Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 20, 2009

Marso, buwan daw ng kababaihan? (Opinyon lang)


Nakakalungkot naman ang mga nangyari ngayong Marso, ngayon buwan pa naman ng mga kababaihan. Sunud-sunod ang mga trahedya sa buhay ng maraming kababaihan. Sa partikular ay ang tatlong kaganapan na malinaw na paglapastangan sa kalagayan ng kababaihan sa bansa.

Una na dito ang pagpatay/gahasa sa anak na babae ng isang NPA kumander sa Davao, si Rebelyn Pitao, isang guro sa naturang lungsod. Ang ama niya ang tumatayong kumander ng Pulang Bagani Command. Hindi kataka-taka na maging target ito ng pag-atake ng militar dahil isa ito sa pinakamalakas na yunit ng NPA sa naturang rehiyon. Noon lang panahon ng kaionitan ng sagupaan ng militar at MILF, sunud-sunod ang naging atake ng naturang grupo, at nakabihag pa sa isang opisyal na sundalo at isang pulis. At lahat ng iyon, sa ilalim mismo ng tungki ng ilong ng militar.

At kung isasasaalang-alang ang rekord ng military, malaki ang posibilidad na mga elemento nga nila ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen. Noon pa man, alam ko na na maaaring gamitin ng militar ang ganoong taktika ng pagpapalitaw na biktima lang ng ordinaryong krimen ang mga aktibista, o sa kasong ito, kamag-anak ng kalaban nila; para hindi sila ang mapagbintangan habang nakakamit pa rin nila ang kanilang layunin. Hindi na ako nagtaka nang ginawa nga nila ito. At malamang hindi pa si Rebelyn ang huli.

Sumunod, ang bagong kaganapan sa kaso ng Subic Rape Case. Tatlong taon matapos lumabas ang kombiksyon sa akusado, naglabas ng bagong salaysay ang biktima na nag-aatras sa nauna niyang pahayag. Ano man ang dahilan sa likod niyon, hindi pa natin alam. Pero simple lang ang binitawang salita ng biktima at ina niya. Gusto laman nilang mabuhay na ng tahimik. Ilang taon na ang nakalipas, kahit katiting wala silang natanggap na tulong mula sa gubyerno. Kaya matapos ilabas ang desisyon ng Korte Suprema na ikulong si Smith sa kostudiya ng Pilipinas na hindi naman sinunod ng gubyerno mismo ng Pilipinas batay sa kagustuhan ng US, nawalan na ng tiwala ang pamilya ng biktima sa sistema ng hustisya dito.

At animo’y gusto pang dagdagan ng insulto ang pinsala, ang sira-ulong si Raul, gusto pa siyang kasuhan dahil sa pagsisinungaling umano. Ewan ko ba, kung may natitirang katinuan sa utak ng taong ito. Kung sabagay, noong simula pa naman niya gustong kasuhan ang biktima at palayain ang mga akusado.

At panghuli, kahapon lang, pinalaya naman ang nahatulang rapist na si Jaloshos matapos ang wala pang dalawang dekadang pagkakakulong, para sa dalawang hatol ng habambuhay na pagkabilanggo. Lubahang napakabait ng Malakanyang sa kanya dahil umano sa katandaan, kaya binawi ng pangulo ang dalawang sentensya, at ngayon nakalaya na. kung tutuusin, 2007 pa sana gustong palayain ni Gloria si Jaloshos bilang kabayaran sa naging ambag sa eleksyon sa kanilang probinsya. ngayon malapit na naman ang eleksyon, meron kaya ulit itong kinalaman?

Lahat ng ito, dagdag pa ang halos araw-araw na balit ng panggagahasa, sa mga menor de edad pa naman, ngayong buwan ng kababaihan. Kung ganito ang ginagawa ng gubyerno mismo, talagang hindi pa natin makikita ang Pilipinas na mas ligtas panirahan ng mga kababaihan at kabataan.

Kung sabagay, hindi kataka-taka, dahil sa rekord ng gubyerno, kahit kanino naman hindi nila ipinagkakaloob ang karapatan sa matiwasay na buhay, liban kung kakampi ka nila at magbibigay ng tongpats (o kung si Bush o Obama ka).

Ang init-init na nga ng panahon, dadagdagan pa nila ang init ng ulo ng mga tao. wala na talagang ibang pupuntahan ang gubyernong ito kundi sa kangkungan ng kasaysayan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: