Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 9, 2009

Most Expensive Place to Spend the Summer


Sigurado ako na marami ngayon ang naghahanap kung saan ba ang pikamagandang bakasyunan ngayong summer. Marami nga ang lumuwas na sa iba’t ibang prodinsya ngayong Mahal na Araw.

Pero saan nga ba ang pinakamagandang puntahan? Hindi ko alam. Pero alam ko kung saan ang pinakamahal na bakasyunan dito sa Pilipinas, kundi man sa buong mundo. Kung maganda ba dito, kayo na lang ang magpasya.

Bakit mahal? Nagkakahalaga lang naman ng mahigit $60,000 ang board and lodging dito KADA ARAW, o humigit-kumulang P3 milyon kada araw. At dahil bigatin lang ang may kaya ng ganitong halaga para lang sa board and lodging, talaga namang napakahigpit ng magiging seguridad mo. Mayroon ka lang namang bantay na 80-100 security, bukod pa sa bata-batalyong sundalong nakapalibot sa lugar. Saan ito? Saan pa ba kundi sa Sulu. Pero babala lang, huwag niyo nang balaking pumunta dito para magbakasyon, itanong niyo na lang kay Mary Jean Lacaba kung bakit. Ang pangalan ng hotel, Abu Sayyaf Inn.

Ganito ang mapait na karanasan ng tatlong boluntaryo ng ICRC na nakabase sa Sulu at dinukot ng mga tauhan ng Abu Sayyaf  halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas.

Kung tatanungin ang Abu Sayyaf,  hindi nila sasabihing kidnap 4 ransom ito. At kung tatanungin mo rin naman ang gubyerno, hindi nga, kasi wala namang ranson na binabayaran ang gubyerno sa mga terorista. Ang tawag dito, simpleng nagbakasyon ang tatlo sa piling ng mga Abu Sayyaf, at bilang kapalit, humihingi llang umano sila ng $5M  bilang board and lodging ng tatlo.

Hindi ko na matandaan kung kailan ba unang ginamit ang terminong ito. Ang alam ko lang, ito na ang uso sa pakana ng Abu Sayyaf. Matapos ang Dos Palmas kidnapping, marami pa ang sumunod. At parang himala, lahat nagtatapos sa pagpapalaya sa mga bihag (minsan, halos lahat lang ng bihag, ang iba hindi pinapalad). Matapos nito, lulutang ang balita na nagkabayaran na. Pero mabilis itong itatanggi ng mga opisyal ng gubyerno; ang iba magp[apalusot lang na board and lodging lang ang binayaran.

Pero kung umaabot ng milyon-milyon ang ibinabayad na board and lodging, ano pa ba ang pinagkaiba nito sa ransom payment?

Natatawa ako, noong isang araw, iniinterbyu ni Ted Failon sa dzmm si Sec. Puno ng DILG. Tinatanong niya ito tungkol ng sa dalawa pang bihag na sina Andres Notter at Eugenio Vagni. Sinasabi ni Failon na may mga kumakalat na balita na tuwing pumupunta daw sa Sulu si Puno, may bagong nangyayari. Katulad nang palayain si Lacaba matapos bumisita doon ni Puno. Ang ipinahihiwatig, si Puno ang naghahatid ng pera. Natural, tinawanan lang ni Puno, para palabasing nagbibiruan lang sila ni Failon. Sa pagtatapos ng panayam, pahabol na lang ni Failon na, aantayin namin sir bukas kung may mapapalaya ulit na mga bihag. Kinabukasan tumungo si Puno sa Sulu, at noong araw ding iyon, lumabas nga ang balita na napalaya na ang dalawa. Pero hindi naman pala totoo ang balita. Muntik na tuloy magkatotoo ang biro ni Failon.

Pero kahapon, may lumabas daw na dokumento kung saan nakaditalye umano ang lahat ng transaksyong naganap sa bayaran ng ransom para sa mga bihag ng Abu Sayyaf.

Natural, itatanggi na naman ng military ito, kung saan nagmula umano ang dokumento. Ayon din sa pahayag ng naglabas umano ng dokumento, mahirap magsalita dahil maraming pangalang madadawit.

Ewan ko kung maging sapat ito para matakot si Gordon at huwag nang makialam dahil baka madawit siya sa mga nakikinabang umano sa mga ransom.

Ang nakakalungkot dito, ganoon na kadaming ulit na nangyari ang ganito; may makikidnap, kalimitan dayuhan; hahabulin ng mga militar, masusukol nila; may mga makikipag-usap sa grupo, magmamatigasan; iyong isa, magbabanta ng military action na, ang kabila naman, mamumugot daw ng ulo ng bihag; hanggang sa dulo, magugulat na lang tayo na napalaya na pala. At matapos ang ilang araw, huhupa na ang istorya at makakalimutan, hanggang sa may makidnap ulit.

Nakakalungkot, hindi dahil may mga ganitong kaso ng karahasan sa ating bansa. Ang nakakalungkot, ginagawa itong negosyo ng mga opisyal mismo ng gubyerno at military. Maiintindihan mo pa ang ibang kaso, dahil udyok ng hirap ng buhay kaya nga kahit 2 libo lang na ransom pinapatos na. Pero ang ganitong kalaking sindikato…

At hanggang nananatili ang Abu Sayyaf, hindi mapapawi sa utak ng mga tao ang sabwatan nila sa ilang tao sa gubyerno.

Siya nga pala, ilang beses na bang binantaan ang Abu Sayyaf na: “Isang bala ka lang?”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: