Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 6, 2009

PULIS


May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay

Nag-aabang ng carnap na sasakyan

Magingat ka at baka mapagkamalan

At ratratin ng bala bago ka posasan!

Kagabi, lumabas sa balita ang isang bidyo ng aktwal na hazing habang nagtetreyning ang mga pulis sa Bikol. Kasunod ito ng pagkakasibak ng isang opisyal ng PNP kaugnay pa rin ng hazing sa loob ng organisasyon.

Sa bidyo, malinaw na nakikita ang ginagawa ng mga instruktor sa mga treyning puis. Makikita ang mga treyni na nakapiring pa ang mga mata at napapahiyaw sa sakit habang sinisikmuraan sila. Ang isa, napaluhod matapos hatawin ng tabla sa pwetan.

Napanood ng NAPOLCOM Bikol ang bidyo at kagyat na ginawan ng aksyon ang mga sangkot na opisyal.

Ang pagsasanay ay bahagi di umano ng Counter-terrorism training ng mga pulis.

Hindi ko gustong ipunto dito ang kaawa-awang kalagayan ng mga pulis. Ang ikinababahala ako dito, nitong mga nakaraang araw lang, linggo, at buwan, lumabas ang iba’t ibang kaso ng paglabag di umano ng mga pulis sa mga rules of engagement sa pagharap sa mga kriminal. Nandiyan ang kaso ng mga “rubout” na nakukunan ng bidyo. Nandiyan ang pagkakadamay ng mga sibilyan sa mga pursuit operation. At nitong huli, nasaksihan natin ang ilang ulit na pagpapaputok sa mga suspek kahit wala nang buhay sa loob ng sasakyan.

Kahit ang kaso ng Alabang Boys, isa sa masisi ay ang kapalpakan ng mga pulis sa pagtangan sa proseso ng paghuli sa mga suspek.

Sa kabila ng nakakalungkot na mga pangyayaring ito, mababalitaan pa natin na ang ginagawa ng mga ito sa kanilang treyning. Bakit hindi turuan ng mga batas at paano ito matitiyak kahit nasa gitna ng maiinit na sitwasyon, kahit habang nakikipagpalitan ng putok sa mga suspek.

Minsan na nga lang mapabalita ang mga pulis na ginagawa ang kanilang tungkulin at hindi dahil gumagawa ng katiwalian o mga suspek mismo sa isang krimen, magiging palpak pa ang kanilang operasyon. Kahit na gusto mong purihin ang mga ito sa kanilang pagtupad sa tungkulin, hindi pa rin maiwasan na magtanong, bakit ganoon?

Totoong napakarami ngayong naglipanang kriminal sa lansangan, kaya nag hindi na dapat ito dagdagan pa ng mga kriminal na nakauniporme.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: