Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 12, 2009

Division Achievement Test


1. Nitong linggong ito, nagsimula na ang mga pagsusulit para sa mga estudyante, sa halos lahat ata ng antas kapwa sa publiko at pribadong mga paaralan. Kasama dito ang mga pamangkin kong pumapasok sa elementarya.

2. Ang tawag sa pagsusulit nila ay Division Achievement Test. Hindi ko alam kung ano nga ba ang laman nito. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ito pinasimulan. Natatandaan ko noong nag-aaral pa ako, wala naman kaming ganito. Ang alam ko lang na pinasimulan noong Grade 6 kami, iyong NEAT. Pero iba ang pagsusulit na ito sa pagsusulit na kinuha ng mga pamangkin ko.

3. Sa katunayan, kakaiba ang Division Achievement Test sa lahat ng pagsusulit. Ang alam ko noon, sa mga pagsusulit, mahigpit na pinagbabawalan ang pangongopya at mahigpit itong pinarurusahan kapag nahuhuli. Nang matapos sa pagsusulit, una ang panganay sa tatlo at sumunod ang pangalawa, ikukwento nila sa bahay pag-uwi na IBINIGAY NG MGA TITSER NILA ANG SAGOT!

4. Kaiba sa NEAT na alam ko, ang pagsusulit na kinuha nila, batay sa pagkakaalam ko, ay para markahan ang mga estudyante, kundi ang mga guro sa halip. Binibigyan ng pagsusulit ang mga bata para malaman kung gaano kahusay nilang natutunan ang mga itinuro sa kanila. Batay dito, malalaman ang antas ng husay ng guro o ng paaralan (hindi ko tiyak kung alin dito ang partikular na minamarkahan) sa pagtuturo.

5. Kung ibinibigay lang sa mga estudyante ang LAHAT ng sagot, paano malalaman kung natutunan nga nila ito? Paano masusukat dito ang tunay na kahusayan ng pagtuturo ng paaralan? Ang masusukat, sa halip, ay ang husay ng mga guro na magbigay ng sagot sa pagsusulit. Sa madaling sabi, ang talagang masusukat ay ang mga guro mismo, kung gaano sila kahusay sumagot.

6. Sa iba pang probinsya na napuntahan ko, nasaksihan ko rin ang parehong pangyayari. At hindi malayo na ganito rin ang ginagawa sa buong kapuluan, maliban kung may natitira pang matinong paaralan na tapat at tunay na naghahangad na matuto sa kanilang praktika ng pagtuturo.

7. Kung ganito ang mangyayari, bakit pa pinakukuha ng pagsusulit na ito ang mga estudyante, dahil una, sinasayang lang ng mga paaralan ang oras ng mga estudyante na maaari sana nilang pinagbakasyon na lang sa araw ng pagsusulit o pinagawa ng iba pang aralin; at pangalawa at pinakamahalaga, maling gawi ang itinuturo ng mga guro sa mga bata. Sila pa naman na itinuturing na pangalawang magulang ng mga bata, at inaasahang magtuturo hindi lang ng mga aralin sa paaralan kundi maging ng mabuting asal at pag-uugali, sila pa ang gagawa ng ganito.

8. Nakakabahala ang ganitong pangyayari. Sa kabila pa naman ng bumababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, ganito pa ang magiging gawi ng mga paaralang ito. Dapat masinsing tingnan ng DepEd ang ganito at gumawa ng mga hakbang. Higit sa lahat, dapat makita ito ng mga magulang at ng lahat ng tao, iyon ay, kung tunay nating gustong umangat ang kalidad ng pag-aaral na nakukuha ng mga anak natin sa paaralan.


Responses

  1. aw. ang saklap naman. siguro pabor yan sa mga tamad mag-aral, pero lugi sila kasi hindi sila tinuturuan sa tamang paraan. BAD.

    • oo nga e. para lang maligtas sa kahihiyan ang paaralan, nasasakripisyo ang mga bata. pero sa ginagawa nila, lalo silang nakakahiya.

  2. pakopyahin daw ang katabi ay ok lang at itinatabi ang mga may utak sa mga walang utak para pakopyahin daw nila sabi ng kanilang guro, tama ba to.diba isang uri rin naman iyan ng pangongopya. pano na ang kalidad ng edukasyon sa Pinas. Kung sakin lang naman di sapat na batayan ang NAT na sukatan ng paaralan o ng mga guro.

  3. .,,.Unfair…

  4. yan nga ang problema naming mga high school teachers…batay sa resulta ng achievement tests nila…mataas ang antas pero sa actual na kaalaman ng bata…marami ang hindi pa marunong magbasa ng Filipino at English at hindi marunong magmultiply…mahina sa basic arithmetic. kaya malaki ang hirap namin pagdating sa enhancement ng bata. kailangan pa naming balikan ang basics..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: