Ipinaskil ni: diwa81 | Abril 5, 2009

VFA – Visiting Fu*$%#@ Army


Mga puta talaga ang mga bumibisitang sundalong kano iyan!

Nalantad na naman ang mga kalokohang ginagawa ng mga sundalo ng US Army na bumibisita sa bansa para sa Balikatan 09 sa Bicol. Gabi-gabi daw ay dinadalhan sila ng 8-10 babae bilang pang-aliw.

ang nakakainis dito, ipagtatanggol pa sila ng VFA Commission Undersecretary na si Edilberto Adan. kahit na magmukha pa siyang tanga.

Ayon sa kanya, lahat daw ng kalahok ng Balikatan ay nasa ilalim ng mahigpit na atas at superbisyong iliimita ang kanilang kilos mula sa target erya ng paglulunsaran hanggang sa “tirahan” nila.

E ano naman, kung limitado ang kilos nila sa mga lugar na ito kung dinadala nga sa kanila mismo iyong mga babae?

Hindi na bago ito sa patakaran ng US Armed Forces. sa clark, ganito rin ang ginawa nila noong may base militar pa sila doon. kahit noong panahon ng WWII, pakasakop nila sa Japan, isa sa kagyat nilang inasikaso ang pagtugon sa pangangailangan ng mga tauhan nila ng babae, para hindi umano bumagsak ang moral ng mga tropa. sa byetnam, thailand at iba pa, ganito rin ang istorya noong panahon ng Vietnam War.

Dagdag pang palusot ni Adan, baka napgkamali ang mga sundalo sa mga iba pang Caucasian na bisita ng lunsod ng Legazpi, na tumitigil din sa parehong lugar. e, sinong niloko mo?

Panghuling depensa niya, mahigpit naman daw na pinagbilinan sa mga batas dito sa Pilipinas ang mga sundalong kano. Na para bang pagkatapos ituro sa kanila ito ay magiging mga santo na sila at awtomatikong susunod sa mga ito? nai-imagine ko tuloy habang nile-lektyuran sila tungkol dito, nagdadal-dalan lang ang mga hinayupak sa mga upuan nila, o nagkukulitan; at kapag sinuway ni Adan, sabay-sabay lang magsasabing, “Yeeesss, Siiiiiiirrrr!” na parang mga grade 1. baka ganito nga ang nangyari, at itong si Adan naman, sa buong katangahan niya, ay nag-aakalang mabubuting bata ang mga ito.

Isa na naman itong dahilan kung bakit dapat ibasura na ang VFA. bukod sa wala itong silbi sa esensya para sa mga Pilipino, napakarami pa nitong dalang panganib.

Junk VFA!!!!!!!!

Palayasin ang Visiting Fu*&%$# Army!!!!!

P.S.

humanitarian mission daw ang ipinunta nila sa Bicol. Ito siguro ang tinatawag nilang humanitarian, ang pagtangkilik sa prostitusyon. sabagay, kung hindi naka-condom, HUMAN nga ang mabubuo.Cool


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: