Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 10, 2009

Pacquaio-Marquez III


Maiba muna ako ngayong araw na ito. Time-out muna sa politika, isports naman.

Hindi ako hanga kay Pacquaio sa lahat ng ginagawa niya, lalo na ang pagsusugal at sa politika. pero pagdating sa boksing, walang akong duda sa galing niya: bilis, lakas, istamina, at ngayon, marami na siyang kombinasyong natatago. nakita natin ang malamang pinakamahusay na laro niya nitong nakaraang huling dalawang laban niya kay dela Hoya at Diaz.

Aminado ako, noong unang binalak ni Manny na umakyat ng timbang, duda ako kung mananatili ang bilis niya at lakas. Matapos ang unang laban, panalo siya pero hindi pa rin ako kumbinsido. Pero noong umakyat pa ulit siya, lalo pa akong napahanga sa lakas at bilis ni Manny. Halos walang nagawa sa kanya si dela Hoya.

Pero ang talagang aabgangan kong laban ni Manny ay, hindi ang susunod niya laban sa Mayo 3, kundi ang sinasabing balak na muling pagtotoos nila ni Marquez. para sa akin ito ang tanging nakalaban niya noon na hindi niya mapagpasyang natalo.

Unang laban nila, batay sa aking napanood matapos tatlong beses bumagsak si Marquez, dapat sanang panalo si Manny; nauwi ang laban sa draw. Sunod na laban, sa 12 round na laban nila, para sa akin panalo si Marquez, kung tabla man ang puntos nila, kung nagpatuloy pa ang laban, lalamang na si Marquez; panalo si Manny sa laban.

Kaya sa dalawang laban nila, hindi pa malinaw kung sino talaga ang panalo. dagdag pa, napakaganda ng paghaharap ng kanilang istilo, isang palasugod at isang counter-puncher.

malaki na ang inihusay ng laro ni Manny, kaya pwedeng naungusan na niya si Marquez, pero ito pa rin ang labang aantayin ko. Sana lang matuloy na bago pa mag-retire si Pacquaio.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: