwas, muntik nilang mabangga ang isa pang grupo ng mga sundalo. dulot nito, tumakas ang grupo pahilaga. At sa pagmamadali, nagawa ni Notter na makatakas at nakapunta sa pwesto ng mga pulis.

2. Naglalakad ang grupo ng Abu Sayyaf. Sa paglalakad, nadulas ang isa sa mga bantay ni Notter, tinulungan ito ng dalawa pa. At di sinasadya, hindi na nakita ni Notter ang mga bantay dahil naligaw na siya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating sa mga pulis.

3. Hatinggabi, pinapunta ang mga sibilyang boluntaryo sa Lipunos, Parang. Akala nila ay may operasyon lang sila. Pagdating sa lugar, sinalubong sila ng isang armadong grupo na may kasamang dayuhan. Hindi nila kilala ang grupo, basta tinanggap lang nila ang dayuhan, na hirap pa sa paglalakad at may dalang tungkod. Kinaumagahan na lang nila nalaman na ito si Notter.

Alin ang totoo? Ewan ko.

Biyernes, inilabas sa balita na nakokordon na ng militar ang kuta ng Abu Sayyaf at susugurin na nila ito.

Sino ba namang tanga ang mag-aanunsyo sa media ng mga planong militar lalo na sa ganitong  kaso? iyon ang sa isip ko.

Pero nagkamali ako. Hindi katangahan ang ginawang pag-aanunsyo. Isa pala itong kalkuladong pahayag para ikundisyon ang utak ng tao. Kinabukasan lumabas na ang balita na nakalaya si Notter.

Hindi malinaw ang unang mga balita kung paano, o mas tama sigurong sabihin hindi pa inilalabas kung paano.

Dahil dito, umandar na naman ang malikot kong isipan at nabuo ang conspiracy theory:

Hindi pa nade-debrief si Notter kung ano ang kwento ng pagkakatakas niya. Kaya sinabi na lang niyang hindi niya matandaan ang mga nangyari, basta naglalakad lang daw siya hanggang makarating sa mga pulis.

At nang makabuo na sila ng kwento, saka na lamang ito inilabas sa balita. Problema ngayon, sa kabila ng ilang araw na meron sila para mag-isip, hindi pa rin sila magkakatugma.

May lumalabas pa na iba ang kwento. Baka hindi kasama sa bayaran?

Sigurado kong mabibilang na naman ito sa mahiwagang pagkakatakas noon ni Romero at iba pang bihag ng Abu Sayyaf sa kalagitnaan ng Lamitan Siege.

Kung papaniwalaan ang opisyal na kwento ng mga otoridad, ito na bagong magiging: The Great Escape!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: