Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 21, 2009

Ang Bakasyon


Tagaytay

Tagaytay

Aahhhh…… Tagaytay! Kay sarap magbakasyon kahit isang araw lang, isang araw na malayo sa mainit na Maynila, isang araw na malayo sa ingay at usok ng lunsod. Napakatahimik ng paligid at napakaganda ng tanawin.

sa wakas, nakapagbakasyon din kaming tatlong magpamilya kasama ang pamilya ng asawa ko. matagal din kaming nagpaplano kung kailan makakapag-swimming pero hindi matuluy-tuloy dahil walang panahon para maisingit. at noong Linggo nga, natupad iyon sa isang maliit na resort sa tagaytay. maliit lang ang lugar at mismong paliguan, mayroon lang itong bahaging pasyalan pababa. para sa amin, hindi na gaanong bago ang ganoon, mas marami na kaming napuntahan na di hamak na mas magandang pasyalan. ang gusto lang talaga naming mag-asawa, masulit ang pagbababad sa tubig, kahit na magkabungang-araw pa. ang anak nga namin, nangitim na dahil sa maghapon sa initan.
sa kabuuan, masarap ang naging pahinga namin mula sa trabaho at sandaling pagbabakasyon.
pero gusto ko lang ibahagi ang isang kakatwang bagay sa bakasyon namin sa tagaytay. nangyari ito sa isang simbahan. hindi ko na papangalanan ang simbahan dhil maliit lang naman na bagay ito at hindi ko na gustong palakihin pa.
bago ang pamamasyal, nagsimba muna kami sa simbahang ito. pero sa pagpasok palang ng simbahan, ito na ang sasalubong sa mga may dalang sasakyan:

Parking Fee

Parking Fee

hindi ko pa gaanong pinansin ito. tumuloy na kami para sa misa na nagsimula na. matapos ang misa, naglibut-libot pa kami sa paligid.

natatandaan ko, isa sa mga turo sa Bibliya ang eksena kung saan, sa kaisa-isang pagkakataong nagalit si Hesus, pinalayas niya ang mga nagkalat na manininda sa loob ng simbahan mismo. pero sa simbahang pinuntahan namin, sa pinakaunang gusaling makikita pagpasok sa tarangkahan ay ito:

Souvenir Shop

Souvenir Shop

na nasa loob mismo ng simbahan at pag-aari ng simbahan. ang alam ko, maraming simbahan ang nagbabawal sa mga manininda sa loob ng bakuran, kahit hindi naman talaga naipapatupad ito. hindi mo rin naman masisisi ang mga tao dahil naghahanap-buhay lang naman. pero kung ang simbahan mismo ang may tindahan sa loob, paano nga ba titingnan ito?
pero hindi ito ang pinakamalupit. dahil sa haba ng biyahe, nagkaroon ako ng tawag ng kalikasan. sa souvenir shop, may palikuran. nang papunta na ako doon, ito naman ang bumungad sa akin:

CR

CR

aba, mas malala pa ito sa mga pampublikong palikuran sa Maynila. karaniwan, dos hanggang tres lang ang hinihingi para sa ihi, at singko para sa dumi. dito , limang piso ang bayad. pero hindi pa nga ito ang problema, kasi sa iba nga, donasyon lang ang hinihingi, samantalang sa simabahang ito, malinaw na nakalagay ang bayad. sa asar ko tuloy, hindi na ako tumuloy. tiniis ko na lang hanggang sa binilhan namin ng pagkain.

mabuti na lang at hindi nito nasira ang araw namin. ipinagkibit-balikat ko na lang, at inilagay sa isip na bakasyon kami noong araw na iyon at inalala ang tanawin ng……..

Tagaytay 2

Tagaytay 2


Responses

  1. well..sa hirap ng buhay ngaun eh di mo sila masisisi..you better take and respect it na lang….it’s their rules eh..karapatan nila ang magset kung may patutunguhan nman..

  2. Hi, interesting post. I have been pondering this issue,so thanks for sharing. I’ll probably be subscribing to your posts. Keep up great writing

    • sorry, ngayon ko lang nakita ang reply mo. nakalagay pala sa spam folder. salamat sa pagdaan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: