Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 26, 2009

Kumander Parago


Sigurado, halos lahat na ang nakabalita sa karumal-dumal na krimen na ginawa kay Rebelyn Pitao, anak ng NPA kumander Leoncio “ka Parago” Pitao sa Mindanao. Hindi ko na dadagdagan ang mahabang naisulat tungkol kay Rebelyn, basta nakikiisa ako sa panawagan ng hustisya para sa kanya sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga salarin, na hindi na kaila sa taumbayan kung sino.

Pero gusto ko munang lumayo kay Rebelyn at isalang ang isa pang tao na kasama sa masaklap na kwentong ito, si kumander parago.  Sigurado, “abot-langit” ang paghihinagpis ng mga magulang ni Rebelyn, lalo ng kanyang ina. sa lipunan, sinasabi na mas mahigpit ang ugnayan ng ina sa anak kaysa ng ama; ika nga, nakadugtong pa rin ang pusod. pero sa pagkakataong ito, mas interesado ako sa kaso ni Parago, dahil sa pagiging kumander ng NPA.

Bilang isang ama, pilit kong inmuunawa  kung ano ang maaaring nararamdaman ngayon ni Parago. isa rin akong ama. iniisip ko kung paano kung sa anak ko nangyari iyon. sigurado, sasabog ako sa galit, mag-aamok kaya. bilang isang ordinaryong tao, marami ang magagawa ko kung maghihiganti ako laban sa mga salarin.

kung ako na ordinaryong tao lang, marami ang pwedeng magawa, paano pa kaya ang isang tulad ni parago, na isang kumander ng NPA? Ano kaya ang ginawa niya noong nabalitaan niya? nagpaputok ng armalayt habang pumapalahaw? sumuntok sa puno kahit magkasugat sa kamao o madurog ang buto? pinasugod kaya ang mga tauhan laban sa itinuturong may-gawa ng krimen?

sa bidyo ng panayam sa kanya, iba ang mapapanood na parago. kitang-kitang ang galit na kimkim niya, pero nagawa pa rin niya itong itago. Hanga ako sa tagtag ng taong ito sa pagharap sa pangyayari kung hindi niya gagamitin ang pusisyon niya para maghiganti. kung sa isang “trapo” siguro nangyari ito, baka bago pa lumabas sa balita, naipapatay na niya sa mga bodyguard niya ang mga may-sala. baka ganoon din ang ipagawa niya sa anak ng kalaban niya. pero narito ang isang kumander ng NPA, at hindi lang basta-basta kumander, kundi regional kumander pa nga, na malamang may hawak sa malaking bilang ng tropa ng NPA, pero hindi naglalagay batas sa sariling kamay (batas ng NPA syempre).

Natural, siguradong may ginagawa rin ang NPA para tugisin ang mga salarin. Pero maituturing pa itong bahagi talaga ng kanilang proseso ng hustisya at hindi personal na kagustuhan ni Parago, kahit may mataas pa siyang katungkulan sa kilusan nila. kilala naman ang NPA na nagpapataw ng sarili nilang parusa batay sa sarili nilang proseso ng paglitis sa mga kaso.

Dito makikita ang katatagan ni Parago, at ng mga taong tulad niya. Sa kabilang banda naman, makikita ang pagsadsad na panibagong lalim ng kabuktutan ng kanyang mga kalaban, ang militar. Ang hirap pumanig sa dalawang naglalabang pwersang ito, ang NPA at militar; hindi naman ako bahagi ng kanilang gulo. pero sinong matutuwa sa militar sa ginawa nilang ito?

Noon pa man, iniisip ko na, sa sunud-sunod na pagpatay sa mga aktibista, na pawang ibinibintang sa AFP, hindi malayo na gamitin nila ang taktika na palabasin itong ordinaryong krimen lang na gawa ng ordinaryong mga kriminal. pero nagulat pa rin ako na ginawa nga nila ito, sa kaso ni Rebelyn na dinukot ng mga armadong lalaki at natagpuan na lamang sa gilid ng irigasyon na tadtad ng saksak ng icepick at may indikasyon pa na ginahasa.

Mautak rin talaga ang militar. sino pa nga ba ang naniniwala sa pagtanggi nila sa lahat ng kaso ng pagdukot at pagpatay sa mga aktibista? basta aktibistang pinatay ng dalawang lalaking sakay ng motor, o kaya’y dinukot at isinakay sa isang van, sa militar kaagad ang pukol ng tingin ng lahat. sila lang naman kasi ang may kaya at gustong gumawa nito.

Pero kung isang ordinaryong mamamayan lang na hindi naman aktibista ang bigla lang nawala, at matatagpuan ulit na patay na at ginahasa pa, pwede nga naman nilang palabasing baka mga drug addict ang may gawa. ang tanging maiiwan na lang ay ang motibo na mag-uugnay sa kanila, dahil isa itong anak ng kumander ng NPA.

Ang pinagtataka ko lang, bakit ba nila kailangang gawin ang ganito, gayong sila naman mismo ang nagsasabi na nadudurog na nila ang mga NPA. Kung mahina na ito, bakit anak nila ang pinupuntirya? Dalawa lang ang posibleng sagot: alinman sa hindi totoo na nadudurog na nila ang NPA, o sadyang tanga lang sila at hindi alam kung paano ba tatapusin ang naturang grupo.

Wala akong pakialam sa kanilang labanan, kung madurog nila ang NPA, edi, durugin nila. Basta’t sa tamang paraan. Kung ako nga ang tatanungin, sana magamot na ang kanilang katangahan, dahil dito maraming inosenteng sibilyan ang nagdurusa.


Responses

  1. oi, kumusta na? Mukhang sa pagsusulat nauubos ang panahon mo ngayon, a! Nabasa ko ang mga sinulat mo, sana makasulat ulit ako nang ganyan kaso mejo ignorante pa ako sa mga techi-techie e, nag-aaral pa ako. Musta na lang sa agom mo at sa aki…:)

  2. Buti nga keh Comander Parago!!!! Nang dahil sa kanya, nadadamay pati ibang tao. Life took its toll on his daughter due to his being a barbarian and rebellion. Ewan ko kung bakit kelangan nyang gawin ang mga bagay na alam naman nyang hindi mabuti. Ciguro, meh tao talagang ganyan. MUKLO ka kaseh!!!!

    • bakit naman naging kasalanan ni Parago iyon. kahit pa sa pinakapusakal na kriminal, walang karapatan ang sinuman na gawin iyon.

      • Tsaka ninyo ipaniwala sa mamamayan na kayong mga NPA ay TAPAT sa tao kong TUTPARIN ninyo ang sinasabi ninyo na kayo ay PANTAY-PANTAY..,, eh bakt yaong Leader ninyo na si Jose Maria Sison ay andon sa ibang bansa NAGKPAPAKASARAP mamuhay doon habang nakikipagsayaw pa sa mga ahem..!!!, magagandang babae…!!!!, at yang si PARAGO na PINAPASIKAT mo dito, bakit ha, MAPAPATUNAYAN mo ba na ang HIRAP sa buhay maging pinansyal o materyal man na NARARANASAN ng mga ORDINARYONG MYEMBRO ng mga NPA ay siya ring NARARANASAN ng PAMILYA PARAGO..???,, eh malay natin, baka ang PUMATAY sa anak ni PARAGO ay yaong mga myembro din ng NPA na mga taohan din ni Parago na NAMULAT sa KATOTOHANAN na ANGAT pala si Parago (kasama pamilya niya syempre) kaysa sa LAHAT na taohan niya..,, kumbaga ay DI TOTOO ANG PANTAY PANTAY kuno na kasabihan ng kilusan…

  3. ako pumatay hehehe jowk

    • aha, ikaw pala ha. sige ka, sinampulan na nila iyong drayber. hehehe

      • Alam mo kapatid, ang pagkakamatay ng anak ni parago, ayon sa aking palagay, ito ay bunga “malamang” sa “dalawa” lamang na kadahilanan…,, siguro ito ay halimbawa ng tinatawag na “collateral damage”, it means, DAMAY lamang…, nakakalungkot isipin pero alam nating lahat na ito ay POSEBLING MANGYAYARI.., siguro bunga ntg GALIT o ano pa man..,, at pangalawa ay KATRAYDURAN.., di ba natin maaring isipin na MAY POSIBILIDAD DIN NA ANG PUMATAY SA ANAK NI PARAGO AY KANYA RING MGA KASAMAHAN..????, siguro upang gawin nila itong PROPAGANDA..!!!, sa sari saring kadahilanan pweeng sabihin upang LUKUHIN SI PARAGO AT LALONG MAGAMIT SA KILUSAN DAHIL ISA ITONG NAPAKAGANDANG “SULSOL” SA KANYA UPANG SIYA PAGALITIN AT NG MAGPURSIGI SA KILUSAN at syempre ito ay LINGID SA KANYANG KAALAMAN…!!!,,, at maari ring isipin natin na ito AY BUNGA NG MGA PAGKILOS NG IBANG KASAMAHAN NI PARAGO DAHIL NAISIP NILA NA ANG PAMUMUNO NI PARAGO AY UMIIRAL ANG HINDI “PATAS” NA TURINGAN SA KILUSAN…, kong baga ito ay likha din mismo ni Parago…, ito ay MULTO na siya din ang may GAWA…!!!!,,, dito natin makikita mga kababayan na ang KILUSANG PARTIDONG KUMUNISTA na SUMASAILALIM sa samahang NPA ay WALA TALAGANG TOTOO NA “PAGKAKAISA” AT “PANTAYPANTAY” na turingan…!!!,, di gaya ng ating gobyerno na kahit sa likod ng mga ISKANDALO ngayon ay DI KUBLI SA KAALAMAN ng LAHAT na PILIT PARIN NARIN “INIUSAD” ang KATARUNGAN o HUSTISYA sa pamamagitan ng mga IILAN paring PULITIKO na nagtutulak nito… what i mean is; kahit papano MAY TOTOO PARIN SA GOBYERNONG ITO… ang gobyerrno ng REPUBLIKA NG PILIPINAS…!!!,, ang BUONG PAGBABAGO ay MAGSISIMULA sa ATIN mismo na mga mamamayan…,,, sa ating mga BOTANTE…!!!, BOMOTO tayo ng TAMA upang makapili ng TAMA na mga LEADER…!!!!

  4. hahai nakakainis talaga ang hustisya sa pinas usad pagong kakahiya..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: