Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 21, 2009

Trina Etong Case


Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang kontrabersyang bumabalot sa kaso ng pagkamatay ni Trina Etong. iba’t ibang komento na ang nababasa at naririnig ko mula sa iba’t ibang tao. ang nakakalungkot, halos lahat ay may pinapanigan sa mga pahayag nila, depende kung kaninong kampo: para o laban kay ted failon. sa ganito pa kaaga sa imbestigasyon sa kaso, hindi dapat bumubuo kaagad ng mga kongklusyon ang mga tao. ito ang isang bagay na makakasira sa imbestigasyon para mapalitaw ang katotohanan, ang tunay na nangyari. at kung titingnan, ganito ang ginagawa ng kampo ni ted failon, isang bagay na lalong nagdudulot ng mga katanungan sa maraming tao.

sa kampo ni ted failon, maiintindihan mo pa na ipagtanggol niya ang sarili niya. ibig sabihin, may kinalaman man siya sa pagkamatay ni trina o wala, natural lang na sabihin niyang wala siyang kasalanan. pero ang pahayag niyang ito, kasama ang pahayag ng mga kasambahay at kamag-anak, ay hindi magsisilbing patunay na wala nga siyang kasalanan, kundi argumento lang ng isang panig, depensa nila kung sakaling makasuhan nga ng papatay sa asawa, para kay ted, at pakikipagsabwatan sa pagpatay, para sa mga kasambahay at kamag-anak.
ang problema sa marami, tinitingnan na kaagad itong pruweba, at buong kasiguruhang sinasabing suicide nga at hindi pinatay.
halimbawa ang isinulat ni conrado de quiros sa Inquirer kahapon. dahil lang nagkakaisa ang mga kasambahay sa pagsasabing walang kasalanan si ted dagdag ang mga datos tungkol sa kalagayang sikoohikal ng biktima, ay totoo na nga ito. sa kabila ng katotohanang ito, hindi pa rin maiaalis ang posibilidad na may ibang imbwelto sa pagkamatay, hindi naman kinakailangan siya mismo kundi pwedeng tumuong lang sa pagpapakamatay. at kapag ganito, may kaakibat pa ring kaso. ito naman ang mismong punto ng imbestigasyon ng mga pulis na ginagawa, o dapat gawin, sa lahat ng kaso ng pagpapakamatay. kailangang matiyak na ang biktima nga ang tanging may kagagawan ng kanyang pagkamatay at hindi gawa o walang tulong ng ibang tao.
isang mas malalang argumentong narinig ko, sinasabi ng isang tao na walang kinalaman si ted dahil sama-sama sila ngayong nagluluksa. ulit, hindi naman ito argumento, ni hindi nga ito tatayo sa kahit anong hukuman. dahil sa paglilitis sa kaso, ang titingnan ay ang mga pangyayari bago hanggang sa mismong insidente at hindi ang mga pangyayari matapos ito, tulad halimbawa ng kung ano ang ginawa ng mga akusado. ang mga pangyayari matapos ng insidente ay maaari lamang makadagdag sa kaso o maka-incriminate sa mga tao. halimbawa ang pagtakas, o sa kaso ni trina, pagsira sa mga ebidensya at sadyang pagtatago ng insidente mula sa mga pulis. pero ang mga pahayag na wala silang kinalaman o mga pagpapakita na mahal nila sa buhay ang tao at hindi magagawan ng anuman, ay walang batayan.
nakakalungkot, kahit mga eksperto, tulad ng forensic pathologist, na dapat sanang syentipiko sa mga pahayag, ay nagpapakita rin ng pagkiling. tulad ng kinuha nila ted para sumama sa otopsiya kay trina, na wala sa panahong nagpahayag na na suicide nga ang nangyari batay sa lumabas sa pagsusuri:
1. ang entry ng bala sa kanang sentido at paglabas sa kanan nang eksaktong-eksaktong pahalang;
2. mga pasa at klase ng sugat na nalikha ng bala;
3. walang pasa sa katawan
4. taas ni trina; at
5. pisikal at sikolohikal na kundisyon ng biktima.
mula lamang dito, nagkongklusyon na kaagad ang naturang doktor, samantalang wala namang sapat na masasabi mula dito dahil hindi nito inaalis ang marami pa ring posibilidad. haliba ang sinasabi ng doktor na imposibleng si ted ang bumaril dahil 5’10” si ted at 5’2″ lang si trina, kaya kung babarilin ni ted, dapat pababa umano ang tama ng bala. samantalang pwede namang nakatayo si trina at nakaupo ang bumaril, o nakatungtong sa upuan ang biktima, maaring yumuko ang bumaril, o maaaring nagpakamatay nga ang biktima. sa madaling sabi, marami pang posibilidad.
isa pa ang klase ng sugat na nalikha, na ayon sa kanya ay dulot ng malapitang pagputok ng baril pero siya mismo ay hindi makatiyak sa eksaktong layo, mula kalahati hanggang 2 pulgada. pero sa pagtingin ko ay walang batayan ang pahayag niya tungkol sa stifling effect ng bala. pwedeng mas malayo pa sa ilang pulgada pero hindi pa rin magkakaroon epektong ito sa bala. isa pa hindi pa rin kongklusibo na wala ngang ibang taong may kinalaman dito.
isang iniiwasan niyang datos ang napakaliit na porsyento ng mga kaliweteng tao na gumagamit ng kanang kamay para magbaril sa sarili, na 5% lamang, kumpara sa 95% ng tao na gumagamit sa tinatawag na dominant hand.
Ang nakakalungkot pa, maging si Dra. Fortun ay makikitaan din ng tendensyang kumiling sa panig ni ted. bagamat sinisikap niyang magbigay lang ng ekspertong opinyon, napapansin kong ipinagtatanggol na niya si ted. hindi ko alam kung dahil lang ba ang tinutunggali niyang mga proseso ay ang ginagawa ng QCPD, ang parehonh pulisya na nakapalitan niya noon ng salita kaugnay ng shootout sa EDSA nitong mga nakaraang buwan.
at ito ang nakikita kong isa pa sa pinakamalaking problema dito. nagkaroon na ng bias ang mga tao laban sa mga otoridad at personaheng sangkot.
una si ted failon, na madaling makaani ng simpatya dahil araw-araw na napapanood sa tv at napapakinggan sa radyo, isang kinikilalang mamamahayag. natatawa nga ako sa isang komento sa sinulat ko, na nagsasabing hindi magagawa iyon ni ted, dahil si ted failon iyon. na para bang isang santo si ted at hindi kailanman makakagawa ng kasalanan. na para bang kilalang-kilala na niya si ted. iba ang ted failon sa tv at radyo at iba ang ted sa personal na buhay niya, at ang huli ang hindi kilala ng mga tao at nakasalang sa imbestigasyon.
sa kabilang panig naman, nariyan ang pulisya na sunud-sunod ang mga nagawang pagkakamali sa pagharap sa iba’t ibang kaso nitong nakaraan.
halimbawa rin ang iringan sa pagitan ni persida acosta ng PAO, at ni raul gonzales ng DOJ.
kaya hindi makabuo ng matalinong pasya ang mga tao batay sa masusing pagsusuri sa mga datos, ebidensya at pahayag kaugnay ng kaso.
panghuli, sa tingin ko, naipagkakamali ang usapin na may kasalanan ba si ted sa pagkamatay ni trina o wala, sa usapin na maykasalanan ba si ted sa pagsira sa mga ebidensya. sa kampo ni ted, napapansin kong sadyang pinaghahalo nila ito kaya nariyan ang reklamong “overkill” sa pag-aresto sa mga kaanak ni trina. samantalang, dati naman nang ganito ang gawi ng mga puli. totoong hindi maayos ang pagdala nila sa mga akusado, pero hindi naman sapat na sabihing overkill ito. samantalang ang dami-daming kaso na mas malala pa ang ginagawa ng mga pulis sa mga ordinaryong tao. at kung nagmalabis nga ang mga pulis, hindi pa rin nito inaabswelto sina ted.
dahil malinaw ang ginawa nilang paglabag sa batas. iyong tungkol sa hindi pag-uulat sa pulisya, maiintindihan ko pa kung dahil nasa shock pa si ted at mas minamabuti niyang madala sa ospital at magamot si trina kaya hindi na naisipan pa ang bagay na ito. pero siya pa mismo ang nag-utos sa mga tauhan ng ospital na wag magpaabot sa mga pulis. isa pa, nang dumagsa na ang mga tawag sa kanya, umalis naman siya sa ospital at iniwan ang asawa. kung ikaw ang may asawa na nagpakamatay, hindi mo na papansinin ang ibang bagay sa paligid, basta’t nandoon ka sa tabi ng iyong kabiyak, hindi mo na papansinin kung makilala ka ng tao dahil wala namang dapat ikahiya o itago, kahit nga siguro damit mo, hindi mo na papansinin, madala lang sa ospital ang biktima sa pinakamadaling panahon, kahit siguro naka-brief ka lang.
kaugnay naman ng pagsira sa mga ebidensya, ito ang bagay na hindi mabibigyang katwiran ni ted. malinaw na paglabag ito sa batas, kahit gaano pa kainosente ang intensyon nila sa paggawa niyon, gaya ng katwiran nila. paglabag ito sa batas, kaya kailangang makasuhan siya at sa korte niya sagutin ang kaso.
para rin itong kaso ng mga drayber na nakakasagasa. awtomatiko, kulong kaagad ang drayber, anuman ang dahilan kung bakit nakasagasa siya, teknikal man na problema o talagang aksidente. kahit nga kasalanan pa ng nasagasaan.
mahirap pero ito ang batas. kung ayaw natin nito, edi baguhin ang batas, pero hindi lang para kay ted kundi para sa lahat. pero habang ganyan pa ang nakasaad sa batas, ipatupad ito kahit pa kay ted.
dagdag pa dito, dapat nga pinangatawanan niya ang bagay na ito. dapat hindi niya hinayaang makulong ang mga kasambahay niya at inako niya ang responsibilidad sa pagpapalinis ng mga ebidensya. kawawa ang mga katulong niya, naiipit sila sa bagay na ito, hindi katulad ni ted na kahit makulong ay kaya niyang ipagtanggol ang sarili.

ito ang pagtingin ko kaugnay ng kasong ito. ang mas binibigyang pansin ko dito ay ang huli, dahil kailangang maging patas ang batas para sa lahat at hindi makahadlang ang pangalan at katayuan ng nasasakdal. ang kaugnay ng kung paano nga ba namatay si trina ay personal naman nang bagay at dapat ang mga pulis at pamilyang etong na lang ang may pakialam dito.


Responses

  1. Whatever the real deal behind this case, na palagi na lang laman ng balita, ipagdasal na lang natin ang kaluluwa ni Mrs. Failon. Amen!

  2. I spent around 5 minutes reading this article and it is worth enough for all of us to read. Eto ang nabasa ko na walang pinapanigan. Unlike Korina Sanchez na nasa radyo araw araw na halata sa mga bukang bibig niya na may pinapanigan siya. Kung ganyan ang pagtratrabaho niya magresign na lang siya.

    • salamat sa pagbabasa. iyon talaga ang gusto gong maging, impartial. bagamat may sarili rin akong kuru-kuro, pero dahil wala naman akong hawak na mga ebidensya, kaya hindi ako nagkokongklusyon agad. si korina, well, madali namang maintindihan ang panig niya, pati ang buong abs-cbn. kaya nga nitong mga nakaraang araw matapos ang insidente, sa gma7 ako nanonood ng balita para hindi bias kay ted.

  3. eto ba yung sinasabi niyong walang kinikilingan? ang crap huh!? mas mukha nga xang may kinikilingan eh…at isa pa..yung nagsulat mismo nito ay nagbibigay ng konklusyon at panghuhusga sa mga pangyayari even sa mga expert na nagsuri sa labi ni mrs. trina etong. u know wat..niluluto mo ang sarili mo sa sarili mong mantika dahil sa pinagsasasabi mo dito. at for you to know ..wlw ka sa tamang posisyon para sabihing kumikiling ang mga eksperto like DRA> fortune,, it is their obligation to give their findings in media..hindi sila nagsasalita para kumiling..dahil FACTS ang nilalabas nila..iba ang pagkiling sa facts MR. pagnaglabas ka ng facts sa Media it doesn’t mean na may kinikilingan ka..hindi sa kanila galing yung sinasabi nila kundi sa mga scientific bases na nakuha nila mismo sa labi ni mrs. etong..kung hindi nila ilalabas yun marahil hindi natin malalaman ang totoong nangyari. hindi mo dapat hinuhusgahan ang mga eksperto sa ganong bagay..facts kasi yun..hindi opinion okay? parang hindi yata tama ang pinagsasasabi mo dito..you better check yourself first okay..

    • una, salamat sa pagbabasa. ikaw pa lang ata ang maraming binasa sa mga sinulat ko at nagkomento pa.
      tungkol sa komento mo dito:
      1. kung may knikilingan man ako, eh ano ngayon. tulad mo isa lang rin akong nobody. kaya kahit maglabas ako ng pagkiling, wala kang pakialam doon. edi tumugon ka kung gusto mo. sa totoo lang, may bias ako, kaya nga pinilit ko na hindi mailabas iyon sa sinulat ko. pero ang hindi ko maintindihan ay ang sinasabi mong mga kongklusyon ko dahil wala pa naman akong inilabas dito.
      2. kaugnay ng mga naglalabas ng FACTS sa media, kung magsusuri ka lang ng mabuti, hindi mo pa matatawag iyong FACTS. the FACT na kinuha si Fortun ng kampo ni ted, liable na sa pagdududa ang mga pahayag niya at hindi pwedeng ituring na FACT at opisyal. natural, kabilang siya sa isang panig, kaya dapat ipagpalagay na para sa panig nila ang ilalabas niya. para rin iyang abugado, kahit pa itinuturing siyang eksperto sa ibang larangan. siya na rin ang nagsasabi noon na hindi sapat na tukurin ang paraan ng pagkamatay sa pamamagitan lang ng trajectory ng bala, ito ay noong simula pa lang ng kaso at mukhang hindi pa siya kinukuha ni ted. pero ilang araw ang makalipas, mula sa parehong mga basis na ginamit niya noong una, nagkongklusyon na kaagad siya na suicide nga ang nangyari. iyon ang tinatawag na kongklusyon, iamnobody! at dahil sa katayuan niya sa kaso at mga pahayag niyang ito, kaya ko siya hinuhusgahan.
      3. ngayo kung ito ang batayan mo para sabihing may kinikilingan ako, dahil lamang pinupuna ko ang isang panig, pwedeng pakibasa na lang ulit, baka mayroon kang nalaktawan. OK?
      muli salamat.

  4. Ang gusto ko malaman ay ang kumakalat sa text na may isang business man na sangkot sa pagkamatay ni Trina, may basihan ba un o may ebidinsiya ba na may third party na involved sa insidente? thanks

    • hindi ko pa nabalitaan iyon. ewan ko lang. ang alam ko lang, iyong P20 milyon na nawala dahil sa investment ni trina. ito ang pwedeng maging motibasyon alinman sa pagpapakamatay o pagpatay kay trina.

  5. I strongly agree sa sinabi mo na “hindi dapat bumubuo kaagad ng mga kongklusyon ang mga tao.”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: