Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 24, 2009

(Pagkatapos ng Unos)


“Apo, tuloy ka,” anyaya ni Emil sa Kalihim.

Marahang pumasok sa silid si Apo dulot ng kanyang kapansanan. Sa kabila ng kondisyon niya, isa siya sa mga pinakapinagkakatiwalaan ni Emil at isa sa pinakamatalino sa Gabinete.

“Alam kong nangako ako sa sulat na hindi na ako mangungulet,” bungad ni Apo, “pero nakikita mo ba ang ginagawa ng mga hinayupak na ito?” mariing protesta niya.

“Maupo ka muna kaibigan. Alam ko ang ibig mong sabihin, pero ano ang magagawa ko?”

“Anong magagawa mo? Presidente ka, Emil! Kongreso lang sila!”

“Pero hawak din nila ako sa leeg! Alam mo iyan!”

“Naiintindihan ko ang galit mo sa kanila dahil sa pang-iinsulto nila at hindi niyo pagkakaunawa,” pahabol pa ni Emil.

Nahalata ni Apo na tumataas na rin ang boses ng pangulo dahil sa paggigiit niya. Ibinalik niya ang hinahon ng boses:

“Nakita mo na ba ang pautang na panukala nila?”

Tumango lang si Emil at taimtim na nakinig sa kaibigan.

“Kukuha sia ng pautang mula sa sarili nilang bulsa, pero sila rin ang magpapasya kung paano ito gagamitin. SInong makakapagsabi na hindi nila ibubulsa ang pera?”

Naunawaan ni Emil ang ibig sabihin ng kausap.

“At ang kolateral!” patuloy pa ni Apo, “Ang Pilipinas! Putang-ina, naiintindihan mo ba ito, Emil?”

“Titingnan ko ang magagawa ko dito, Apo.”

“Pinamumugaran na ng buwaya ang buong Kongreso.”

“Huwag kang mag-alala. Hindi masasayang iyong mga payo.”

Tumayo na si Apo, nagpasalamat at nagpaumanhin din sa pangungulit. Bago tuluyang lumabas ng silid, nagpahabol ito:

“Tama ang bulung-bulugan sa baba… kasabay ng pagbinyag sa Republika, inilibing natin ang Rebolusyon.”

Kumintal sa isip ni Emil ang habilin ng kaibigan. Nakadama siya ng labis na kalungkutan. Naawa siya sa kanyang kalagayan, sa kaawa-awang kalagayan. Nagsisisi na siya kung bakit pa siya pumayag na tumangan ng pagkapangulo. Alalm niya noon pa man na magiging titulo lang iyon sa papel; ang totoo, hawak siya sa leeg ng iilan mayayaman mula sa kanilang bayan, isa lang instrumento nila hindi para ipagtagumpay ang rebolusyon, kundi para pagkakakitaan ito.

Naalala niya si Andres. Naisip niya na marahil, pinaparusahan siya nito ngayon dahil sa kasalanan niya sa pamamagitan ng pananatiling niyang buhay para pagdusahan ang matinding kahihiyan at pagkasira ng kanyang pangalan. Pinagdudusahan niya ang kanyang krimen; hindi siya mamamatay sa labanan, pero habambuhay nang puno ng dugo ang kanyang kamay.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: