Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 17, 2009

Sa Kaso ng Pagkamatay ni Trina


Ilang punto ang napuna ko kaugnay ng pagkamatay o pagpatay kay trinidad etong.
1. natatawa ako sa mga reaksyon ng tao. madalas ang sinisipi nila ay ang palabas na CSI sa telebisyon, na para bang ito ang otoridad sa pag-iimbestiga sa mga akso sa totoong buhay. nakalimutan na ata ng mga tao na isa lang itong palabas, kathang-isip. bagamat marami sa mga palabas dito ang syentipiko, hindi pa rin maaalis na gawa-gawa lang ang mga kwento dito.
2. kanina, narinig ko ang panayam kay Dra. Fortun, isang forensic expert. at marami akong natutunan, na dapat sanang matutunan din ng mga pulis. hindi ko talaga maintindihan kung anong klaseng treyning meron ang mga pulis at bakit laging maraming mali sa kanilang proseso sa halos lahat ng kanilang ginagawa. isang malaking pagkakamali nila ay ipinipilit nilang mag paraffin test si trina kahit nag-aagaw-buhay pa ito. samantalang ayon kay fortun, hindi na ginagawa ito sa ibang bansa, wala namang napapatunayan dito, magpositibo man o negatibo. nadagdagan pa ito nang pilit nilang inaresto ang mga kaanak ni trina kahit pwede namang intayin pa bago bumuti ang lagay ng biktima o makapagbigay ng suporta ang mga ito.
3. sa panig ng mga failon, isang malaking pagkakamali ang paglinis o mas tamang sabihin, pagsira ng mga ebidensya. narinig ko ang pahayag ni kaye na anak ni ted, kung bakit nilinis ang banyo. aniya, para daw hindi na makita ng 12 anyos na kapatid niya. gaano man kalinis ang intensyon ng mga failon sa paggalaw sa lugar na pinangyarihan, hindi ito makakatayong argumento sa harap ng hukuman. maituturing na SOP ito sa pag-iimbestiga. at masakit man ang mawalan ng mahal sa buhay, hindi ito rason para labagin ang batas. isang kahinaan ng argumentong ito, marami pa namang ibang paraan para masalo ang batang kapatid at hindi gaanong maapektuhan. pwede namang inilayo na lang ang bata, pinapasok sa kwarto at kinausap. hindi na kailangang linisin ang banyo, kotse, at baril.
isa pa, masyadong matagal bago ipinaabot sa pulisya ang insidente. maiintindihan pa kung hindi na naisipan ng pamilya ito dahil abala sa pag-asikaso sa biktima. pero kung sadyang ipagbibilin na huwag ipaalam sa pulisya at media ang pangyayari, ibang bagay na ito. masyadong mahabang oras ang lumipas bago pa nalaman ng mga pulis ang nangyari, 3 oras. at sa loob ng oras na ito nangyari ang paglinis sa mga ebidensya.
4. halu-halo na ang reaksyon ng mga tao na nababasa ko. ang problema, marami ang nauunahan kaagad ng emosyon kaya naapektuhan ang masusing pagsusuri bago gumawa ng anumang kongklusyon. kung mag-iimbestiga ka ng isang kaso, dapat malinaw ang iyog isip at walang bahid ng anumang pagkiling. kaya nga dapat hindi kamag-anak o malapit sa mga imbwelto ang mga mag-iimbestiga para walang conflict of interes.
ang ibig sabihin kapag SOP, dapat itong gawin anuman ang sirkunstansya. normal lang na ikunsidera ang lahat ng anggulo kapag may namamatay lalo na dahil sa baril. walang masama dito, para lubos na matiyak na walang ibang may gawa nito kung suicide nga. at kailangan lang talagang batain ito ng mga pamilya ng biktima kahit nasa gitna pa sila ng pagdadalamhati.
5. isang pinagtataka ko, wala akong naririnig tungkol sa punglo at basyo ng balang kumitil sa buhay ni trina. nakita na ang tinamaan ng bala sa banyo, pero hindi ko alam kung nakuha ang punglo para sa na masuri kung ito nga ang punglo na tumama sa biktima. gayundin ang basyo, kung saan ito tumalsik para makatulong matukoy ang paraan kung paano pinaputok ang baril at mula saan.

6. Bakit kaya pumapapel dito ang PAO. tungkulin ng PAO na tulungan ang mga taong walang kakayahang kumuha ng sariling abugado. depensa ni Acosta, basta tinawagan daw sila, wala na silang panahong alamin ang background ng humihingi ng tulong. iyon na nga mismo ang punto, hindi na niya kailangang pumunta sa barangay para alamin kung ano ang katayuan ni ted failon, para malaman na may kakayahan naman itong kumuha ng sariling abugado. wala namang problema kung tumulong sila dito, pero tanong ko lang: sa lahat ba ng pagkakataon, ganito sila kabilis na tumugon na ini-inquest pa lang ang mga tao ay nandoon na sila para tumulong? nagagawa rin kaya nila ito para sa mga taong mahihirap? ewan ko lang, baka hindi lang nababalita sa mga pahayagan pero wala akong alam na ganitong pangyayari.

ang problema lang sa kasong ito, ang pumupuna sa kanya ay si gonzales na labis na kinaiinisan ng mga tao at wala nang naniniwala sa kanya. kaya lumalabas tuloy, kay acosta nakikisimpatya ang mga tao kahit sa pagkakataong ito ay may punto naman talaga si raul.


Responses

  1. ang lalim mo namang magtagalog, parang alam ko kung san ka nangagaling. (maroon pa ang background mo)
    hindi ko masisi ang mga kasambahay sa paglilinis. nagkaron din ako ng mga kasambahay at kilala ko mga psychology nyan. mga walang alam yan sa batas, walang pinag-aralan. walang gusto kundi ang magsilbi sa amo, eager-to-please their amo,s. lalo na kung tulad ni ted na tinrato silang parang kamag-anak. (pano ko nalaman? narinig ko kay ted sa mmorning show nila ni korina several years ago, kinwento nya kung pano sila magtrato ng katulong).
    aamini ko nang emosyonal ako. siguro dahil babae ako, ano? pero nakatago sa emosyon ng bawat babae ay ang tamanag kutob, at ang ‘manipulable’ na pakiramdam. sa kutob ko, suicide nga yun. sa tingin ko, hindi ako na mamannnnipulate lang ng media or what. sa kutob ko, suicide talaga yun at alam ko, marami ako kapareho. hindi naman kasi mahirap intindihin na sa ganitong panahon, at kung mahina talaga loob mo, hindi katakataka kung may mag su suicide. nang dahil sa pera. meron talagang mahina loob eh. salamat sa Dyos mas marami pa rin ang hindi ganon, di ba? pero merong ganun eh. gets? naawa ako sa mga katulong at mga drayber. alam mo naman mga katulong na yan… pag nakitang may dumi..lilinisin agad. wala ba kayong mga naging katulong ever. hindi nila matitiis na merong dumi tapos hahayaan lang nila. kahit nga pigilan mo sila, lilinisin at lilinisin talaga nila yon dahil tarbaho nila yun at don nila binabase ang kaligayahan nila. anubayan. coommon sense lang. at mga walang alam yan sa batas at sa kung anu ano pa. i should know. ang dami ko nanag naging katulong. mababa lang ang lebel ng kaalman pagdating sa ganyan. pero pagdating sa pag please sa amo nila, gusto nila, genius sila. kawawa talaga mga yun, nakulong pa.kung guilty si manong ted, magpapakulong pa ba yang mga yan para lang sa kanya? e di sanay nagssalita na lang sila. anubayan. saka, natural sa mga in-laws ang awayin ang in law sa pinakamaliliit na bagay. pero kung sa ganyang kalaking bagay, kakampi pa ni ted mga in-laws niya…baket kaya? inosente sya! mga bisaya pa naman mga yan, kung may namatay silang kamag-anak , lalaban at lalaban sila sa sinumang suspect. pero si ted…kinakampihan ng lahat . it tells so much. kung ayaw nyong maniwala sa kin wag! alam ko hindi ako logical, alam ko wala ako ebidensya, alam ko marami kayo masasabi. na bababe lang ako at wala ako k dahil wala ako don. but there’s something in everyone’s heart that tells you something …if they would just listen hard to it.

    • ikaw naman, catherine, wala namang kinalamang ang pagiging babae mo. wala namang problema doon. ang nakikita ko ang sa sinabi mo, gaya na rin ng inamin mo, speculative pa rin. iyon nga ang problema ng opinyong publiko sa kasong ito. nauunahan na kaagad ng emosyon para kay ted at sa pamilya niya. pero imagine mo na hindi sina ted ang imbwelto, iyong tipong ordinaryong tao lang na hindi mo naman kakilala. pareho pa rin kaya ang pananaw mo sa kaso.
      isa pa, totoong kawawa ang mga kasambahay ng mga failon, kasi nadadamay sila. pero hindi dahil mangmang sila. karamihan sa mga kasambahay, mababa lang ang natapos sa eskwela pero hindi ko minamaliit ang mga ito. hindi sila tanga. totoo namang marami sa kanila ang katangian, basta’t may dumi, nililinis kaagad, kasi kailangan para magaling sila sa mata ng amo nila. kung hindi, masasabihan naman silang tamad at masesermonan. pero sa kasong ito, hindi ito pangkaraniwang dumi lang. ang duming tinutukoy dito, dugo ng kanilang among nabaril o kung ano pa man. may mga bagay na hindi kaagad alam ng kasambahay kung ano ang gagawin at hindi malayo na isa ito sa mga pagkakataong ito. saka mga failon naman na mismo ang nagsabi na pinalinis nila para hindi daw makita ng bunsong anak. tapos lumalabas sa mga pahayag nila na sinabihan sila ni ted mismo na wag magsalita. kaya nga ito ang naging batayan ng kaso laban sa kanya. at sa tingin ko, may batayan ito. pero hindi naman ibig sabihin na guilty na kaagad siya, kaya hindi kailangang maging defensive.
      wala naman talaga akong pakialam sa kasong ito. kung tutuusin talaga, private at police matter na lang ito. ang punto ko lang kasi dito, sa mga balita rin naman ng 2 at iba pang network, mahilig silang mag-sensationalize ng mga balita. iyong tipong gustung-gusto nila ng mga eksenang sinasapok ang AKUSADO, at kung anu-ano pa, na wala namang dapat pakialam ang ibang tao liban sa mga imbwelto at pulis at minsan nakakasagasa na sa privacy. pero ngayong isang mamamahayag at kilalang tao ang imbwelto, gusto nila igalang ang privacy nila. kapag bale-walang tao ang ibinabalita nila, kahit maging bias sila at palabasing guilty na ang akusado, ok lang. pero pag malalaking taong kapamilya nila, inosente kaagad.

  2. para sakin foul play ang nangyari… oo at hindi lang naman ang isasagot ni ted kay Ces… Kung ano ano pa sinasagot nya. Para sa akin hindi nag suicide si Trina. Sabi pa ni Ted na yung baril ay isang klase na mahina pumutok. Watdahel is dat gun? Tinutok sa sentido at ibinaril pero di namatay instantly? Ang nagpapakamatay gamit ang pagbaril sa ulo ay siguradong dedo na. Tapos ayaw pa nila ipa search yung buong bahay. Nagagalit pa sila.. di raw allowed na mag imbestiga sa ibang mga parts ng bahay.. May tinatagong ebidensya??
    Yung nagcomment sa itaas inaalipusta pagkatao ng mga katulong… tsk tsk tsk
    malamang napag utusan lang yun ng amo.

    • parehas tayo. ako, noong una pa man, noong unang lumabas ang balita, may hinala na ako. ang dami kaagad itinataga? pero syempre, hindi naman pwedeng magkongklusyon kaagad. kaya hintayin na lang natin ang resulta. salamat sa pagdaan.

  3. Subukan mo kayang mag-pulis. Para malaman mo ang tunay na buhay ng mga pulis.

    Tira kayo tira sa pulis . . . eh magkano lang naman ang
    budget na bigay ng gobeyrno?

    Kaya ang iba .. .natututong mango-tong.

    Bakit si Larry Etong . . hinde rin marunong ba mango-tong?

    Please research more, Miss.

  4. Bakit ang mga PULIS na dapat maging Huwaran ng mamayang sila ang gumagawa ng di maganda sa Paningin ng mga tao..Hindi sila naging makatarungan humingin na ng Awa ang mga Kapatid ni Trina na hayaan muna sila na makapiling nila ang nag aagaw buhaw na si Trina pero anong ginawa niya Kinulong pa rin nila ang mga Ito…Anong klaseng mga Pulis sila tapos sasabihin nila na Kung nagmakaawa lang sila sana ay pagbibigyan nila…

    Sa akin sana Masibak sa Puwesto ang mga PULIS na NAGMALABIS AT GINAMIT ANG KANILANG KAPANGYARIHAN ..NAKAKAHIYA KAYO SA MGA PINAGGAGAWA NIYO…

    • oo nga e. ang napapansin ko sa pulisya, una, barumbado sila. hindi maayos ang proseso nila. pangalawa, kapag napuna naman, overacting naman sila. nasanay lang kasi sila sa mga kriminal na aktibidad, superpisyal lang ang pagtupad sa pangunahing tungkulin nila. para lang silang malaking mafia, o siga-siga sa kanto.

  5. to catherine’s comment first..i don’t think that you have the right to say ” nagkaroon na ako ng kasambahay noon,at wala silang alam, walang pinag-aralan..walang alam kundi magsilbi at iplease ang amo nila..” what kind of hypocrite statement is that? mas mukha ka pang walang pinagaralan sa sinabi mong ‘to..before i proceed with the main issue, i just want to let you know na hindi porke nagkaroon ka ng kasambahay ay may karapatan kang sabihin ang mga ganong pananalita.that’s foul! ang kapal mo naman na sabihing wala silang pinagaralan but then look at your attitude? ang pagkakaroon mo ng kasambahay ay hindi tamang basehan para sabihing ganon din ang kasambahay ni ted..u r judging pipol without considering some things that you have to think first>>>ang manner mo pakicheck huh..at isa pang point, u are her to give comment not to degrade others. kung sa feeling mo nagsuicide si MRS. etong then say it without telling such story na porke nagkaroon ka ng kasambahay at ganun sila..
    about naman sa issue….. all i can say is just wait the right time..wag na tayong maghusga o magbigay ng conclusion…it’s their problem anyway…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: