Ipinaskil ni: diwa81 | Marso 5, 2009

Hay Buhay!


Grabe na naman ang mga nangyayari sa bansa natin ngayon! Kaluluwas ko lang sa Maynila at matagal-tagal din akong nawala. Nakakakuha naman ako ng balita sa radyo pero hindi ganoon kadalas. Ngayon lang ako naghahabol sa mga usaping gumagambala sa atin ngayon. At isa ang mabilis kong napagtanto: nakakalula ang kalagayan ng Pilipinas ngayon. Nandiyan ang iba’t ibang iskandalo na sunud-sunod na lumilitaw. Marami nga, nagkapatung-patong na. Una ang ALABANG BOYS. Narinig ko ito ilang araw pa lang na pumutok ang balita ng suhulan. Akala ko, maliit lag na isyu na mawawalan rin pagkalipas ng ilang araw, tulad lang ng ilang isyu. Pero nagulat ako, hanggang ngayon ay mainit pa rin itong pinag-uusapan. AT ngayon nga, nadagdagan na naman ng nadawit na mataas na opisyal ng DO(In-)J. Ang nakakalugkot sa isyug ito, sa hinaba-haba ng itinakbo, lumalabas na wala tayong natutunan, lalo na ang gubyerno. Bakit? Matapos ang mahabang imbestigasyon ng dalawang kamara ng Kongreso, mali naman ang naging solusyon: random drug testing sa mga estudyante! Paano nito malulutas ang problema? Kung random, mate-test ba ang drug user? Kahit pa i-test lahat ng estudyante, lahat ba ng adik, nag-aaral pa? Paano ang drug pusher, makikita rin ba iyon sa drug test? E ang DRUG LORD?! Bukod dito, malayo ito sa lumantad na problema sa kaso ng mga Alabang Boys. Dito, nahuli sila, hindi sa drug testing kundi sa umano’y akto ng pagbebenta ng bawal na gamot. Nahuli sila at nakulong, pero matapos ang ilang buwan, ipinabasura ng piskal ang kaso nila sa kakulangan umano ng ebidensya. Totoo man o hindi ang suhulan sa kasong ito, isang hindi maitatangging katotohanan ang kaso ng panunuhol sa mga opisyal ng gubyerno. Maraming pusher, lalo na ang mga druglord, ang hindi nahuhuli dahil may lagay ang dapat manghuhuli sa kanila. Mahuli man, pwede namang lagyan ang piskal para hindi masampahan ng kaso. Makasuhan man, pwede naman lagyan ang husgado para mabasura ang kaso o mahatulag walang-sala. Makulong man, pwede pa ring maglagay para makapuga sa pihitan. Sa ganyang nakakalunos na kalagayan, ipapasok mo ang drug testing, dinagdagan mo lang ang problema kaysa malutas ang dati nang problema. Ang nakikita ko, parang pakitang-tao lang ang ginagawa ng gubyerno kaugnay ng usaping ito. Para lang masabing may ginagawa, habang sa aktwal, pinagtatakpan lang ang usapin. Sa huli lilitaw lang ulit ang usaping ito, at pagnangyari iyon, siguradong mas malaki na naman ang kakaharaping problema. TO BE CONTINUED….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: