Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 16, 2009

Ted Failon, Arestado!


Kaninan madaling araw, hinuli na si Ted Failon dahil sa umano’y pagsira ng mga ebidensya at pagharang sa hustisya kaugnay ng insidente sa kanyang asawa (Ted Failon arrested). Hanggang sa ngayon hindi pa malinaw ang mga ulat: nag-away ang mag-asawa at aksidenteng nabaril ni Ted ang asawa niya habang lulan ng kanilang sasakyan; o nag-away ang dalawa at kinabukasan natagpuan na lang ni Ted ang asawa na duguan sa loob ng kanilang banyo.

Tanghali nangyari ang insidente, pero ilang oras pa bago naglabas ng pahayag si Ted Failon, o ang mga kintawan ng kanilang kumpanya, ABS-CBN. Sa opisyal nilang pahayag ilang punto lang ang kanilang sinabi: (1) galangin ang privacy ng pamilyang Failon; at (2) agawa-buhay pa ang kanyang asawa na si Trinidad Etong.

Wala naman talaga akong pakialam sa buhay ng mga Failon. Ano nga ba naman ang pakialam ng mga tao sa kanila? Pero ang pinagtataka ko lang, una, bakit kapag ang ABS-CBN ang nagko-cover ng isang balita, kahit pa usapin iyon ng mga pamilya at nakikiusap na wag kunan ng kamera, ay wala silang pakialam basta’t maibalita nila ang tingin nila’y bebenta sa kanilang manonood. Pero pagdating sa kaso na imbwelto ang isa sa kanila mismo, na di sinasadyang may mataas na pusisyon sa kumpanya bilang beteranong mamamahayag, bigla silang tahimik at gusto nila, irespeto ng publiko ang kanilang privacy? Bakit hindi dumagsa ang mga kamera para kunan sila ng pahayag at ilahad ang istorya ng insidente? Bakit sila pa mismo ang pumigil sa paglabas ng balita?

Parang may double standard sila. Kapag buhay ng kung sino lang, ilalabas kaagad nila lalo na kapag sensational ang balita. At wala silang pakialam sa privacy ng kung sino. Ngayong isa sa kanila ang imbwelto, sila ang tahimik at maingat sa paglalabas ng anuman.

Ayon sa mga lumabas nang mga balita, magulo ang mga pahayag. Sa naunang mga balita ng ABS-CBN mismo, nag-away umano ang dalawa at aksidenteng nabaril ang babae. Sa sumunod nang pahayag, hindi na daw tinapos ni Ted ang kanyang programa sa DZMM nung umaga matapos makatanggap ng tawag sa kanyang asawa. Pag-uwi niya, natagpuan na lang niyang nakakandado ang banyo at pagbukas, tumambad ang asawang naliligo sa sariling dugo.

At ito ang pangalawang punto ko, bakit napakaraming misteryo ang bumabalot sa insedente? Magkakaibang pahayag, hindi kaagad naglalabas ng balita, na parang may gustong itago. Dahil sa ginawa nila, lalo tuloy nabuksan ang insedente para sa mga ispekulasyon. Hindi na maiiwasan na iba ang isipin ng mga tao.

Ang ipinagtataka ko, kung totoong nagbaril sa sarili ang asawa ni Ted, bakit ipinalinis pa niya ang banyo kung saan niya natagpuan ito? Pati ang sasakyan na ginamit para ihatid? At lalo na ang baril na ginamit umano?

Ito ang naging batayan ng mga pulis para arestuhin si Failon. Kasi naman, kung ikaw ang makakita sa asawa mo na nagpakamatay, siguradong masa-shock ka at hindi na maiisip pang ipalinis ang mga dugo. Lalo na kung may kaalaman ka naman sa batas at batid mong ebidensya yan na kakailanganin ng mga pulis para sa kanilang imbestigasyon. Maliban lang kung…

[kyte.tv appKey=MarbachViewerEmbedded&uri=channels/48209/406915&tbid=k_13301&premium=false&height=445&width=425]

UPDATE: pumanaw na ang maybahay ni Ted Failon, ilang minuto matapos ang komusyon sa loob ng ICU dahil pilit binitbit ng mga tauhan ng QCPD ang ilang bayaw at hipag ni Ted.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: