Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 6, 2009

Why Arroyo is freeing criminals?


Ito ang isinulat ni Neal Cruz sa isyu ng Inquirer ngayon.

Para sa kanya, nagtataka siya kung ano ba ang nasa utak ni Arroyo at sunud-sunod na pinakawalan ang mga malalaking pangalan ng mga kriminal, marami nga ang may life o double life sentence.

Sulat niya:

First, she freed Claudio Teehankee Jr. who had cold-bloodedly shot Maureen Hultman and two male companions in Dasmariñas Village for no reason at all. Then she gave executive clemency to all the soldiers convicted of conspiring to assassinate Ninoy Aquino and Rolando Galman. Then it was ex-Rep. Romeo Jalosjos, convicted of raping a child. Now it is Rodolfo Manalili, mastermind of the gruesome Cochise-Beebom murder case. The two victims, Ernesto “Cochise” Bernabe and Ana Lourdes “Beebom” Castaños, were promising University of the Philippines students who were abducted, taken to Pampanga and stabbed to death because of Manalili’s jealousy. Cochise was mistaken for his rival.

Ang napuna niya sa mga napalayang ito, bukod sa nabanggit na nga na mga sentensya, pawang mayayaman ang mga ito, maliban sa mga pumatay kay Ninoy. Pero dagdag niya dito, ang taong nasa likod ng mga ito, na nagbabayad sa kanila para manahimik, ay mayaman din. Bakit si Leo Echegaray ay nabitay? Dahil ba mahirap siya?

Ipinahayag niya ang pagkabahala na may paboritismo ang Malacanang sa pagbibigay ng executive clemency.

Ilang ispekulasyon ni Cruz, sa tingin niya, kung bakit ginagawa ito ni Arroyo ay:

1. Dahil nasa gubyerno naman niya ang malalaking kriminal, bakit hahayaang magdusa ang mga katulad nila sa kulungan. kung paiiralin ang pagkakapantay-pantay at ipapakulong rin ang mga ito, baka maubos ang mga tao niya at wala nang pamunuan. Kaya ang kabaliktaran na lang ang gawin: PALAYAIN SILANG LAHAT!

2. O baka gusto niya lang bawasan ang mga tao sa bilibid, para makatipid ng pera na ipantutustos pa sana sa mga ito para sa pagkain at iba pa, perang matitipid na pwedeng magastos ngayong panahon ng world economic crisis.

3. O gusto niyang pakawalan na ang lahat sa Bilibid para maibenta na ito sa mga developers at mapatayuan ng mall; sa gayon, kikita ng malaki ang gubyerno mula sa buwis.

Pero kung ako ang tatanungin, ito ang nakikita ko.

Gustong palayain ni Arroyo ang mga ito, iyong mga mayayaman lang at maimpluwensya, para sa senaryo na mawala na siya sa pwesto, hulihin, at litisin sa kanyang mga kaso. Sa gayon, kapag nangyari nga ito, madali niya lang ipapahayag sa mga ito: “Criminals of the world (o kahit sa Pilipinas lang) unite. We have nothing to lose but our cuffs, and the whole world to steal.” At libu-libong lalabas sa mga lungga ang mga taong pinagkalooban niya ng “kabutihan” noong siyang nanunungkulan pa.


Responses

  1. To the people who love, the people who hate and the people who doubt,

    Rodolfo Manalili is a product of wealth and abundance. He thinks that he has the power to control and command; he pays his way around or pay for whatever he wants. He thinks that he is above the law and would stop at nothing to get his way — or rather — run away from the truth. It has been 20 years but sadly, even now, he is still doing the same thing.

    Now Leonard Manalili, a younger sibling thinks they have been wronged because Rodolfo is in jail. Rudy is in jail because he was tried and convicted by the laws of the Philippines . He was meted a double life sentence for his action — but because of who he is or whom he knows — his sentence of double life was reduced to 25 years. Maybe he has paid his debt to society? Then again, maybe, he just paid somebody? Bottom line — Rodolfo is in jail because he ordered the killing of two young people.

    Two young people who were in the prime of their lives, who had hopes and aspirations, who had dreams to realize and who had lots of love to give. They were two young people who were innocent.

    What if it was your child who died the way they did? They were pleading for their lives but instead, they were slaughtered. What if it was your child who vanished — and don’t know where to go, to find them. Pray that nobody else goes through losing a child in such a violent and unspeakable manner — just because somebody like Rodolfo, think the way he does. If these people can do this to anyone — then they can do it to you.

    Must Rodolfo be released… and allowed to harm more???

    Maybe you are too young to know about Beebom and Cochise or maybe have forgotten about what has happened. Or just maybe, you still doubt about their story. If you want to know the truth, go to http://www.beebom-cochise.com. Read about them and be your own judge. Find out for yourself and let Beebom and Cochise — tell you themselves.

    Beebom and Cochise are everybody’s children — and they are missed so much.

    • salamat sa impormasyon. ako kasi, hindi ko na rin alam ang kasong ito. wala pa kasi akong muwang noong mga panahong ito.

  2. nakakahiya mang aminin pero buhay na ako ng mga panahong sinasabi nilang bloody decade ng 90’s at nasubaybayan ko ang mga kasong ito mula sa mga Vizconde, Hultman at pati iyung Cochise-Beebom. Parang binubuhay ang mga halimaw ng nakaraan at hinuhukay ang mga naaagnas nang krimen…nakakadiri ang nangyayari ngayon sa bansa natin. Baliktad na yata ang mundo, ang mga walang kasalanan ang pinapatay at ang mga dapat nakakulong ang binibigyang laya. Wala talagang hustisya sa Pilipinas…

    • oi! pano mo naman nahanap blog ko?
      grabe, alam mo ang mga kasong ito? eh, naglalaro pa ako noon sa kalye nang hubo’t hubad! hehehe

  3. hi po
    kasi po hinahanap ko po kasagotan sa kaso ni echegaray pwede po bang pakiligay


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: