Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 16, 2009

Bagong Distrito, Bagong Pwesto


TANONG: Anong kailangan mong gawin kung gusto mong maging Kongresista pero wala nang bakanteng pusisyon?

SAGOT: Gumawa ka ng bagong distrito.

 

Ito na siguro ang isa sa pinakamalaking kalokohang narinig niyo sa buhay niyo. Pareho tayo.

Ayon sa balita, nagbabalak muling tumakbo bilang kinatawan si Budget Secretary Rolando Andaya Jr. Nagsilbing kinatawan ng unang distrito ng Camarines Sur si Andaya nang halos tatlong termino bago hiranging kalihim sa kabinete.

Ang kasalukuyang kintawan ng distritong ito ay si Diosdado Arroyo.

Kung tatakbo nga naman si Andaya, lalabas na maglalaban ang dalawa para sa naturang distrito. At kung pagkukumpara ang dalawa, di hamak na mas lamang si Andaya kay Dato. Matagal nang kinatawan si Andaya doon, maging ang kanyang ama na nakatatlong termino rin. Samantalang si Dato, nitong 2007 lamang naging kinatawan, at bago nito ay ni hindi naman siya residente doon. Matatandaan na sa Pampanga ang balwarte ng mga Arroyo.

Pero syempre, hindi hahayaan ng Palasyo na mangyari iyon. Magiging malaking kahihiyan iyon para sa pamilya na gahaman sa kapangyarihan. Isa pa, pareho silang kaalyado ng Palasyo. Ang isa ay matagal nang kakampi ng administrasyon sa Mababang Kapulungan, at syempre ang isa, anak mismo ng pangulo.

Kaya ang solusyon, gumawa ng bagong distrito kung saan maaaring tumakbo si Dato.

Pinagtibay sa Kamara ang isang panukalang batas na hahati sa unang distrito ng Camarines Sur para maging una at ikalawang distrito ng lalawigan. Kabilang sa magiging bahagi ng bagong distrito ang ilang bahagi ng dating unang distrito at ilang bayan na sakop ng distrito na hawak ni Luis Villafuerte, na siya ring naghain ng naturang panukalang batas at isa rin sa masugid na tagapagtanggol ng administrasyon.

Sa ngayon, nakabinbin ang panukalang batas sa Senado, na mukhang bantulot na suportahan ng mga senador.

Saan ka ba nakakita sa mundo na ganitong klase? Na kung walang matakbuhang pusisyon ang iyong anak, ay gawan mo na lang ng bagong distrito niya? Para lang pwesto sa palengke na kapag naubusan, naglalatag lang ng bagong lamesa.

Naiisip ko tuloy, paano kaya siya naglalaro  ng “Trip to Jerusalem” noong bata siya? Paano kung siya ang nawalan ng upuan, nagpapakuha ba siya ng bagong upuan sa mga bodyguard?

Sabi noon ni Prof. Sison, “Hindi na makapaghari sa dating paraan ang naghaharing uri.” Pero hindi ko naman inaasahan na magiging ganito sila kalupit. Nagkakandarapa na sila sa pagkamkam ng kapangyarihan, pero di maikakaila, nagiging mas tuso na rin sila.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: