Noong sabado, natyempuhan ko sa BBC ang isang debate kaugnay ng populasyon ng daigdig. Ang pangunahing puntong pinagtalakayan ay sobrang populasyon umano ng daigdig o ang epekto ng populasyon ng sangkatauhan. Natural, nahati sa dalawang panig ang mga kalahok: ang tatlong pro na nagsasabing sobra na ang populasyon ng sangkatauhan, at dalawang nagsasabing maling argumento ang sabihing sobra ang populasyon ng daigdig. Sa tatlong nauna, isa dito English na ekonomista, isang eksperto sa Bangladesh kaugnay ng populasyon, at isa ring eksperto sa populasyon sa Africa. Sa kabilang panig, ang anti ay isang Amerikanong writer ng mga librong tumutuligsa sa overpopulation, at isang ekonomistang Intsik mula sa Beijing.
Ang pangunahing argumento ng dalawang panig ay ganito: sa nauna, sobra ang populasyon ng tao kumpara sa produksyon ng mga pangangailangan ng tao tulad ng pagkain; sa pangalawa, kabalintunaan ito.
Ang nakakatawa sa buong daloy ng talakayan, walang naisulong, kahit na isang datos ang unang panig para suportahan ang kanilang argumento na hindi na kayang pakainin ng tao ang sarili nito. At mabilis itong pinasinungalingan ng anti, sinasabing ang argumento nila ay ang maling argumento ni Malthus, 200 taon na ang nakakalipas.
Ayon kay Malthus sa kanyang “An Essay on the Principles of Population,” geometric na lumalaki ang populasyon (1, 2, 4, 8…)habang arithmetic ang paglaki ng produksyon (1, 2, 3, 4…)ng pangangailangan ng tao kaya may mga taong nagugutom. Pero ang maling kongklusyon niya ay mula sa pagkukumpara sa dalawang magkaibang bagay. Kinuha niyang batayan ang paglaki ng populasyon ng Amerika sa isang partikular na panahon at ikinumpara niya ito sa paglaki ng produksyon ng France sa isang partikular na panahon.
Kapag ganito ang gagawin, madali ang maghanap ng mga datos na aangkop sa sariling hypothesis ngunit hindi naman wasto sa mga datos at sa proseso ng tamang pagsusuri. Ayon nga sa kasabuhang Intsik, pinuputol ang paa para kumasya sa sapatos.
Mahigit 200 taon na ito, hindi ko alam kung mayroon nang nagwasto sa maling proseso ni Malthus o nagsulong ng bagong pag-aaral para suportahan ang kanyang argumento. Mukhang wala pa. Paano nga naman maitatama ang mali noong una pa man? Ang nakakalungkot, 200 taon, ganito pa rin ang argumento ng mga tagapagtanggol ng kapitalistang sistema. Paulit-ulit lamang nilang sinasabi na sobra ang populasyon at hindi na kayang pakainin, sa bigong pag-aakala na kapag ginawa ito, sa loob ng 200 taon, ay matatanggap na ng tao ang kanilang argumento na wasto at tumpak kahit walang ibinibigay na patunay.
Pero nang tinanong naman sila ng tagapagpadaloy kung solusyon ba ang henosidyo o pagpatay sa isang lahi na ginawa ni Hitler halimbawa, hindi naman sila makasagot. Dahil ito ang natural na tutunguhin ng kanilang argumento. Para kay Malthus, itinuring pa niyang biyaya ang mga digmaan at sakuna dahil nilulutas nito ang pangunahing problema ng sangkatauhan para sa kanya. Sa kasamaang-palad para sa mga kalahok sa debate, hindi na uso ang hayagang pasismo ngayon dahil sa naging masamang imahe nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi nila masagot ang tanong, dahil ang susunod na tanong dito ay: “Kaninong lahi ang lilipulin?”
Pero ano nga ba ang katayuan ng usapin? Ano nga ba ang tamang pagsusuri kaugnay ng populasyon?
Ayon sa unang panig, dahil sa sobrang populasyon, naghihirap ang mga tao. Ito ang buod ng argumento ng mga taong tulad ni Malthus. Dahil sa napakaraming nadadagdag sa populasyon kada segundo, nadadagdagan din umano ang mga taong kailangang pakainin.
Isang nakakatuwa sa programa ay ang ekonomistang Intsik. Nakakatuwa dahil ilang dekada matapos makapaghari ang rebisyunismo sa Tsina at makapanumbalik sa kapangyarihan ang burgesya, may mga labi pa rin pala ng mga turo ni Mao sa mga mamamayang Tsino kahit pa sa isang burges na ekonomista. Ayon kay Mao, ang dagdag sa populasyon ay hindi dagdag na bibig na papakainin, kundi dagdag na lakas para makuha ang mga pangangailangan ng tao. Ganito rin ang sinabi ni Intsik na ekonomista.
Halimbawa na lang ang inilabas na datos ni Ingles na ekonomista mismo. Inihalimbawa niya ang UK at Uganda na may parehong sukat ng teritoryo. Ang populasyon sa UK ay 16 na ulit na mas malaki sa Uganda. Pero di hamak na mas mayaman ang mga mamamayan ng UK. Kapag tinatanong sila kaugnay nito ay hindi na sila makasagot o makapagpaliwanag.
Ang problema sa kanila, baliktad ang pagtingin nila sa larawan. Itinuturing nilang sanhi ng kahirapan ang sobrang populasyon. Para na rin nilang inilagay ang dahon ng isang puno sa ilalim ng lupa at ang ugat ang sa itaas. Sila na rin ang nagpakita na ang sobrang populasyon, kung susuriin, ay resulta lamang ng kahirapan, at hindi ang kabaliktaran. Ito ang bunga at hindi ang ugat. Maraming mahihirap ang lumalaki ang pamilya dahil sa walang pagpaplano. At wala silang pagpaplano dahil hindi naman itinuro sa kanila ito. At kahit maituro, wala naman silang pera para isakatuparan ang plano.
Nang tinanong naman kaugnay ng kaganapan ng mga aging society kung saan tumatanda na ang populasyon at walang kapalit na bagong henerasyon dahil karamihan sa mga matatanda ang ayaw magkaanak. Sa katunayan ang ilan sa mga bansang ito ay nanganganib na maubos na pagsapit ng kalahating siglo. Ito rin ang mga bansang umaangkat pa ng mga tao para maging tagapag-alaga ng mga matatanda nila. Kaya nasasaksihan natin ngayon ang malaking pangangailangan para sa mga caregiver dito sa Pilipinas.
Katulad na lang ng problema na binanggit sa Tsina ngayon, maraming Tsino na ang kailangang sumuporta sa 2-4 na matanda. Dahil sa one-child na patakaran ng Tsina mula noong 1978, nalimita sa isang anak ang maraming pamilya. Sinumang sumobra dito ay magbabayad ng malaki, nang literal. Dahil isa lamang ang susuportahan ng gubyerno, at sa hirap ng buhay ng mga Tsino, hindi nila kakayanin ang dagdag pang anak. Dahil dito, sa pagtanda ng mga henerasyong ito, maiiwan ang mga magulang sa pagtanda sa isang anak lamang para mag-alaga sa kanila. Kung may asawa pa ang anak na ito, pati ang magulang ng asawa ay magiging pasanin din niya.
Ang pangunahing paliwanag sa kaganapang ito ay makikita sa katayuan sa ekonomya ng mga mamamayan ng bawat bansa. Sa mas mayayamang bansa, mas maalwan ang buhay, kaya mas may access ang mga tao sa pagpaplano ng pamilya. Sila ang may kakayahan sa ganitong bagay: gumamit ng contraceptive, magpa-abort, at iba pang pagsulong sa teknolohiya at medisina. Sila rin ang nakakatanggap ng sapat na edukasyon kaugnay sa mga bagay na ito. Sa mahihirap na bansa, wala ang mga ito. Kahit may pagsisikap ang gubyerno at iba’t ibang grupo na ipalaganap ang makabagong pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya, halimbawa dito sa Pilipinas, hindi pa rin ito tinatangkilik ng mga tao dahil sa kahirapan: walang pambili ng mga gamot, pagpapaaral, at kulang ang mga programa ng gubyerno. Dahil sa kalikasan ng tao sa reproduksyon, natural na naghahanap ang mga tao ng katalik. Pero sa mayayamang bansa, dahil may kakayahan sila, mapipigilan ang natural ding bunga ng pagtatalik. Samantalang sa mahihirap na bansa, walang kakayahan ang mga ito, kaya patuloy ang paglaki ng populasyon. Kaya ang sinasabing paglobo ng populasyon ay bunga lang, o sintomas, at hindi ang sanhi ng problema.
Pero hindi pa rin ito sagot sa pangunahing punto: hindi hadlang ang malaking populasyon kundi dagdag pa ngang lakas sa produksyon. Maraming namamatay sa gutom, hindi dahil hindi kayang pakainin ng sangkatauhan ang sarili, kundi dahil sa natitipon lang ang yaman ng mundo sa iilang tao, habang parami nang parami ang nasasadlak sa kahirapan. Sa madaling sabi, hindi ang malaking populasyon ang bunga ng paghihirap, kundi ang relasyon ng tao sa tao kaugnay ng ekonomya, o ang tinatawag na relasyon sa produksyon, at ang kasama nitong relasyon sa pag-aari. Sino ba ang nagmamay-ari sa yaman ng mundo, at paano ito ipinamamahagi sa mga tao? Kung ikukumpara lang ang nalilikhang produkto sa populasyon ng sangkatauhan, madaling makikita na sobra pa nga ang nalilikha. Kaya nga nasasaksihan natin ngayon ang matinding krisis sa ekonomya ng mga industriyalisadong bansa tulad ng US, dahil sa tinatawag na relatibong labis na produksyon. Pero bakit may namamatay sa gutom? Dahil hindi na kayang bilhin ng mga tao ang mga produktong ito dahil sa patuloy na pagbaba ng sahod at patuloy na pagtaas ng mga bilihin at bayarin.
Halimbawa ang kasalukuyang krisis sa US at iba pang kapitalistang bansa, kung saan trilyun-trilyong dolyar ang naglahong parang bula. Dagdag pa diyan ang bilyun-bilyong ipinamimigay naman sa mga may-ari ng kumpanyang nagsibagsakan. Pero ano ang ibinigay sa mga biktima ng mga dambuhalang kumpanyang ito? Dagdag na pasaning buwis! Ayon na rin sa mga pahayag ng UN, 20% ng pinakamayayaman sa mundo ang may kontrol sa 80% ng yaman sa daigdig. Ibig sabihin, 80% ng populasyon sa daigdig ang maghahati-hati sa nalalabing 20%. Kaya mahigit 60% ng populasyon ng daigdig ang nabubuhay nang mas mababa sa $1 kada araw. Pero kung titipunin ang lahat ng yamang ito, at hahatiin ng pantay-pantay sa lahat, makikita na sobra pa ang yamang nalilikha sa daigdig para sa populasyon nito ngayon.
Ito ang bagay na hindi nakikita ng mga kalahok sa debate. Sabi lang sila ng sabi na sobra ang populasyon, kulang ang pagkain kahit wala naman silang ipinapakitang patunay dito.
Inay
Sa buong buhay ko’y di malilimutan
Sa aking paglaki’y laging tatandaan
Init ng yakap mo, iyong pagmamahal
Magiging gabay ko magpakailanman
Kung ako’y masaya, lalong higit ikaw
Pasasalamat
sa pagsubok na dumaan
sa mga unos ng mundo
isa lang ang hinintay
na maging kaagapay
upang hingan ng ginhawa
upang pita kong ligaya
ay maabot
ay makamtan
sa lahat ng sakit
at sugat ng mga hinanakit
isa lang ang inisip
na makakasagip
upang damhin ang kamay
na sa isang haplos ay nakabibigay
ng kapanatagan sa madilim kong
mundo
nagbibigay-liwanag
sa lahat ng ito, taos ang
pagpapasalamat
dahil sa wakas, mata mo’t mata ko’y
nag-isa’t nagtagpo
haplos ng kamay mong
nadarama noon sa pagitan lamang
ng makakapal na dingding
ng madilim kong mundo
ngayon, di lamang haplos,
di lamang pakiramdam
tunay ka ngang nasa aking harapan
pagsubok, unos, sakit, hinanakit
haharapin ko, sasalubungin ko
dahil alam kong narito ka na
dinarama ako
ng mga bisig mong puno ng pag-ibig
salamat sa iyo, sa kapanatagan ng iyong
kamao
magtitiwala akong ako’y poproteksyunan
mo
salamat sa’yo…TATAY ko!
- Maria Carla Paz Alonzo-Nicolas
Ningning sa mata mo ay nakasisilaw
Bigat sa buhay ko’y iyong pinapasan
Inaako lahat upang mapagaan
Sa lahat ng iyong pagpapakasakit
Lalo’t higit sa ‘yong tapat na pag-ibig
Sa lahat ng mga yakap mo at halik
Paano ko kaya sa ‘yo ibabalik
Naalala ko bang pasalamatan ka
Sa alay na buhay na puno ng saya
Higit sa materyal, bagay na maganda
Ang pagmamahal mo ang s’yang
mahalaga
Kaya ngayon Inay ay iyong hayaan
Sabihin sa iyo, mahal kitang tunay
Sa lahat ng tao nais ipaalam
Ikaw ang tangi kong ginto’t kayamanan
At kung ako ngayon ay papipiliin
Sa maraming inang dakila’t butihin
Ikaw pa rin Inay, aking inang giliw
Ang pipiliin ko, Inay, ikaw pa rin.
- Rev. Monsignor Rey F. Agramon
Ni: angelo ortega noong Hulyo 27, 2009
sa 7:37 hapon
kapag ako’y nagiisa maalas akong nagbabate kadalasan ginagawa ko to bago pa ako tumae iniisip ko prati ang aking only dream girl..she is very sexy but her name i wont tell so bounce, bounce, bounce hanggang ito ay magalit kapag kanan ay nangawit kaliwa ang kapalit one time…
chorus:
kantutan na ignition kahit anong klaseng position kaya ikaw ay tumihaya paupo o padapa ilabas nyo na puke nyo eto na burat ko lumuhod saking harapan susuhin nyo titi ko
araw ko na naman taglibog na naman ako sino naman kayang pokpok ang mabibiktima ko dahil ang aliga kong to ay di ko na…..
ayoko man aminin tol ako ay kaong ilang buwan na rin ako sa puke nagdidieta kaya naman panay bate pagjajakol sa kubeta babae nga ika nga siguradong manlalata sa pagpayo matutuyo ang puke nyang basang basa..one more time…(chorus)
sa tabi ng cabaret may babaeng lucaret betsingko isang kabit tagusan hanggang puwet titi ko’y tuwang tuwa puke nya’y magang maga..sa sobrang sarap parang ayoko na tumitig pa..lahat ng position ay gusto nya ng itry..never never never never syang nagdedeny…kung minsan masakit pag siya’y dry na dry..sa laki ng nota ko lagi siyang umaaray…
tigas tigas bakit may gatas?? ano ba miss onting bilis…sa uulitin!!!(chorus 2x)
Ni: angelo ortega noong Hulyo 27, 2009
sa 7:38 hapon